Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 5/95 p. 8
  • Ang Pagtatatak na Nagdadala ng Kaligtasan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Pagtatatak na Nagdadala ng Kaligtasan
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1995
  • Kaparehong Materyal
  • Paghaharap ng Mabuting Balita—Sa Pamamagitan ng mga Pagdalaw-muli
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1987
  • Bumalik Upang Iligtas ang Ilan
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1996
  • Subaybayan ang Bawat Interes Upang Makinabang ang Iba
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1995
  • Mga Mungkahing Presentasyon sa Paglilingkod sa Larangan
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2005
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1995
km 5/95 p. 8

Ang Pagtatatak na Nagdadala ng Kaligtasan

1 Nang kaarawan ni Ezekiel, pinangyari ni Jehova na matatakan ang mga nagbubuntong-hininga at nagsisidaing dahilan sa nagaganap na kasuklam-suklam na mga bagay, upang tiyakin ang kanilang kaligtasan. (Ezek. 9:4-6) Ang ating gawaing pangangaral sa ngayon ay gumaganap ng gayon ding layunin. Tayo ay maaaring gumanap ng isang mahalagang papel sa gawaing pagtatatak na ito.

2 Ang paghanap sa taimtim na mga tao ay unang hakbangin lamang. Tayo’y nagsasaayos ng pagdalaw-muli. Ang ating tagumpay ay salig sa kung ano ang handa nating sabihin sa ating pagbabalik.

3 Sa pagsubaybay sa naisakamay na “Ang Bantayan,” maaaring ituon ninyo ang pansin sa pangunahing tema nito:

◼ “Pansinin na sa pabalat sa harapan ng Ang Bantayan ay lumilitaw ang pananalitang ‘Naghahayag ng Kaharian ni Jehova.’ Ito’y natatangi dahilan sa itinataguyod nito ang Kaharian ng Diyos bilang siyang tanging solusyon sa mga suliranin ng sanlibutan. Ito ang mabuting balitang sinabi ni Jesus na ipahahayag sa buong lupa.” Basahin ang Mateo 24:14, at ipaliwanag kung papaanong Ang Bantayan ay makukuha nang palagian at magagamit sa personal na pag-aaral ng Bibliya.

4 Baka ang Bibliya lamang mismo ang nais ninyong pagtuunan at idiin ang pangangailangang basahin ito nang palagian. Maaari ninyong sabihin:

◼ “Waring halos lahat ay nagnanais na magkaroon ng praktikal na payo kung papaano haharapin ang mga suliranin sa pang-araw-araw na buhay. Saan sa palagay ninyo makasusumpong tayo ng payo na mapagtitiwalaan natin? [Hayaang sumagot.] Marami na nagtiwala sa payo ng mga kaibigan o nagbayad para sa propesyonal na payo ang nabigo. Sa kabilang panig, nasumpungan ng milyun-milyong tao na ang Bibliya ay nagbibigay ng payo na talagang mapagtitiwalaan nila. Ito’y nagpapakita kung papaano natin haharapin ang anumang suliranin. [Basahin ang 2 Timoteo 3:16, 17.] Hayaang ipakita ko sa inyo kung papaano ninyo magagamit ito upang buksan ang kabang-yaman ng matalinong payo.” Magpatuloy sa pamamagitan ng pagbaling sa “Pag-ibig” sa seksiyong “Indise ng mga Salita sa Bibliya” sa likod ng Bagong Sanlibutang Salin, at ituro ang ilang teksto na nagpapakita kung papaanong ang pag-ibig ay makatutulong sa atin sa paglutas ng di-pagkakaunawaan sa iba.

5 Taglay ang tunguhing magpasimula ng isang pag-aaral sa Bibliya sa aklat na “Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa,” bakit hindi subukan ang pambungad na ito?:

◼ “Papaano makikinabang ang inyong pamilya sa pamumuhay sa isang sanlibutang gaya nito?” Ipakita ang mga ilustrasyon sa mga pahina 156-7, pagkatapos ay basahin ang isa o dalawang siniping kasulatan sa mga pahinang ito, at ipaliwanag na ang mga ito ay pangakong ginawa ng Diyos na Jehova, na hindi maaaring magsinungaling. Bumaling sa listahan ng mga kabanata sa mga pahina 5-6, at tanungin ang maybahay kung aling paksa ang higit niyang nagugustuhan; tingnan ang paksang pinili niya, at talakayin ang isa o dalawang parapo.

6 Nais ba ninyong tulungan ang iba pang tao na matatakan ukol sa kaligtasan? Kung gayon, ‘lubusang ganapin ang inyong ministeryo’ sa pamamagitan ng mabuting paghahanda at karaka-rakang pagsubaybay sa lahat ng interes na nasumpungan.—2 Tim. 4:5.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share