Pagpapatotoo—To the Ends of the Earth
Sino ang malamang na manonood nang paulit-ulit sa video na To the Ends of the Earth? Yaong may tunguhin na maging mga misyonero. Bakit? Upang sila’y maging pamilyar sa Watchtower Bible School of Gilead. Ang video ay tungkol sa ika-50 anibersaryo ng kakaibang paaralang ito, na itinatag upang palawakin ang gawaing pagpapatotoo sa “lahat ng mga dulo ng lupa.” (Awit 22:27) Ang panonood nito ay magpapalaki sa inyong pagpapahalaga sa napakaimportanteng gawaing pangangaral ng mabuting balita at magpapakilos sa inyo sa higit pang gawain. Isaalang-alang: (1) Pagsapit ng mga unang taon ng dekada ng 1940, ano ang binigyan ng pangunahing pansin ng organisasyon ni Jehova? (Gawa 1:8) (2) Noong 1942, anong nakagugulat na hula ng Bibliya ang natutupad, at paanong ang pinagtutuunan natin ng pansin ay naiiba sa daigdig sa pangkalahatan? (Apoc. 17:8; w89 4/15 p. 14 par. 12) (3) Anong mga plano ang isinagawa upang samantalahin ang inaasahang yugto ng kapayapaan pagkatapos ng Digmaang Pandaigdig II? (jv 522 par. 1-2) (4) Anong mga katangian ng mga estudyante ng unang klase ng Paaralang Gilead ang hinahangaan mo? (5) Sa unang 50 taon ng Gilead, gaano karaming estudyante ang nakapagtapos, at sa gaano karaming lupain sila ipinadala? (6) Gaano kalaking edukasyon sa Bibliya ang aktuwal na natamo ng mga estudyante? (7) Paano magiging isang may-kakayahang misyonero at guro ng Salita ng Diyos? (8) Tulad ng ano ang buhay bilang isang misyonero, at anong mga hamon ang kailangang harapin? (9) Ano ang nadarama ng mga misyonero hinggil sa paraan ng kanilang pamumuhay, at anong pantanging mga kagalakan ang idinudulot ng kanilang landasin ng pagsasakripisyo sa sarili? (10) Ano na ang naisagawa ng libu-libong misyonero? Magbigay ng mga halimbawa. (11) Ano ang impresyon mo sa mga kapatid na lalaki at babae na nagtungo hanggang sa “mga dulo ng lupa” upang mangaral? (12) Ang halimbawa na ipinakita ng mga misyonero ay nagpapasigla sa iyo na gawin ang ano, at bakit?