Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 4/04 p. 1
  • Paghahandog kay Jehova ng Ating Pinakamainam

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Paghahandog kay Jehova ng Ating Pinakamainam
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2004
  • Kaparehong Materyal
  • Mga Hain ng Papuri na Nakalulugod kay Jehova
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2000
  • Matuto Mula sa ‘Balangkas ng Katotohanan’
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2012
  • Maghandog kay Jehova ng Buong-Kaluluwang mga Hain
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2012
  • Hain
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2004
km 4/04 p. 1

Paghahandog kay Jehova ng Ating Pinakamainam

1 Itinakda sa Kautusan ni Jehova sa Israel na dapat maging “malusog” ang mga hayop na ihahandog sa kaniya bilang hain. Ang hayop na may kapintasan ay hindi kaayaaya. (Lev. 22:18-20; Mal. 1:6-9) Isa pa, kapag naghandog ng hain, lahat ng taba​—ang pinakapiling bahagi​—ay kay Jehova. (Lev. 3:14-16) Bilang Ama at Dakilang Panginoon ng Israel, nararapat kay Jehova ang pinakamainam.

2 Gaya noong sinaunang panahon, ang Diyos ay lubhang interesado sa kalidad ng ating mga handog sa ngayon. Dapat masalamin sa ating paglilingkod ang angkop na pagpipitagan kay Jehova. Mangyari pa, iba’t iba ang kalagayan ng bawat isa. Gayunman, may mabuting dahilan tayo na suriin ang ating sarili upang matiyak na ibinibigay nga natin sa kaniya ang ating pinakamainam.​—Efe. 5:10.

3 Buong-Pusong Paglilingkod: Upang ang ating ministeryo ay makapagparangal kay Jehova at makaantig sa puso ng ating mga tagapakinig, hindi ito dapat na maging rutin lamang. Ang ating pagpapahayag tungkol sa ating Diyos at sa kaniyang dakilang mga layunin ay dapat na nanggagaling sa ating pusong punung-puno ng pagpapahalaga. (Awit 145:7) Idiniriin nito ang kahalagahan ng pagpapanatili ng isang mahusay na programa ng personal na pagbabasa at pag-aaral ng Bibliya.​—Kaw. 15:28.

4 Ang pagbibigay natin kay Jehova ng ating pinakamainam ay nangangahulugan ding tutularan natin ang kaniyang pag-ibig sa mga tao. (Efe. 5:​1, 2) Ang pag-ibig sa mga tao ay magtutulak sa atin na sikaping mapaabutan ng nagbibigay-buhay na mensahe ng katotohanan ang pinakamarami hangga’t maaari. (Mar. 6:34) Ito ang magpapakilos sa atin na magpakita ng personal na interes sa mga nakakausap natin. Pakikilusin tayo nito na lagi silang isipin pagkatapos ng unang pagdalaw at mag-uudyok sa atin na bumalik. Ito ang magtutulak sa atin na gawin ang lahat ng ating makakaya upang tulungan silang sumulong sa espirituwal.​—Gawa 20:24; 26:​28, 29.

5 “Hain ng Papuri”: Ang isa pang paraan ng pagbibigay kay Jehova ng ating pinakamainam ay sa pamamagitan ng ating kasipagan sa ministeryo. Kapag tayo’y lubhang organisado at tumututok sa gawain, aani tayo ng pinakamainam sa panahong inilaan natin. (1 Tim. 4:10) Makatutulong sa atin ang mahusay na paghahanda upang makapagsalita nang malinaw at may pananalig, sa gayon ay mas malamang na maging maganda ang pagtanggap. (Kaw. 16:21) Habang ibinabahagi natin sa iba ang mabuting balita, ang ating taimtim na pagpapahayag ay angkop lamang na tawaging isang “hain ng papuri.”​—Heb. 13:15.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share