ARALIN 11
Sigla
Roma 12:11
KUNG ANO ANG GAGAWIN: Magsalita nang masigla para mapakilos ang mga tagapakinig.
KUNG PAANO ITO GAGAWIN:
Isapuso mo ang materyal. Habang naghahanda, pag-isipang mabuti ang kahalagahan ng mensahe mo. Maging pamilyar sa materyal mo para makapagsalita ka mula sa puso.
Isipin ang mga tagapakinig mo. Isipin kung paano sila makikinabang sa impormasyon na babasahin o ituturo mo. Pag-isipan kung paano mo ito babasahin o ituturo sa paraang lalo nila itong mapahahalagahan.
Gawing buháy ang pahayag o presentasyon mo. Magsalita nang masigla. Ipakita ang nadarama mo sa pamamagitan ng ekspresyon ng iyong mukha at natural na pagkumpas.