Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • lmd aralin 4
  • Mapagpakumbaba

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mapagpakumbaba
  • Mahalin ang mga Tao—Gumawa ng mga Alagad
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Ginawa ni Pablo
  • Ang Matututuhan Natin kay Pablo
  • Tularan si Pablo
  • Bakit Dapat Maging Mapagpakumbaba?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
  • Mahalaga kay Jehova ang mga Lingkod Niyang Mapagpakumbaba
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2019
  • Mga Halimbawa ng Pagpapakumbaba na Dapat Tularan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1993
  • Linangin ang Tunay na Kapakumbabaan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2005
Iba Pa
Mahalin ang mga Tao—Gumawa ng mga Alagad
lmd aralin 4

PAGPAPASIMULA NG PAKIKIPAG-USAP

Si apostol Pablo na nakatanikala sa isang bantay habang magalang na nakikipag-usap kay Haring Agripa, Gobernador Festo, at Bernice.

Gawa 26:2, 3

ARALIN 4

Mapagpakumbaba

Prinsipyo: “Maging mapagpakumbaba at ituring ang iba na nakatataas sa inyo.”—Fil. 2:3.

Ang Ginawa ni Pablo

Si apostol Pablo na nakatanikala sa isang bantay habang magalang na nakikipag-usap kay Haring Agripa, Gobernador Festo, at Bernice.

VIDEO: Nangaral si Pablo kay Haring Agripa

1. Panoorin ang VIDEO, o basahin ang Gawa 26:2, 3. Pagkatapos, pag-isipan ang sumusunod na mga tanong:

  1. Paano naging mapagpakumbaba si Pablo noong kausap niya si Haring Agripa?

  2. Ano ang ginawa ni Pablo para mapunta ang atensiyon, hindi sa sarili niya, kundi kay Jehova at sa Kasulatan?—Tingnan ang Gawa 26:22.

Ang Matututuhan Natin kay Pablo

2. Mas magugustuhan ng kausap natin ang ating mensahe kung mapagpakumbaba at magalang natin itong sasabihin.

Tularan si Pablo

3. Huwag maging mayabang. Huwag palabasin na alam mo ang lahat at na walang alam ang kausap mo. Magalang siyang kausapin.

4. Ipakitang sa Bibliya galing ang mga sinasabi mo. Tumatagos sa puso ng mga tao ang Salita ng Diyos. Kapag ginagamit natin ito, magiging matibay ang pundasyon ng pananampalataya nila.

5. Manatiling kalmado. Huwag ipilit na tama ang sinasabi mo. Ayaw nating makipagtalo. Maipapakita nating mapagpakumbaba tayo kung mananatili tayong kalmado at aalis kung kinakailangan. (Kaw. 17:14; Tito 3:2) Kung mahinahon tayong sasagot, baka makinig na siya sa susunod na pagkakataon.

TINGNAN DIN

Roma 12:16-18; 1 Cor. 8:1; 2 Cor. 3:5

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share