Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g86 9/22 p. 6-8
  • Ang Bomba at ang Kinabukasan ng Tao

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Bomba at ang Kinabukasan ng Tao
  • Gumising!—1986
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Iba Pang mga Banta sa Katiwasayan
  • Mga Solusyon ng Tao
  • Ang Solusyon ng Diyos
  • Digmaang Nuklear—Sinu-sino ang mga Nagbabanta?
    Gumising!—2004
  • Ang Bantang Nuklear—Hindi Pa Tapos
    Gumising!—1999
  • Ang Problemang Nuklear
    Gumising!—1988
  • Ano ang Sinasabi ng Bibliya Tungkol sa Digmaang Nuklear?
    Iba Pang Paksa
Iba Pa
Gumising!—1986
g86 9/22 p. 6-8

Ang Bomba at ang Kinabukasan ng Tao

ANG mailap na paghahanap sa katiwasayan sa panahong nuklear ay nagbunga ng pagtatalaksan ng libu-libong mga sandata ng lansakang pagpuksa.

Nalalaman ng mga taong may kabatiran na ang mga bansa mismo ay matibay na nagpasiyang aktuwal na gamitin ang kanilang mga sandata kapag ginalit. Oo, ang pagkukusang pakawalan o gamitin ang mga ito ang pinaka-ugat ng deterrence. Si Heneral B. L. Davis, komandante ng Strategic Air Command ng Estados Unidos, ay sumulat kamakailan: “Sa pangwakas na pagsusuri, ang ating kakayahan na panatilihin ang mapaniniwalaang pagpigil o deterrence ay isang gawain ng dalawang nagtutulungang mga salik. Una, dapat tayong magkaroon​—at dapat maunawaan ng potensiyal na mga kaaway na mayroon tayo​—ng kakayahang ipagkait sa kanila ang kanilang mga tunguhin sa anumang antas ng pakikipagbaka. Ikalawa, dapat tayong magkaroon​—at dapat maunawaan ng ating mga kalaban na tayo’y mayroon​—ng kalooban bilang isang bansa na isagawa ang kakahayang iyan sa pagtatanggol ng ating pambansang mga kapakanan.” (Amin ang italiko.)​—Air Force Magazine, Hulyo 1985.

Ang mga sandatang nuklear ay hindi pa ginamit sa galit sa loob ng 40 mga taon, subalit ang nakalipas na pagpipigil ay hindi nagbibigay ng garantiya para sa hinaharap. Ipinakikita ng pambansang mga surbey kamakailan na 68 porsiyento ng mga Amerikano ang naniniwala na ang mga sandatang nuklear ay gagamitin sa wakas kung magpapatuloy ang paligsahan sa armas.

Ang gayong pagkabalisa ay nadarama sa buong daigdig. Isaalang-alang kung ano ang isinulat ng isang 18-taóng-gulang na estudyante sa Sierra Leone: “Ang isang digmaang nuklear ay makakaapekto sa lahat ng tao sa planetang ito . . . Kaya kahit na ang mga tao sa Aprika ay nakadarama ng pagkabahala bagaman sila ay malayo sa teritoryo ng mga superpower. . . . Sa paanuman, pinakikitunguhan ng mga tao ang banta ng pangglobong sakuna sa pamamagitan ng kung ano ang tinatawag ng mga mananaliksik na ‘psychic shutdown,’ yaon ay, hindi pag-iisip tungkol dito. Gayunman, habang tumitindi ang mga kaigtingan sa daigdig lalong nagiging mahirap na gawin ito at basta waling-bahala ang banta.”

Iba Pang mga Banta sa Katiwasayan

Bukod pa sa maliwanag na banta ng sinadyang digmaan sa pagitan ng mga superpower, ang katiwasayan ng tao ay isinasapanganib sa iba pang paraan. Ang isang panganib ay na higit pang mga bansa ang magkakaroon ng mga sandatang nuklear. Karagdagan pa sa limang mga bansa na kilalang mayroon na nito, mayroon pang hindi kukulanging anim na iba pang mga bansa na mayroon na o malapit nang magkaroon ng kanilang sariling mga bomba atomika. Sa pagtatapos ng dantaon, ang mga dalubhasa ay naniniwala, 20 o higit pang mga bansa ang magkakaroon ng bomba.

Ang isa pang panganib ay na baka makakuha ang isang organisasyong terorista ng isa sa mga sandatang ito. Isip-isipin lamang kung ano ang maaaring gawin ng isang terorista sa isang bomba atomika! Aba, maaari nilang ipatubos ang isang buong lunsod!

Paano makakakuha ang gayong pangkat ng isang bombang nuklear? Sa isa o higit pang paraan. Maaari silang magnakaw ng isa​—tandaan, mayroong 50,000 na mapagpipilian! Maaari rin silang gumawa ng isa. Ang teknolohiya sa paggawa ng bomba atomika ay hindi na lihim. At ang plutonium, ang pangunahing sangkap na kinakailangan, ay parami nang parami. Sa katunayan, tinataya na sa taóng 2000 makagagawa ng sapat na plutonium sa pamamagitan lamang ng sibilyan na mga programang nuklear upang gumawa ng 750,000 mga bomba na sinlaki ng bombang ginamit sa Nagasaki sa bawat taon!

Idagdag pa sa mga bantang ito sa katiwasayan ang mga posibilidad ng aksidente, maling kalkulasyon, o hindi pag-andar ng mga sistema.

Mga Solusyon ng Tao

Ang mga siyentipiko, mga iskolar, mga heneral, at mga pulitiko ay marami nang naisulat tungkol sa paksang ito. Parami nang parami ang may palagay na ang paligsahan sa mga armas nuklear ay magastos, walang saysay, at lubhang mapanganib. Sila ay nagmumungkahi ng iba’t ibang mga solusyon. Ang iba ay nananawagan para sa ganap na disarmamento. Ang iba naman ay nagnanais ng paghinto sa paggawa ng mga armas. Ang iba pa ay nagmumungkahi ng ‘star wars’ na depensa. Noong nakaraang Enero ang dalawang pinuno ng mga superpower ay nag-alok ng nakapagpapatibay-loob na mga pangungusap. Iminungkahi ni Mikhail Gorbachev ang baitang-baitang na pamamaraan upang alisin sa lupa ang mga sandatang nuklear sa taóng 2000. Sinabi naman ni Ronald Reagan na siya ay nagpapasalamat sa alok na iyon. Isang seryosong plano ukol sa kapayapaan o isang paraan ng propaganda? Ang lahat ng mga mungkahing ito ay may isang karaniwang bagay​—lahat ng mga ito ay tumuturo sa ilang solusyong ng tao.

Ito ay nagbabangon ng isang mahalagang tanong: Makatotohanan ba na ilagak natin ang ating pagtitiwala na ang mga tao ang magdadala ng kalayaan mula sa panganib ng digmaang nuklear, yamang unang-una na’y ang mga tao mismo ang lumikha ng panganib? Naipakita ng mga tao ang kasindak-sindak na talino sa pagpapakadalubhasa sa computerized na mga sandata ng kamatayan at pagkalipol, subalit naging dalubhasa ba sila sa kanilang sariling kalikasan? Nasaksihan ng salinlahing ito ang dalawang napakalupit na mga digmaang pandaigdig, ang lawak at pagkawasak nito ay ginawang napakaliit ang anumang naunang mga digmaan sa kasaysayan ng tao. At sa loob ng 40 mga taon sapol noong Digmaang Pandaigdig II, mga 150 mas maliit na mga digmaan ang ipinakipaglaban; 30 milyong katao ang nasawi sa mga ito.

Ang Solusyon ng Diyos

Hindi kataka-taka na ang Bibliya ay nagsasabi: “Huwag ninyong ilagak ang inyong tiwala sa mga dakilang tao, ni sa anak man ng makalupang tao, na hindi makapagliligtas.” Nilayon ni Jehova ang kaniyang sariling solusyon sa suliraning nuklear. Di-gaya niyaong sa tao, ang kaniyang solusyon ay magbubunga ng lubusan at walang hanggang pag-aalis sa digmaan.​—Awit 46:9; 146:3.

Ang solusyong iyan ay nakasalalay sa Kaharian ng Diyos, isang pandaigdig na gobyerno na magdadala ng walang hanggang katiwasayan sa mga umiibig sa kapayapaan sa lahat ng dako. Kinikilala ng tatlong milyong mga tao sa mahigit 200 mga lupain sa lupa na malapit nang ipatupad ng Kahariang ito ang kapamahalaan nito sa lupa, winawakasan magpakailanman ang banta ng isang kapahamakang nuklear. Ang mga taong ito ay ang mga Saksi ni Jehova.

Bilang pagpapasakop sa matuwid na mga batas ng Kahariang iyon, tinutupad nila ang hula sa Mikas 4:3, na nagsasabi: “At kanilang papandayin ang kanilang mga tabak upang maging mga sudsod at ang kanilang mga sibat upang maging mga karit. Sila’y hindi magtataas ng tabak, ang bansa laban sa bansa, ni mag-aaral pa man sila ng pakikidigma.” Sangkapat ng mga siyentipiko sa daigdig ang abalang-abala sa mga pagsisikap na nauugnay sa depensa. Walang mga Saksi ni Jehova sa kanila. Mga 70 milyong katao ang tuwirang abalang-abala sa mga trabahong nauugnay-militar. Walang isa man sa mga ito ay saksi ni Jehova.

Subalit malayo sa pagiging walang kibong mga tagamasid ng mahigpit na kalagayang nuklear, maibiging tinuturuan ng mga Saksi ang mga tao sa kung ano ang gagawin ng Diyos upang lunasan ang kalagayan. Ang mga katotohanan ay nasa inyo mismong kopya ng Bibliya. Upang tulungan kayong maunawaan ang mga bagay na ito, makipagkita sa mga Saksi ni Jehova sa inyong pamayanan. Sila’y magagalak na tulungan kayo.

[Blurb sa pahina 7]

Ang pinakabuod ng problema: Ang mga superpower ay lubhang hindi nagtitiwala at natatakot sa isa’t isa

[Blurb sa pahina 8]

Mga 70 milyong katao ang tuwirang abalang-abala sa mga trabahong nauugnay-militar. Walang isa man sa mga ito ay saksi ni Jehova

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share