Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g88 12/22 p. 15-25
  • Mga Relihiyon Ngayon—Isang Pagsubok

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Relihiyon Ngayon—Isang Pagsubok
  • Gumising!—1988
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • MGA MIYEMBRO NG RELIHIYON SA DAIGDIG
  • SALIGAN NG MGA PANIWALA NG TAO
  • MGA KATOTOHANAN AT TURO NG BIBLIYA
  • RELIHIYON AT DIGMAAN
  • SINO ANG NAGSABI?
  • MGA PAGSISIKAP NA MAKILALA ANG DIYOS
  • Relihiyon at ang Sanlibutan
  • Ang Kaharian ng Diyos
  • MGA SAGOT SA PAGSUBOK
  • MGA MIYEMBRO NG RELIHIYON SA DAIGDIG
  • Saligan ng mga Paniwala ng Tao
  • Mga Katotohanan at Turo ng Bibliya
  • RELIHIYON AT DIGMAAN
  • Sino ang Nagsabi?
  • Mga Pagsisikap na Makilala ang Diyos
  • Relihiyon at ang Sanlibutan
  • Ang Kaharian ng Diyos
  • Word-Search Game
    Gumising!—1985
  • Ang Ideya ay Pumasok sa mga Relihiyon sa Silangan
    Ano ang Nangyayari sa Atin Kapag Tayo ay Namatay?
  • Ang Paghahanap ng Tao sa Diyos
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
  • Bahagi 6—1513 B. C. E. Patuloy—Ang Pinakamabiling mga Aklat ng Relihiyon
    Gumising!—1989
Iba Pa
Gumising!—1988
g88 12/22 p. 15-25

Mga Relihiyon Ngayon​—Isang Pagsubok

ANO ang pinaniniwalaan ng mga tao? Ang mga lider ng relihiyon ay nababalisa na masumpungan na marami ang hindi na naniniwala sa kung ano ang itinuro sa kanila.

Oo, ang relihiyosong mga tanawin ngayon ay lubhang nagbago sapol noong 1961 nang ilathala ng Gumising! ang isang tinanggap-na-mainam na pagsubok na pinamagatang “Gaano Kahusay ang Pagkakilala Mo sa Iyong Relihiyon?” Sa labas na ito, muli naming inaanyayahan ang aming mga mambabasa na subukin ang kanilang kaalaman tungkol sa kapanahong relihiyon at sa matanda nitong mga tradisyon. Subalit sa pagkakataong ito ang pagdiriin ay nasa krisis na hinaharap ng relihiyon sa daigdig, itinutuon ang pansin sa mga pangyayari na gaya ng modernong palatandaan ng naaanod na paniniwala ng mga tao at ang bagong pagtataguyod ng relihiyon sa pulitika at digmaan.

Bakit hindi kumuha ng lapis at sagutin ang mga pagsubok sa pahinang ito at sa susunod na tatlong pahina? Pagkatapos ihambing ang iyong mga sagot sa mga autoridad na sinisipi sa mga pahina ng sagot. Tingnan kung ang mga resulta ay tutulong sa iyo na maging pamilyar sa kalagayan ng relihiyon sa ngayon.

MGA MIYEMBRO NG RELIHIYON SA DAIGDIG

Marami sa mga naninirahan sa lupa ay hindi kaanib sa isang relihiyon, ngunit ang graph na ito ay kumakatawan sa mga kaanib sa isang relihiyon.

Maaayos mo ba nang sunud-sunod ang mga relihiyon ayon sa laki o sa mga miyembro nito gaya ng ipinakikita sa graph? (Ang sagot ay nasa pahina 18.)

BUDISMO

HINDUISMO

SHINTOISMO

SANGKAKRISTIYANUHAN

JUDAISMO

ISLAM

1 ‐‐‐‐‐

2 ‐‐‐‐‐

3 ‐‐‐‐‐

4 ‐‐‐‐‐

5 ‐‐‐‐‐

6 ‐‐‐‐‐

SALIGAN NG MGA PANIWALA NG TAO

Kilalanin ang mga isinulat sa katugon na relihiyon o pilosopya. (Ang sagot ay nasa pahina 19.)

1. ‐‐ Koran A. Budismo

2. ‐‐ Baltimore Catechism B. Confucianismo

3. ‐‐ Talmud C. Hinduismo

4. ‐‐ Vedas D. Islam

5. ‐‐ Five Classics E. Judaismo

6. ‐‐ Pali canon F. Katolisismong Romano

MGA KATOTOHANAN AT TURO NG BIBLIYA

Markahan ng “T” o “M” para sa “Tama” o “Mali.” (Ang sagot ay nasa pahina 19.)

1. ‐‐ Inaamin ng mga manunulat ng Bibliya na sila ay sumulat sa ilalim ng pagkasi ng Diyos, na nag-utos sa kanila na iulat nila ang kanila mismong nakahihiyang mga pagkakamali at mga pagkukulang.

2. ‐‐ Itinatalaga ng Bibliya sa mga klero ng Sangkakristiyanuhan ang gawain na pagsanggalang sa karaniwang tao mula sa apoy ng impierno.

3. ‐‐ Itinuturo ng Bibliya na ang lupa ay bilog bagaman inaakala ng mga tao na ito ay patag.

RELIHIYON AT DIGMAAN

Pagtapatin ang mga lugar ng mga digmaan o labanan kamakailan sa mga relihiyong nasasangkot. (Ang sagot ay nasa pahina 20.)

1. ‐‐ India (Bhiwandi at Bombay) A. Katolisismo, Protestantismo

2. ‐‐ India (Punjab) B. Hinduismo, Budismo

3. ‐‐ Ireland C. Hinduismo, Islam

4. ‐‐ Lebanon D. Hinduismo, Sikhismo

5. ‐‐ Sri Lanka E. Shiite Muslim,

Sangkakristiyanuhan, Druze

SINO ANG NAGSABI?

Pagtapatin ang pangalan sa sinabi. (Ang sagot ay nasa pahina 21.)

1. ‐‐ “Ang relihiyon ang opyo ng bayan.”

2. ‐‐ “Ang kalinisan nga, ay kasunod ng kabanalan.”

3. ‐‐ “Ang Liga ng mga Bansa ang pulitikal na kapahayagan ng kaharian ng Diyos sa lupa.”

4. ‐‐ “Ang mga bantay sa impierno ang nagpapataw ng labis na pahirap.”

5. ‐‐ “Ito ay isang sagradong digmaan, at ito’y magpapatuloy hanggang sa magbitiw sa tungkulin ang shah.”

6. ‐‐ “Tinutulungan ng Diyos yaong mga tumutulong sa kanilang sarili.”

7. ‐‐ “Hayaang pumasok ang sariwang hangin sa Simbahan.”

8. ‐‐ ‘Huwag ninyong tawaging ama ang sinumang tao.’

9. ‐‐ “Ang mga tao sa lupa ay bumabaling sa Nagkakaisang Bansa bilang ang kahuli-hulihang pag-asa sa pagkakaisa at kapayapaan.”

A. Ayatollah Ruhollah Khomeini

B. Karl Marx

C. Mga isinulat na Budista

D. Federal Council of Churches

E. John Wesley

F. Jesus ng Nazaret

G. Papa John XXIII

H. Papa Paulo VI

I. Aesop (Griegong pabulista)

MGA PAGSISIKAP NA MAKILALA ANG DIYOS

Salungguhitan ang tamang sagot. (Ang sagot ay nasa pahina 21.)

1. Kinikilala ng mga Hindu ang (0; 3 lamang; 330,000,000) mga diyos at diyosa.

2. Ang mga isinulat na Shinto ay tumutukoy sa (0; 3 lamang; 8,000,000) mga diyos.

3. Ang paniniwala sa isang maylikha ng lahat ng bagay ay hindi umiiral sa (Budismo; Hinduismo; Islam; Judaismo).

4. Isang trinidad ng mga diyos ay itinuro (tangi ng sinaunang mga Kristiyano; ng karamihan ng sinaunang mga relihiyong hindi Kristiyano).

Relihiyon at ang Sanlibutan

Lagyan ng tsek ang tamang salita. (Ang sagot ay nasa pahina 22 at 23.)

1. Si Jesus ng Nazaret ay [ ] hindi [ ] minsan [ ] mahigit sa minsan na tumanggi sa pulitikal na kapangyarihan bilang isang hari o pinuno ng bansa.

2. Itinuturo ng Bibliya na ang isa na nagdadala ng pandaigdig na kabalisahan ay ang [ ]Diyos [ ] Diyablo na kaaway ng Diyos.

3. Hinihiling ng Kasulatan na ang mga lingkod ng Diyos ay [ ] gumamit ng karahasan bilang panghuling paraan sa pagtutuwid sa mga suliraning panlipunan [ ] manatiling neutral may kinalaman sa pulitika ng sanlibutan samantalang umaasa sa Kaharian ng Diyos para sa lunas [ ] ibagsak ang pamamalakad.

4. Ang Bibliya ay [ ] nagtuturo na habang ang sanlibutan ay sumusulong sa edukasyon at sa lipunan, ang relihiyon ay lalakas at magiging higit na makatao [ ] nagbababala na ang mga tao ay magsasagawa lamang ng anyo ng maka-Diyos na debosyon subalit tatanggihan ang kapangyarihan nito [ ] walang inaasahang krisis sa relihiyon.

5. Ang Bibliya ay [ ] nagsasabi na kukumbertihin ng relihiyon ang daigdig [ ] humuhula na ang lahat ng relihiyon ay magkakaisa [ ] humuhula na lubusang wawasakin ng mga pinuno ng bansa ang mga relihiyon ng daigdig.

Ang Kaharian ng Diyos

Markahan ng “T” o “M” para sa “Tama” o “Mali.” (Ang sagot ay nasa pahina 24 at 25.) Sang-ayon sa Bibliya:

1. Ang Kaharian ay isang espirituwal na kalagayan sa loob ng puso ng mga kaibigan ni Jesus.

2. Ang Kaharian ay isang tunay na pamahalaan.

3. Ang Kaharian ay kinakatawan sa lupa ng Nagkakaisang Bansa.

4. Walang anumang tulong ng tao, wawasakin ng Kaharian ng Diyos ang mga kaharian ng sanlibutang ito.

MGA SAGOT SA PAGSUBOK

MGA MIYEMBRO NG RELIHIYON SA DAIGDIG

Mga sagot sa mga tanong sa pahina 15.

1. Sangkakristiyanuhan 1,644 milyona

2. Islam 860 milyon

3. Hinduismo 655 milyon

4. Budismo 310 milyon

5. Judaismo 18 milyon

6. Shintoismo 3 milyon

Saligan ng mga Paniwala ng Tao

Mga sagot sa pagsubok sa pahina 16.

1. D Islam. Koran: “Ang aklat ay binubuo ng mga isinulat na tinatanggap ng mga Muslim bilang mga kapahayagan ni Allah kay Muhammad.”​—Webster’s New Collegiate Dictionary.

2. F Katolisismong Romano. Baltimore Catechism: “Isang opisyal na sumaryo o ulat ng mga paniwala at gawain ng Romano Katoliko.”​—Webster’s New International Dictionary.

3. E Judaismo. Talmud: “Ang autoritibong kalipunan ng tradisyong Judio na binubuo ng Mishnah at Gemara.”​—Webster’s New Collegiate Dictionary.

4. C Hinduismo. Vedas: “Alinman sa apat na kanonikal na kalipunan ng mga himno, panalangin, at liturhikal na mga pormula na bumubuo sa pinakamaagang banal na mga sulat ng Hindu.”​—Webster’s New Collegiate Dictionary.

5. B Confucianismo. Five Classics: “Ang kanon ng limang aklat (Ching) ni Confucius, binubuo ng: Ang I Ching, o Aklat ng mga Pagbabago . . . Ang Shu Ching, o Aklat ng Kasaysayan . . . Ang Shih Ching, o Aklat ng mga Oda . . . Ang Li Chi, o Aklat ng mga Ritwal . . . Ang Ch’un Ch’iu, o Mga Ulat ng Tagsibol at Taglagas.”​—Webster’s New International Dictionary.

6. A Budismo. Pali canon: “Ang kanon na ito ay isinulat noong unang siglo B.C., mga apat na siglo pagkamatay ni Buddha. . . . Walang alinlangan na inihaharap ng Pali canon ang Budismo samantalang ito’y umiiral sa Pamayanan ng mga monghe noong unang siglo B.C. Walang panlahat na kasunduan kung tungkol sa nilalaman ng Budismo samantalang ito ay umiiral bago ang pagsulat ng Pali canon.”​—The Encyclopedia Americana.

Mga Katotohanan at Turo ng Bibliya

Mga sagot sa pagsubok sa pahina 16.

1. Tama. Tahasang inaamin ng mga manunulat ng Bibliya na sila ay sumulat sa pamamagitan ng pagkasi at na inutos sa kanila ng Diyos na iulat ang kanila mismong nakahihiyang mga pagkakamali at mga pagkukulang. Si David, na ang maraming awit sa Bibliya ay prangkahang inilantad ang mga pagkukulang ng bayan at ang kaniya mismong sariling mga kasalanan, ay nagsasabi: “Ang espiritu ni Jehova ay nagsalita sa pamamagitan ko.”​—2 Samuel 23:2.

Gayundin, isinulat ni Daniel ang tungkol sa mga pangyayari sa hinaharap anupa’t kaniyang sinabi na “hindi niya maunawaan.” Siya’y nagtanong: “Oh Panginoong ko, ano ang magiging wakas ng mga bagay na ito?” Ang sagot na ibinigay sa kaniya ay: “Yumaon ka, Daniel, sapagkat ang mga salita ay inilihim at nasarhan hanggang sa panahon ng kawakasan.”​—Daniel 12:8, 9.

Oo, inihula ng mga manunulat ng Bibliya ang mga pangyayari na hindi nila maunawaan noong panahong iyon. Kaya nga inamin ni apostol Pedro: “Walang hula ng Kasulatan na buhat sa sariling pagpapakahulugan. Sapagkat ang hula’y hindi dumating kailanman dahil sa kalooban ng tao, kundi ang mga tao ay nagsalita mula sa Diyos habang sila’y iniaanod ng banal na espiritu.”​—2 Pedro 1:20, 21.

2. Mali. Hindi itinatalaga ng Bibliya sa mga klero ng Sangkakristiyanuhan ang gawain na pagsanggalang sa mga karaniwang tao mula sa apoy ng impierno. Ang totoo ay, ang turong apoy ng impierno ay hindi masusumpungan sa Bibliya. Itinuturo ng Bibliya na ang mga patay ay walang malay, hindi nakadarama ng kirot. Sabi nito: “Kung tungkol sa mga patay, hindi nila nalalaman ang anuman, . . . sapagkat walang gawa ni katha man ni kaalaman man ni karunungan man sa Sheol [“impierno” sa mas matandang salin ng Bibliya], na iyong pinaroroonan.”​—Eclesiastes 9:5, 10.

Hindi ipinahihintulot ng Bibliya ang pagtatatag ng isang uring klero na naiiba roon sa tinatawag na karaniwang tao. Itinuro ni Jesus sa kaniyang mga alagad: “Kayong lahat ay magkakapatid.” At mahigpit niyang ipinagbawal ang paggamit ng mga titulong gaya ng “Rabi,” “Ama,” o “Lider.”​—Mateo 23:8-10.

3. Tama. Itinuturo ng Bibliya na ang lupa ay bilog bagaman inaakala ng mga tao na ito ay patag. Noong ikawalong siglo bago si Kristo, nang ang mga tao ay naniniwala pa rin na ang lupa ay patag, si Isaias ay sumulat: “Mayroong Isa na nananahan sa ibabaw ng balantok ng lupa.”​—Isaias 40:22.

RELIHIYON AT DIGMAAN

Mga sagot sa pagsubok sa pahina 16.

1. C Hinduismo, Islam

India (Bhiwandi at Bombay): “Ang kaigtingan sa pagitan ng mga Hindu at ng mga Muslim sa India ay sumiklab tungo sa ilang malubhang kaguluhan sa pamayanan sapol ng kalayaan. Ang mga kaguluhan sa Bhiwandi at Bombay noong Mayo at Hunyo [1984] ay nag-iwan ng mahigit na 300 mga taong nasawi.”​—Encyclopædia Britannica, 1985 Book of the Year.

2. D Hinduismo, Sikhismo

India (Punjab): “Noong 1984 ang punong ministro ng India, si Indira Gandhi, isang Hindu, ay nag-autorisa ng isang “pagsalakay na pagpaparusa sa pinakasagradong dambana ng relihiyong Sikh, ang Ginintuang Templo sa Amritsar” sa Punjab, “kung saan si Jarnail Singh Bhindranwale [isang militanteng lider na Sikh] . . . ay minartir ng mga sundalo ng pamahalaan.” Sa mabilis na pagganti pataksil na pinatay si Indira Gandhi ng kaniya mismong mga guwardiyang Sikh. “Ang tensiyon at karahasan sa pagitan ng mga pamayanang Hindu at Sikh sa India ay nagpatuloy hanggang noong 1985.”​—Encyclopædia Britannica, 1985 at 1986 Book of the Year.

3. A Katolisismo, Protestantismo

Ireland: “Si Margaret Thatcher, ang punong ministrong Britano, ay sumang-ayon na sasangguniin ang Irish Republic sa pagsasalita ng mga karaingan ng 600,000 mga Romano Katoliko ng Ulster. Subalit mapusok na tinanggihan ng mga lider ng isang milyong Protestante sa Hilaga ang . . . kasunduan. . . . Kung sila ay magtatagumpay, . . . isang malupit na labanan ay malamang na magngalit hanggang sa isa pang dantaon.”​—The New York Times, Nobyembre 15, 1986.

4. E Shiite Muslim, Sangkakristiyanuhan, Druze

Lebanon: “Pinapatay ng [naturingang] mga Kristiyano ang mga Muslim nang walang habag. Pinapatay ng mga Muslim ang mga Kristiyano nang may kabagsikan na hindi nakilala sapol ng mga Krusada. Ang mga Druze [mga miyembro ng isang relihiyosong sekta na Syro-Lebanese na nagmula sa mga Muslim] at ang mga taga-Palestina ay pumasok sa mainit na labanan, hanggang sa noong minsan mayroong kasindami ng 53 ‘hindi regular’ na mga hukbo ang naglaban sa Lebanon. Tunay ang ‘Lebanon syndrome’ ay naging metapora para sa hindi regular na pakikidigma at walang saysay na pagpapatayan sa ating panahon.”​—Encyclopædia Britannica, 1985 Book of the Year.

5. B Hinduismo, Budismo

Sri Lanka: “Sa gitna ng tradisyunal na mga bansang Budista, ang Sri Lanka ay naging madugong tanawin ng panibagong marahas na labanan sa pagitan ng minoridad na Hindu Tamil sa hilaga at ng nakararaming Budistang Sinhalese.”​—Encyclopædia Britannica, 1986 Book of the Year.

Sino ang Nagsabi?

Mga sagot sa pagsubok sa pahina 17.

1. B Karl Marx

2. E John Wesley

3. D Federal Council of Churches of Christ sa Amerika (kinakatawan ang iba’t ibang denominasyong Protestante) Disyembre 18, 1918, sa isang pinagtibay na deklarasyong inihatid sa pangulo ng E.U. na si Woodrow Wilson

4. C Mga isinulat na Budista na sinipi sa “Nikayas ng Pali canon”

5. A Ayatollah Ruhollah Khomeini gaya ng sinipi sa Encyclopædia Britannica, 1985 Book of the Year

6. I Aesop, sa kaniyang pabula na Hercules and the Waggoner

7. G Papa John XXIII, Enero 25, 1959, sa pagpapaliwanag kung bakit balak niyang ipatawag ang ekumenikal na konsilyo ng Vatican II

8. F Jesus ng Nazaret (Mateo 23:9)

9. H Papa Paulo VI noong panahon ng dalaw niya sa Nagkakaisang Bansa noong 1965

Mga Pagsisikap na Makilala ang Diyos

Mga sagot sa pagsubok sa pahina 17.

1. 330,000,000 mga diyos ng Hindu: Tungkol sa karaniwang tao sa India, si Propesor J. B. Noss ay nagsasabi: “Kahit na karaniwang inaakay siya ng karanasan na tanggapin ang isang partikular na diyos o diyosa bilang isang patron . . . , gayunman ay sinasamba niya ang lahat ng sobrenatural na mga persona . . . Ang mga Hindu ay sanay na magsabi na ang kanilang mga diyos ay may bilang na 33 crores; yaon ay, mga 330 milyon.”​—Man’s Religions.

2. 8,000,000 mga diyos ng Shinto: “Ang mga diyos ng Shinto . . . ay sinasabing sa isang dako ay may bilang na 80 laksa at sa ibang dako naman ay may bilang na 800 laksa.”​—The Sacred Writings of the World’s Great Religions.

3. Ang Budismo ay hindi nagtuturo ng paniwala sa isang maylikha. “Sinasabi nitong walang mga persona na nagtataglay ng sobrenatural na kapangyarihan kaysa mararating ng tao sa pamamagitan ng kagalingan at kaalaman; sa katunayan, ang ilang bansang Budista ay walang salita sa kanilang wika upang ipahayag ang ideya na Diyos.”​—Cyclopedia nina McClintock at Strong.

4. Karamihan ng sinaunang mga relihiyong hindi Kristiyano: Tinatawag ng Dictionary of Religious Knowledge ni Abbott ang Trinidad na isang “kapansin-pansing” katangian sa relihiyong Hindu at “nakikita” sa sinauna [bago ang panahong Kristiyano] na mga relihiyon sa Persia, Ehipto, Roma, Hapón, India, at Gresya. Sang-ayon kay Propesor E. W. Hopkins, isang pilosopong Neoplatoniko na nagngangalang Plotinus (205-270 C.E.) ay “bumalangkas” ng isang anyo ng trinidad na kahawig niyaong sa trinidad ng orthodoxong Budista at Brahman. Ganito ang sabi ni Propesor Hopkins tungkol kay Plotinus: “Ang kaniyang teolohiya na tinawag na ‘Platoniko,’ ay nagkaroon ng malaking impluwensiya sa mga lider ng opinyong Kristiyano.”

Higit bang naimpluwensiyahan ng pilosopong ito ang mga lider ng Sangkakristiyanuhan kaysa impluwensiya ni Jesus? Si Propesor Hopkins ay sumasagot: “Kay Jesus at kay Pablo ang doktrina ng trinidad ay maliwanag na hindi kilala; sa paano man, wala silang sinasabi tungkol dito.”​—Origin and Evolution of Religion.

Relihiyon at ang Sanlibutan

Mga sagot sa pagsubok sa pahina 17.

1. Mahigit na minsan

Dalawang beses na tinanggihan ni Jesu-Kristo ang mga pagkakataon na magkamit ng pulitikal na kapangyarihan. Si Jesus ay tumangging makipagtawaran nang alukin ng Diyablo: “Ibibigay ko sa iyo ang lahat ng kapamahalaang ito [sa “lahat ng mga kaharian ng tinatahanang lupa”] . . . sapagkat ipinagkaloob ito sa akin, at sa sinumang nais ko ibibigay ko ito.”​—Lucas 4:5, 6.

Tinanggihan din ni Jesus ang isang popular na kilusan ng mga tagahangang relihiyoso na itaguyod siya bilang hari: “Nang makita ng mga tao ang mga tandang ginawa niya, ay kanilang sinabi: ‘Totoong ito nga ang propeta na paririto sa sanlibutan.’ Kaya si Jesus, nang mahalata na sila’y magsisilapit at siya’y aagawin upang siya’y gawing hari, ay umalis.”​—Juan 6:14, 15.

2. Ang Diyablo

Inilalagay ng Bibliya ang sisi sa kabalisahan ng daigdig sa kaaway ng Diyos na si Satanas na Diyablo. Sabi nito: “Sa aba ng lupa at ng dagat, sapagkat ang Diyablo’y bumaba sa inyo, na may malaking galit, sa pagkaalam niya na kaunting panahon na lamang mayroon siya.”​—Apocalipsis 12:12.

3. Manatiling neutral kung tungkol sa pulitika ng sanlibutan samantalang umaasa sa Kaharian ng Diyos para sa lunas

Iniutos ni Jesus ang neutralidad, at itinuro niya ang Kaharian ng Diyos na ang sabi: “Ang kaharian ko ay hindi bahagi ng sanlibutang ito. Kung ang kaharian ko ay bahagi ng sanlibutang ito, ang aking mga alipin nga ay nakipagbaka sana upang huwag akong maibigay [sa isang walang katarungang hatol ng kamatayan].” (Juan 18:36) Sinabi rin ni Jesus kay apostol Pedro, nang si Pedro ay kumuha ng tabak bilang pagtatanggol sa kaniya: “Isauli mo ang iyong tabak sa lalagyan, sapagkat lahat ng naghahawak ng tabak ay sa tabak mamamatay.”​—Mateo 26:52.

Ipinakikita ang kaniyang pananampalataya sa Kaharian ng Diyos bilang ang lunas sa mga suliranin ng tao, ipinahayag ni Jesus ang pamahalaang iyon bilang ang tanging pag-asa ng tao. Samantalang nasa lupa, sinabi niya: “Gayundin sa mga iba pang lunsod kailangang ipangaral ko ang mabuting balita ng kaharian ng Diyos, sapagkat sa ganito ako sinugo.”​—Lucas 4:43.

Sang-ayon sa The Encyclopedia Americana, “ang paraan ni Jesus ay magtungo sa mga tao, lalo na sa karaniwang mga tao at kahit na sa mga uring hinahamak, ang ‘mga maniningil ng buwis at mga makasalanan’ . . . Ang kaniyang pangunahing tema ay ang Kaharian ng Diyos . . . Ang mensahe ng Kaharian ay nagsasangkot ng pagsisisi at may pasasalamat na pananampalataya sa Diyos; ito’y humihiling ng pagkuha ng isang bagong buhay ng pagsunod kasama ng iba na umaasa sa Diyos na itatag ang Kaniyang Kaharian, na nagsimulang dumating sa gawa ni Jesus. Ang pangwakas na pagkakatatag ng kaharian . . . sa pamamagitan ng makapangyarihang pagkilos ng Diyos sa katapusan ng panahon . . . ay buong pananabik na inaasahan.”​—Tomo 3, pahina 704 (1977).

4. Ang mga tao ay magsasagawa ng isang anyo ng maka-Diyos na debosyon subalit tatanggihan ang kapangyarihan nito

Ang Bibliya ay humuhula: “Alamin mo ito, na sa mga huling araw ay darating ang mapanganib na mga panahon na mahirap pakitunguhan. Sapagkat ang mga tao ay magiging . . . maibigin sa kalayawan kaysa maibigin sa Diyos, may anyo ng banal na debosyon ngunit itinatakwil ang kapangyarihan niyon . . . Ang mga taong balakyot at mga magdaraya ay lalong sásamâ, na magdaraya at sila rin ang mangadadaya.” “Sila’y magbubunton para sa kanilang sarili ng mga tagapagturo upang kumiliti sa kanilang tainga.”​—2 Timoteo 3:1-13; 4:3, 4.

Nagbababala rin ang Bibliya: “At magsisibangon ang maraming bulaang propeta [maliwanag ang uri ding iyon ng popular na mga lider na binabanggit sa itaas] at kanilang ililigaw ang marami; at dahil sa pagsagana ng katampalasanan, ang pag-ibig ng marami ay lalamig.”​—Mateo 24:11-13.

5. Lubusang wawasakin ng mga pinuno ng bansa ang mga relihiyon ng daigdig

Binabanggit ng Bibliya ang kalalabasang ito. Sa nilakad-lakad na mga dantaon, ang huwad na relihiyon ay lubhang napasangkot sa pulitika ng mga bansa, bagaman sinabi ni Jesus kung tungkol sa kaniyang tunay na mga alagad: “Hindi sila bahagi ng sanlibutan, gaya ko na hindi bahagi ng sanlibutan.” (Juan 17:16) Dahilan sa pakikisalimuha sa sanlibutan, ang huwad na relihiyon ay inilalarawan sa Bibliya na isang masamang babae, o patutot, na naging di-tapat sa Diyos. Isang hula ng Bibliya ay nagsasabi: “Halika, ipakikita ko sa iyo ang hatol sa dakilang patutot na nakaupo sa maraming tubig, na siyang pinakiapiran ng mga hari sa lupa.”​—Apocalipsis 17:1, 2, 18.

Ang “dakilang patutot” na ito sa gayon ay katulad ng isang babaing nahuling nagbibili ng sekso kapalit ng malakas na impluwensiya sa pamahalaan. Ang parusa sa kaniya ay angkop sa krimen. Pangyayarihin ng Diyos ang isang bigla, nakatatakot na pagbabago ng puso sa gitna ng kaniyang dating mga mangingibig. Sinasabi ng Bibliya na ang mga hari, o pulitikal na mga pinuno ng daigdig, ay “mapopoot sa patutot at kanilang wawasakin at huhubaran siya, at kanilang kakainin ang kaniyang laman at lubusang susunugin siya ng apoy. Sapagkat inilagay ng Diyos sa kanilang mga puso na isagawa ang kaniyang kaisipan.”​—Apocalipsis 17:12, 16, 17.

Ang Kaharian ng Diyos

Mga sagot sa pagsubok sa pahina 18.

1. Mali

Nang sabihin ni Jesus “ang kaharian ng Diyos ay nasa loob ninyo,” siya ay nakikipag-usap sa napopoot na mga Fariseo, mga kaaway niya, hindi mga kaibigan niya. (Lucas 17:21, King James Version) Ano, kung gayon, ang ibig sabihin ni Jesus nang nakikipag-usap sa mga Fariseong ito? Ang modernong mga salin ng Bibliya, gaya ng Revised Standard Version, ay ganito ang salin sa mga salita ni Jesus: “Ang kaharian ng Diyos ay nasa gitna ninyo.” Ang Kaharian ay nasa gitna nila, yamang si Jesus, ang isa na itinalaga na maging Hari ng Kahariang iyon sa hinaharap, ay nasa gitna ng mga Fariseo.

Kaya ang Encyclopædia Britannica ay nagsasabi: “Sa pamamagitan ng ‘kaharian’ waring pangunahin nang ibig Niyang tukuyin hindi ang kaharian ng Diyos, kundi ang paghahari ng Diyos . . . Sa diwang ito mahalaga na ilarawan ang pangmalas ni Jesus sa kaharian bilang panghinaharap . . . Sa gayon masasabi Niya sa Kaniyang mga kaaway na ang kaharian ay ‘nasa gitna ninyo’ (Lucas XVII, 21, hindi ‘nasa loob ninyo’); sapagkat Siya mismo ang tanda ng kaharian na nasa gitna nila.”

2. Tama

Na ang Kaharian ng Diyos ay isang tunay na pamahalaan ay nililinaw sa Isaias 9:6, na nagsasabi tungkol sa dumarating na Mesiyas: “Ang pamahalaan ay maaatang sa kaniyang balikat.” (American Standard Version) “Ang maharlikang pamamahala ay maaatang sa kaniyang balikat.”​—New World Translation.

3. Mali

Ang Kaharian ng Diyos ay hindi kinakatawan sa lupa ng Nagkakaisang Bansa, sapagkat maliwanag na itinuro ni Jesus: “Ang kaharian ko ay hindi bahagi ng sanlibutang ito.”​—Juan 18:36.

Ang Kaharian ng Diyos ay hindi pulitikal; ito ay pasasapitin ng Diyos nang walang tulong ng tao. Gaya ng pagkakasabi rito ng Encyclopædia Britannica: “Samakatuwid malayo sa turo ni Jesus nang ang mga Kristiyano ay magsalita tungkol sa kanilang ‘pagtatayo ng kaharian.’ Maliwanag, inakay Niya ang Kaniyang mga tagapakinig sa isa na darating nang sabihin Niya sa kanila ang tungkol sa kaharian.”

4. Tama

Ang hula ng Bibliya na nakatala sa Daniel 2:44 ay maliwanag na nagpapakita na wawasakin ng Kaharian ng Diyos ang mga kaharian, o mga pamahalaan, ng sanlibutan. Sabi nito: “At sa mga kaarawan ng mga haring yaon [makabagong-panahong mga pamahalaan] ang Diyos ng langit ay magtatayo ng isang kaharian na hindi magigiba kailanman. . . . Dudurugin at wawasakin niyon ang lahat ng kahariang ito, at iyon sa ganang sarili ay lalagi magpakailanman.”

Kung tungkol sa mga pagpapala na nakalaan sa sangkatauhan pagkatapos puksain ng Diyos ang naglalabang mga bansang ito, tingnan ang aklat na, Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa. Ang publikasyong ito ay nagbibigay ng maka-Kasulatan at makakasaysayang patotoo na noong 1914, sinimulan ng Kaharian ng Diyos ang malaon nang hinihintay na pamamahala nito sa langit​—taglay ang resulta na ang pansansinukob ng kapayapaan ay darating bago lumipas ang salinlahi ng panahong iyon. (Mateo 24:34) Sa pananalita ng makahulang awit ng Bibliya: “Ang mga manggagawa ng kasamaan ay lilipulin, ngunit yaong nagsisipaghintay kay Jehova ay magmamana ng lupa. Ngunit ang maaamo ay magmamana ng lupain, at sila’y lubusang masasayahan sa kasaganaan ng kapayapaan.”​—Awit 37:9, 11.

[Talababa]

a Kabilang ang 926 na milyong Romano Katoliko, 332 milyong Protestante, at 160 milyong Silanganing Orthodoxo.

[Graph ng miyembro ng relihiyon sa daigdig sa pahina 15 at 18]

(Para sa aktuwal na format, tingnan ang publikasyon)

[Larawan sa pahina 23]

Maaari bang sang-ayunan ng Diyos ang isang relihiyon kung binabasbasan ng klerigo nito ang mga tao ng digmaan?

[Credit Line]

U.S. Army photo

[Larawan sa pahina 25]

Sa ilalim ng Kaharian ng Diyos, ang lupa ay magiging isang paraiso

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share