Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g89 11/8 p. 17-18
  • Para ba sa Iyo ang Sariling-Yari?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Para ba sa Iyo ang Sariling-Yari?
  • Gumising!—1989
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Tantiyahin ang Halaga
  • Ang Halaga ng mga Kagamitan
  • Tagumpay Nang Walang Karanasan?
  • Mahalaga ang Kaligtasan
  • Ang Ating Toolbox sa Pagtuturo
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2015
  • Magturo ng Katotohanan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2018
  • Gamitin ang mga Pantulong sa Pagsasaliksik
    Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2021
  • Mangaral sa “Lahat ng Uri ng Tao”
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2012
Iba Pa
Gumising!—1989
g89 11/8 p. 17-18

Para ba sa Iyo ang Sariling-Yari?

IKAW ba ay mahilig sa sariling-yari? Parami nang paraming tao ang gayon. Naging napakapopular ng hilig sa sariling-yari anupa’t ang pagsisikap kamakailan sa Britaniya na ipatupad ang pagbabawal sa pangangalakal kung Linggo ay tinutulan ng mga may-ari ng umuunlad na mga supermarket na punô ng mga panustos para sa mga mahilig sa sariling-yari sa bahay.

Para ba sa iyo ang sariling-yari? Ano ang tutulong sa iyo na marating ang isang matalinong pasiya?

Tantiyahin ang Halaga

Bago simulan ang isang gawain, anong inam nga na tantiyahin ang halaga nito. Masusumpungan mo na ang paghahambing sa mga singil ng isang bihasang propesyonal sa halaga ng mga materyales na kakailanganin mo upang gawin mo ito ay mahalaga. Subalit huwag mong kaligtaan ang natatagong mga ekstra. Ano ang mga ito?

Iginagarantiya ng maraming propesyonal na ang kanilang trabaho ay makatutugon sa isang tiyak na pamantayan sa isang itinakdang panahon. Kung mabibigo sila, karaniwan nang makakakuha ka ng ilang uri ng kabayaran. Sa katagalan, ang pagdaragdag ng kaunting kabayaran at pakikinabang sa mga serbisyo ng isang propesyonal ay maaaring sa iyong kapakinabangan.

Ang isa pang salik na dapat harapin ay ang halaga sa iyong panahon. Ang proyekto bang sariling-yari ay iiwan kang patang-pata ang katawan anupa’t babalik ka sa iyong regular na trabaho na pagod? Ang iyo bang trabaho na sariling-yari ay nag-aalis sa iyo ng panahong kailangan mo upang panatilihin at palakasin ang buklod ng pamilya? Kung ikaw ay may-asawa, ano ang palagay ng iyong kabiyak sa iyong mga proyekto at sa panahon na ginugugol mo sa kanila? At ang iyong mga anak, nagkakaroon ba sila ng kaligayahan sa kung ano ang ginagawa mo? Ang “pagpapakasal” sa trabahong sariling-yari ay maaaring maghasik ng binhi ng di-pagkakasundo ng pamilya at ng mga kaibigan.

Gayumpaman, posible ba na panatilihin ang mabuting kaugnayan sa pamilya at magtrabaho pa rin sa sariling-yari na mga proyekto? Paano? Sa pamamagitan ng paghingi ng tulong ng iyong pamilya. Maaaring makisama sa iyo ang iyong asawa, alin sa pagpaplano o sa aktuwal na paggawa, marahil inaasikaso pa nga ang ilan sa iyong mga tungkulin samantalang itinutuon mo ang iyong pansin sa gawaing dapat gawin. Tiyak, ang iyong pamilya at mga kaibigan ay karapat-dapat sa konsiderasyon.

Maaaring gawin mong maayos ang mga bagay-bagay, planuhin ang proyekto at hingin ang pakikipagtulungan ng iyong pamilya, subalit mayroon ka bang tamang mga kagamitan?

Ang Halaga ng mga Kagamitan

Ikaw ba’y napasigla ng magagarang brosyur na nagpapakita ng matagumpay na mga proyekto? Subalit alam mo ba kung anong mga kagamitan ang ginamit, at magkano naman ito? Kaya ba ng badyet ng iyong pamilya ang pagbili ng gayong mga kagamitan? Kung minsan, masusumpungan mo na ang pag-upa ng ilang malalaking kagamitang de kuryente ang maaaring pagpilian kung ang presyo nito ay napakalaki subalit ito’y kailangang-kailangan. Magagawa mo ang maraming proyektong sariling-yari sa pamamagitan ng napakahalagang mga kagamitan. Gayunman, upang ang mga ito ay magtagal, ingatan itong mainam.

Saan mo ba itatago ang iyong mga kagamitan? Kapag nagpasiya sa isang dakong taguan, tiyakin na ang mga kagamitang ito ay naiingatan at wasto ang gamit upang manatili sa isang mabuting kalagayan. Ang paglalagay ng mga kagamitan na sama-sama sa isang aparador ay maaaring makasira sa mga ito. Magsaayos ng isang inilaang dako para sa bawat kagamitan. Masusumpungan mo na ang pagbakat sa balangkas ng kagamitan sa isang patag na tabla ay nakatutulong. Ikabit ang tablang ito sa dingding ng iyong gawaang dako o sa aparador ng mga kagamitan. Saka mo ipitan at isabit ang mga kagamitan doon. Sa gayo’y madali mong makikita kung ang kagamitan ay nasa lugar o wala.

Ang ilang mga kagamitan na binabatak, gaya ng fretsaws (isang uri ng lagare), ay kinakailangan munang alisin bago itago. Karamihan ng mga kagamitan, ay mangangailangan ng paglilinis at paglalangis upang panatilihin ang kanilang gamit. Gawing bahagi ng anumang proyekto mong sariling-yari ang pagmamantensiyon ng kagamitan.

Natantiya mo na ang halaga at napili mong gawin ito sa ganang sarili mo. Mayroon ka ng lahat ng kagamitan at nasa mabuting kondisyon. ‘Subalit may kulang pa,’ sabi mo. ‘Wala akong karanasan.’ Ibig bang sabihin niyan na hindi para sa iyo ang sariling-yari?

Tagumpay Nang Walang Karanasan?

Ang tagumpay sa isang trabaho sa unang pagkakataon ay hindi dumarating nang kusa. Ang isang nakatutulong na patnubay, gayunman, ay ang ikapit ang simulaing: Maingat na sundin ang mga tagubilin. Datapuwat kaninong tagubilin?

“Sa karamihan ng mga tagapayo ay may naisasagawang mga plano,” sabi ng isang sinaunang kawikaan. (Kawikaan 15:22) Samakatuwid, bago mo simulang gawin ito, sumangguni ka sa mga dalubhasa. Maaari kang maghinuha sa natipong karunungan ng mga dalubhasa sa pamamagitan ng pagbasa ng kanilang mga mungkahi sa maraming manwal na sariling-yari. O kung ang isa sa iyong mga kaibigan ay matagumpay na nakagawa na ng isang kahawig na trabaho, tanungin mo siya kung paano niya nagawa ito at kung anong mga tip ang maibibigay niya.

Mahalaga ang Kaligtasan

Tandaan ang pangangailangan para sa kaligtasan. Gamitin ang mga kagamitan sa tanging paraan na nilayong gamitin ang mga ito. Kung tutulungan ka ng iyong mga anak, turuan sila sa paggamit at wastong pangangalaga sa mga kagamitan, lalo na yaong matatalim at mapanganib.

Ang sarisaring proyekto na maaari mong gawin para sa iyong sarili ay marami. Subalit upang maiwasang maging di-timbang sa gayong mga trabaho, isaalang-alang ang payo ng iba. Pagkatapos ikapit ang mga mungkahi sa iyong sariling mga kalagayan. Anuman ang binabalak na proyekto, pag-aralan itong maingat bago magpasiya na gawin ito sa ganang sarili.

[Kahon/Larawan sa pahina 18]

KUNG PAANO IINGATAN ANG INYONG MGA KAGAMITAN

◻ Gamitin ito nang wasto

◻ Linisin ito nang husto

◻ Itago ito nang wasto

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share