Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g89 12/8 p. 17-19
  • Ano ang Dapat Kong Gawin kung Nag-aaway ang Aking mga Magulang?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ano ang Dapat Kong Gawin kung Nag-aaway ang Aking mga Magulang?
  • Gumising!—1989
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Kung Ano ang Hindi Dapat Gawin
  • Pagkaligtas mula sa Krises Pampamilya
  • Paano Kung Nag-aaway Sina Tatay at Nanay?
    Ang Mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas, Tomo 2
  • Ano ang Dapat Kong Gawin Kapag Nag-aaway ang mga Magulang Ko?
    Gumising!—2007
  • Bakit ba Laging Nag-aaway sina Inay at Itay?
    Gumising!—1989
  • Bakit Ayaw Akong Unawain ng Aking mga Magulang?
    Ang mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas
Iba Pa
Gumising!—1989
g89 12/8 p. 17-19

Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . .

Ano ang Dapat Kong Gawin kung Nag-aaway ang Aking mga Magulang?

KAPAG ang dalawang taong minamahal mo ng higit kaninuman sa mundo ay “nagkakagatan at nagsasakmalan sa isa’t-isa” kasabay ng masasakit na mga salita, ang buhay ay nagiging isang masaklap na karanasan araw-araw. (Galacia 5:15) Totoo, maging ang pinakamahuhusay na mga pag-aasawa ay dumaranas ng ilang “kapighatian.” (1 Corinto 7:28) Ngunit kung ang pag-aaway ng mga magulang ay walang-lubay, lubhang nakapipinsala o dili kaya’y marahas, mayroong malubhang pagkukulang.

Hindi nakapagtataka, kung gayon, na ang ilang mga kabataan sa kawalang pag-asa ay nagsisikap na makatulong sa kanilang mga magulang sa bagay na ito. “Ako’y namagitan na sa isang pag-aaway at nagsikap na palabasin sa silid ang aking ama upang sila’y tumigil sa pag-aaway,” sabi ng isang binatilyo. Ang iba ay lumalayo na lamang ng tahimik. “Sinisikap kong lumayo sa kanila kapag sila’y nagkakaroon ng ganitong mga pag-aaway, upang hindi masira ang loob ko tungkol dito,” wika ng isang dalagita. “Ngunit pagkatapos ang pakiwari ko’y nagkasala ako dahil sa hindi pagsisikap na tulungan sila.”

Ano kung gayon ang dapat mong gawin kung may bumangong pag-aaway sa pamilya?

Kung Ano ang Hindi Dapat Gawin

Huwag Silang Pakitunguhan ng Walang Paggalang: Napakadaling mauya sa mga magulang na nag-aaway. Lalo na, sila’y nararapat sanang magpakita ng ulirang halimbawa para sa iyo​—at hindi ang kabaligtaran. Gayumpaman, ang mapandustang pakikitungo sa isang magulang ay malamang na lalo lamang magdaragdag sa kaigtingan ng pamilya. Lalong mahalaga, iniuutos ni Jehovang Diyos na ang mga kabataan ay magsigalang at sumunod sa kanilang mga magulang, kahit na kung ginagawa nila na napakahirap gawin ito.​—Exodo 20:12; ihambing ang Kawikaan 30:17.

Huwag Kumampi: “Minsan kung nag-aaway ang aking mga magulang,” sabi ng isang dalagita, “ang isa sa kanila ay magtatanong sa akin kung ano ang aking palagay. Totoong ako’y nininerbiyos.” Siyempre pa, kung sa isang usapin ay tuwirang kasangkot ka, ang isang malumanay, magalang na tugon ay nararapat.​—Kawikaan 15:1.

O marahil ang isa sa iyong mga magulang ay Kristiyano at ang isa ay di-kapananampalataya. Ang mga suliraning panrelihiyon ay maaaring bumangon kung saan kailangan kang manindigan para sa katuwiran kasama ng may-takot-sa-Diyos na magulang. (Mateo 10:34-37) Gayumpaman, ito ay dapat gawin “taglay ang kahinahunan at taimtim na paggalang” upang ang di-sumasampalatayang magulang ay mahikayat sa hinaharap.​—1 Pedro 3:15.

Ngunit kung ang isang pagtatalo ay malinaw na kanilang pagtatalo, karaniwan na’y matalino ang manatiling walang kinakampihan.a Nagbababala ang Kawikaan 26:17: “Gaya ng humahawak sa mga tainga ng isang aso ang sino mang nagdaraan at nakikialam sa pag-aaway na hindi kaniya.” Kung ikaw ay may kakampihan, baka maghinanakit​—at marahil mapapalayo ang loob sa iyo​—ng isa sa iyong mga magulang.

Ang isang kabataang may pinapanigan sa pag-aaway ng mga magulang ay nagsisikap ring “makialam sa isang kalagayang tunay na masyadong masalimuot para maunawaan.” Ganiyan ang sinabi ng tagapayong pampamilya na si Mitchell Rosen sa magasing ’Teen. Ang mga pag-aaway ng mag-asawa, sabi niya, “ay maraming dahilan at hindi lamang ito isang bagay na kung tama ang isa at ang isa’y mali.” Kadalasan, ang nasa loob ng isang pagkakagalit ay mga hinanakit at sama ng loob na naipon na sa loob ng ilang taon. Kaya’t kung si Itay o si Inay ay nagririklamo dahil ang hapunan ay huli ng ilang minuto o dahil ang lababo sa banyo ay iniwang marumi, marahil ay mayroon pang nasasangkot kaysa nakikita ng mga mata.

Ang Bibliya’y nagpapayo: “Kung maaari ayon sa inyong makakaya, makipagpayapaan kayo sa lahat ng tao.” (Roma 12:18) Kaya sikaping manatiling walang kinakampihan. Kung gayon, ano kung gipitin ka ng iyong mga magulang na pumanig kaninuman sa kanila? “Siyang nagtitipid ng kaniyang mga salita,” sabi ng Bibliya, “ay may kaalaman.” (Kawikaan 17:27) Oo, umiwas sa paghahayag​—o mas lalong masama, pagbubulalas​—ng iyong saloobin. Marahil maaari mong ipagdahilan ang iyong sarili sa pagsasabi ng gaya ng, ‘Inay at Itay, mahal ko kayong pareho. Ngunit pakisuyong huwag akong piliting pumanig kaninuman. Ito ay isang bagay na dapat ninyong lutasin sa pagitan ninyong dalawa.’

Huwag Sumali sa Pagtataltalan: Ang dalawang malalakas na tinig ay masama na. Bakit daragdagan pa ng ikatlong tinig? Sinasabi ng Kawikaan 15:18: “Ang mainiting tao ay humihila ng pagtatalo, ngunit siyang makupad sa galit ay pumapayapa ng kagalitan.” Huwag kang sumali sa awayan. At kung nararamdaman mong ang isang pagsasagutan ay mauuwi sa pag-aaway, alalahanin ang mga salita ng Kawikaan 17:14: “Ang pasimula ng pagkakagalit ay gaya ng pagbuga ng tubig; kaya’t iwan ninyo ang pagtatalo bago mapauwi sa pagkakagalit.”

Marahil ay makahihingi ka ng paumanhin at pagkatapos ay tumungo sa iyong kuwarto at magbasa, mag-aral, o tumugtog ng ano mang instrumento sa musika. O marahil isang mabuting pagkakataon na dalawin ang isang kaibigan. Ang pagkasumpong ng isang gawaing kapaki-pakinabang ang magtutulak sa iyo upang lumayo sa lugar ng pag-aaway at kalimutan ang nangyari.

Huwag Sikaping Maging Isang Tagapayo sa Pag-aasawa: Gaya ng pagkakasabi ng isang kawikaan: “May mga pagtatalo na parang mga halang ng isang tirahang moog.” (Kawikaan 18:19) Ang mga nag-aaway na magulang ay kadalasang nagtayo na ng mistulang halang ng mga hinanakit na singtibay ng “mga halang ng isang tirahang moog.” Taglay mo ba ang kaalaman o karanasan sa buhay upang tulungan silang wasakin ang halang na iyon? Malamang na hindi.

Ang pangangahas na sumangkot sa mga suliranin ng iyong mga magulang ay baka magpalala lamang sa mga ito. Sinasabi ng Kawikaan 13:10: “Sa kapalaluan ay pagtatalo lamang ang dumarating, ngunit karunungan ang nasa mga nagsasanggunian.” Oo, malamang na mas malulutas ng iyong mga magulang ang kanilang mga suliranin sa pamamagitan ng personal na pagsasanggunian.​—Ihambing ang Kawikaan 25:9.

Isa pa, ang ginagampanang papel ng isang tagapamagitan sa pamilya ay malamang na mas nangangailangan ng tiyaga kaysa inaakala mo. Sa aniyang aklat na Teen Troubles, si Carolyn McClenahan Wesson ay bumabanggit ng tungkol sa isang batang babaeng nagngangalang Cora na sumubok maging isang tagapayo sa pag-aasawa. Ang bunga? Ang pagsasama ng kaniyang mga magulang ay bumuti, ngunit si Cora ay nagkaroon ng mga karamdaman sa tiyan. Ganito nagtapos si Carolyn Wesson: “Hayaang lutasin ng iyong mga magulang ang kanilang mga suliranin. Sapat na ang suliranin mo kahit na lamang sa pagiging isang kabataan.”

Huwag Paglabanin ang mga Magulang Laban sa Isa’t-isa: Ang ilang mga kabataan ay nagsisikap na gawing pabor sa kanila ang mga pag-aaway sa tahanan. Kapag sinabi ni Inay, “Hindi!” kanilang pinaglalaruan ang damdamin ni Itay at pinipiga siya upang kamtin ang kaniyang “Oo.” Ang tusong pagmamaniobra sa mga magulang ay maaaring magbigay sa isa ng ilang kalayaan, subalit sa katagalan ay pinatatagal lamang nito ang pag-aaway sa pamilya. Ang isang kabataang tunay na gumagalang sa kaniyang mga magulang ay hindi susubok na paglabanin ang kaniyang mga magulang.

Huwag Palalain ang Kalagayan: Ang katamaran o ang pagkamasungit, pangit na asal sa paaralan, pagpapabaya sa iyong mga marka​—ang mga ito ay nagdaragdag lamang sa mga suliranin mo. Tanggapin ang pananagutan para sa iyong mga pagkilos, at huwag hayaang ang pagkagambalang likha ng iyong mga magulang ay maging dahilan para sa di-mabuting paggawi. Maging matulungin at makipagkaisa.

Pagkaligtas mula sa Krises Pampamilya

Maliwanag, hindi mo mababago ang iyong mga magulang. Gayumpaman, maaari mo silang maimpluwensiyahan para sa ikabubuti. Sikaping maging optimistiko at masaya sa abot ng iyong makakaya. Tandaan, “lahat ay binabata [ng pag-ibig], lahat ay pinaniniwalaan, lahat ay inaasahan, lahat ay tinitiis.” (1 Corinto 13:7) Huwag na huwag tumigil ng pananalanging bumuti sana ang mga pangyayari. (Filipos 4:6, 7) Ipinapayo pa ng tagapayo sa pamilya na si Clayton Barbeau: “Hayaang malaman ng bawat isa [sa iyong mga magulang] na mahal mo ang bawat isa sa kanila.” Iyan lamang ay maaaring magpaluwag na sa kaigtingan ng pamilya.

Maaari mo ring himukin ang iyong mga magulang na humingi ng tulong. Ito’y hindi dapat gawin sa kainitan ng pagtatalo. Binabanggit ng Kawikaan 25:11 ang ‘tamang salita sa tamang panahon.’ Iyan marahil ay kung huminahon na ang mga bagay-bagay at ang iyong mga magulang ay nasa kalagayang mas madaling tumanggap ng payo. (Kung ang isang magulang ay masyadong maramdamin, sikaping lumapit doon sa tila mas madaling kausapin tungkol sa mga bagay-bagay.)

Magsimula sa pamamagitan ng pagtiyak sa kanila na sila’y iyong iniibig. Pagkatapos, mahinahong ipaliwanag sa kanila kung paano ang kanilang pag-aaway ay nakaaapekto sa iyo. Ito ay hindi madali. Sa kaniyang aklat na Trouble at Home, inaamin ni Sara Gilbert na ang gayong mga pagtatangka ay maaaring makasalubong ng, “Wala kang pakialam​—huwag kang sasali rito!” Gayumpaman, kaniyang ipinapayo, na “linawin mong dito ay kasangkot ka.” Sabihin sa kanila kung paano kinatatakutan mo ang kanilang pag-aaway, ito’y nagpapasama ng iyong loob, o nagpapagalit sa iyo. Bagama’t hindi mo ibig na makialam sa kanilang mga buhay, ang kanilang pag-aaway ay lubusang sumisira ng iyong buhay! Payuhan ang iyong mga magulang na sila ay humingi ng tulong​—marahil sa pamamagitan ng paglapit sa isang mapagkakatiwalaang Kristiyanong hinirang na matanda.b

Kapag tahasang napapaharap sa mga bunga ng kanilang pag-aaway na mag-asawa, ang mga magulang mo ay maaaring mapakilos na magbigay ng seryosong pansin sa paglutas sa kanilang mga suliranin​—at marahil ay tumigil na rin sa pag-aaway.

[Mga talababa]

a Hindi namin tinutukoy ang mga kalagayan kung saan ang isang nagmamalabis na ama ay nagbabanta ng karahasan sa mga membro ng pamilya. Sa gayong mga kaso, ang mga membro ng pamilya ay maaaring mapilitang humingi ng tulong mula sa labas upang maiwasan ang kapinsalaan sa kanilang mga sarili.

b Kung ipinakikita ng iyong mga magulang na sila’y hindi makatuwiran o ayaw makinig, matalinong lumapit ka sa isang maygulang na Kristiyano. Siya ay hindi maaaring makialam sa pag-aasawa ng iyong mga magulang subalit makapagbibigay ng suportang emosyonal at mabuting payo.

[Larawan sa pahina 18]

Ang mga kabataan ba ay epektibong makapamamagitan sa mga away ng mga magulang?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share