Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g95 6/8 p. 30
  • Mula sa Aming mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mula sa Aming mga Mambabasa
  • Gumising!—1995
  • Kaparehong Materyal
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1995
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1995
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1995
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1995
Iba Pa
Gumising!—1995
g95 6/8 p. 30

Mula sa Aming mga Mambabasa

Operasyon sa Mata Ako’y nasiyahan sa pagbabasa ng inyong artikulong “‘Radial Keratotomy’​—Ano ba Ito?” (Setyembre 22, 1994) Bilang isang refractive surgeon, dahil sa ginawa mismo ang paraang ito sa aking mata at nakapagsagawa na ako ng mahigit na 2,000 operasyon, talagang humanga ako sa uri at pagkawasto ng inyong artikulo. Nakalulungkot naman, ang impormasyon na ibinigay sa madla sa pamamagitan ng media na walang kaugnayan sa medisina ay kalimitang di-tumpak at nakalilito. Sa palagay ko’y napakahusay ng ginawa ng inyong artikulo sa pagpapaliwanag sa bentaha at disbentaha ng radial keratotomy.

R. F. B., Estados Unidos

Kamatayan Nais kong sabihin sa inyo kung gaano ko pinahalagahan ang mga artikulo ng “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . . ” na “Bakit Kailangang Mamatay si Tatay?” (Agosto 22, 1994) at “Paano Ko Madaraig ang Dalamhati sa Pagkamatay ni Tatay?” (Setyembre 8, 1994) Bagaman ako’y may mga magulang pa, labis akong nalungkot kamakailan dahil sa pagkamatay ng dalawang mahal ko sa buhay. Nagdulot ng matinding kaaliwan ang mga artikulong ito sa akin at ipinakita nito kung paano mababata ang gayong kasawian.

T. H., Pransiya

Ang aking ama ay namatay sa Kingdom Hall pagkatapos niyang magpahayag. Sapol noon ako’y nakikipagpunyagi sa kahapisan at galit. Nangatuwiran ako na hindi makatarungan na ang sinuman na labis na minamahal at totoong nag-alay kay Jehova ay dapat na mamatay nang bigla. Sa pagbabasa ng mga artikulong iyon, nadama ko na ginagawa ni Jehova na paghilumin ang namimighati kong puso.

S. A., Nigeria

Ang aking ama ay namatay dahil sa kanser, at hirap na hirap ako na batahin ito. Kamangha-mangha na makita kung paanong tugmang-tugma ang artikulong ito sa mismong nadarama ko. Ang talagang nakasasakit sa akin ay hindi na nakita ng aking ama ang nangyayari sa aking buhay sa ngayon. Kasisimula ko pa lamang ng matagal ko nang pangarap: ang karera bilang isang buong-panahong ebanghelisador. Gustung-gusto kong makita niya na ginagawa ko ito. Ang di-marinig ang kaniyang napakahusay na patnubay at karunungan ay mahirap kung minsan, pero ang malaman na may ibang nagmamalasakit ay isang malaking kaaliwan.

C. T., Estados Unidos

Pagmamasid sa Daigdig Ibig ko kayong batiin sa maingat na paraan ninyo ng paghahanda ng Gumising! Labis kong pinahahalagahan ang tampok na “Pagmamasid sa Daigdig.” Bagaman maikling tinatalakay nito ang iba’t ibang paksa, ang nakatutulong na payo nito, kawili-wiling mga paksa, at mga obserbasyon nito ang tumulong sa akin na baguhin ang marami sa aking mga kinaugalian. Ginagawang kasiya-siya ng “Pagmamasid sa Daigdig” ang aking pagbabasa.

T. C. C., Brazil

“Heimlich Maneuver” Ako’y kuwalipikadong tagapagturo sa pangunang lunas sa loob ng 11 taon at ibig kong magkomento sa tudling ng “Pagmamasid sa Daigdig” tungkol sa “Nabubulunan ng Pagkain.” (Agosto 22, 1994) Binanggit ninyo ang tinatawag na Heimlich maneuver. Gayunman, gaya ng alam ng lahat na ang pagdiin sa sikmura ay maaaring makapagpahinto sa paghinga. Kaya ang Heimlich maneuver ay maaaring makapagpalala kapag ibinigay na pangunang lunas.

G. B., Austria

Minamalas ng ilang medikal na awtoridad sa Europa ang Heimlich maneuver na mapanganib at iminumungkahi lamang na gamitin bilang pinakahuling paraan. Gayunman, karaniwang ipinalalagay ng mga doktor sa Estados Unidos na kapag wastong naisagawa ito, ang Heimlich maneuver ang pinakamabisa sa lahat ng ibang paraan ng pagtulong sa mga biktimang nabubulunan. Ang panganib na makaranas ng panloob na pinsala ay ipinalalagay na maliit kung ihahambing sa panganib na mabulunan hanggang sa mamatay. Halimbawa, sinabi ng isang pagsusuri sa E.U. na apat lamang na pagkasabog sa tiyan na may kaugnayan sa maneuver ang napaulat. Kung baga ang mga doktor sa Europa at E.U. ay magkakasundo sa bagay na ito sa anumang panahon sa malapit na hinaharap ay di pa tiyak.​—ED.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share