Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g98 5/22 p. 10
  • Ang Darating na Klima

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Darating na Klima
  • Gumising!—1998
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Maibiging Pangako ng Maylalang
  • Climate Change at ang Kinabukasan Natin—Ano ang Sinasabi ng Bibliya?
    Iba Pang Paksa
  • “Nilalagnat” ang Lupa—Malulunasan Pa Kaya Ito?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2008
  • Pagkasira ng Lupa—Ano ang Sinasabi ng Bibliya?
    Iba Pang Paksa
  • Wala Nang Sakunang Dulot ng Lagay ng Panahon!
    Gumising!—2003
Iba Pa
Gumising!—1998
g98 5/22 p. 10

Ang Darating na Klima

ANG polusyon ng ating atmospera ay isa lamang sa mga suliranin sa kapaligiran na nilikha ng mga tao. Ang iba pa ay ang malawakang pagkalbo sa kagubatan, ang pagkalipol sa mga uri ng hayop, at ang polusyon ng mga ilog, lawa, at mga karagatan. Bawat isa sa mga suliraning ito ay maingat na sinuri, at gumawa ng mga mungkahi upang maituwid ang mga ito. Yamang ang mga suliranin ay pambuong-globo, ang mga ito ay nangangailangan ng pambuong-globong mga solusyon. May malaganap na kasunduan tungkol sa mga suliranin at kung ano ang maaaring gawin upang ituwid ang mga ito. Taun-taon, nakababalita tayo ng mga panawagan upang kumilos. Taun-taon, walang gaanong ginagawa. Malimit na ikinalulungkot ng mga gumagawa ng mga patakaran ang suliranin at nagkakasundo na may isang bagay na dapat gawin ngunit sinasabi pa, sa wari, “hindi sa pamamagitan natin, hindi ngayon mismo.”

Noong 1970, sa kauna-unahang Earth Day, ang mga demonstrador sa New York City ay nagdala ng isang malaking karatula. Inilarawan sa karatula ang planetang Lupa na sumisigaw ng “Saklolo!!” Mayroon kayang sinuman na tutugon sa panawagang iyon? Naglalaan ng sagot ang Salita ng Diyos: “Huwag ilagak ang inyong tiwala sa mga maharlika, ni sa anak man ng makalupang tao, na walang kaligtasan. Ang kaniyang espiritu ay nawawala, bumabalik siya sa kaniyang pagkalupa; sa araw na iyon ay napaparam ang kaniyang mga kaisipan.” (Awit 146:3, 4) Pagkatapos ay tinukoy ng salmista ang Maylalang, sapagkat Siya lamang ang may kapangyarihan, karunungan, at kalooban na lutasin ang lahat ng masalimuot na suliraning nakaharap sa sangkatauhan. Mababasa natin: “Maligaya siya . . . na ang pag-asa ay nasa kay Jehova na kaniyang Diyos, ang Maylikha ng langit at lupa, ng dagat, at ng lahat ng naroroon.”​—Awit 146:5, 6.

Ang Maibiging Pangako ng Maylalang

Ang lupa ay isang kaloob mula sa Diyos. Kaniyang dinisenyo at nilalang ito, pati na ang lahat ng masalimuot at kahanga-hangang mekanismo na nagpapangyaring maging kaiga-igaya ang klima sa lupa. (Awit 115:15, 16) Sinasabi ng Bibliya: “[Ang Diyos] ang Maylikha sa lupa sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan, Siya ang Maytatag sa mabungang lupain sa pamamagitan ng kaniyang karunungan, at Siya ang naglatag ng kalangitan sa pamamagitan ng kaniyang kaunawaan. Sa kaniyang tinig ay may hugong ng tubig sa langit, at pinapangyayari niyang pumailanlang ang mga singaw mula sa mga dulo ng lupa. Gumawa pa man din siya ng mga paagusan para sa ulan, at nagdadala siya ng hangin mula sa kaniyang mga kamalig.”​—Jeremias 10:12, 13.

Ang pag-ibig ng Maylalang sa sangkatauhan ay inilarawan ni apostol Pablo sa mga tao ng sinaunang Listra. Sinabi niya: “Hindi iniwang walang patotoo [ng Diyos] ang kaniyang sarili sa bagay na gumawa siya ng mabuti, na nagbibigay sa inyo ng mga ulan mula sa langit at mabubungang kapanahunan, na lubusang pinupunô ang inyong mga puso ng pagkain at pagkagalak.”​—Gawa 14:17.

Ang kinabukasan ng planeta ay hindi nakasalalay sa pagsisikap at mga kasunduan ng mga tao. Hinggil sa klima, ang Isa na may kapangyarihang kontrolin ito ay nangako sa kaniyang bayan noong unang panahon: “Maglalagpak nga ako ng ulan sa kapanahunan, at ang lupain ay pakikinabangan, at ang mga kahoy sa parang ay magbubunga.” (Levitico 26:4) Malapit nang tamasahin ng mga tao ang gayong mga kalagayan sa buong lupa. Hindi na kailanman muling katatakutan ng masunuring mga tao ang mapangwasak na mga bagyo, dambuhalang mga alon, baha, tagtuyot, o iba pang likas na kapahamakan.

Magiging kalugud-lugod ang mga alon, hangin, at ang lagay ng panahon. Pag-uusapan pa rin ng mga tao ang panahon, pero wala silang gagawing anuman tungkol dito. Sa kinabukasang pasasapitin ng Diyos, magiging totoong kasiya-siya ang buhay anupat hindi na kailangang gumawa ng anuman upang ituwid ang lagay ng panahon.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share