Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w90 6/15 p. 30
  • Ang Kahulugan ng mga Balita

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Kahulugan ng mga Balita
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1990
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Bakit Pa Mangangaral?
  • Sino ang “Mas Mabuting” Kristiyano?
  • Ang mga Lutheranong Aleman Ba ay Nanganganib Malipol?
    Gumising!—1987
  • Ang Kinabukasan ng Protestantismo—At ang sa Iyo!
    Gumising!—1987
  • Sino ang Kukumberti sa Britaniya?
    Gumising!—1995
  • Ang Iglesya—Mga Pagbabago at Kalituhan
    Gumising!—1993
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1990
w90 6/15 p. 30

Ang Kahulugan ng mga Balita

Bakit Pa Mangangaral?

Ang hindi pangangaral ng mga taong nagsisimba ay binanggit ng mga ilang autoridad bilang may kinalaman sa pag-urong ng bilang ng mga miyembro ng mga pangunahing relihiyon. Ang pagkabahala sa suliraning ito noong 1988 ang nag-udyok sa Iglesiya Unida ni Kristo na pagtibayin bilang isang apat-na-taóng proyektong dapat unahin ang isyu ng “ebanghelismo at pagpaparami ng mga miyembro.”

Ang St. Petersburg Times ay nag-uulat na ang ibang mga pangunahing denominasyon sa Estados Unidos, kasali na ang Presbyterian Church at ang Episcopal Church, ay kumilos sa nakakatulad na paraan. Gayunman, ang surbey kamakailan sa mahigit na 200 kongregasyon ng United Church of Christ ay nagpakita na marami sa 1.6 milyong miyembro nito ang nakitaan ng bahagyang interes sa pagsasalita sa iba tungkol sa kanilang relihiyon. Isang miyembro ang nagtanong: “Bakit pa kailangang magsalita kami sa iba kung mabuti naman ang ginagawa namin?” Isa pa ang nagsabi: “Kung ikaw ay namumuhay ayon sa iyong relihiyon, hindi na kailangang magsalita ka pa tungkol doon.”

Gayunman, sa kaniyang aklat na American Mainline Religion, ang kasamang autor na si Wade Clark Roof ay sumang-ayon na “ang paraan ng pagsasalita ng mga tao tungkol sa kanilang relihiyon at espirituwalidad ay may malaking kaugnayan sa pananatili ng mismong pananampalataya.”

Kung “ang paggawa ng mabuti” at ang pagkakaroon ng “pananampalataya” ay sapat na upang makalugod sa Diyos, bakit isinulat ni apostol Pablo: “Sa aba ko kung hindi ko ipinangaral ang mabuting balita”? Kaniyang ipinaliwanag sa mga kapananampalataya sa Roma ang ganito: “Kung ipinahahayag mo sa madla ang gayong ‘salita sa iyong sariling bibig,’ na si Jesus ay Panginoon, at sumasampalataya ka sa iyong puso na binuhay siyang muli ng Diyos buhat sa mga patay, ikaw ay maliligtas. Sapagkat sa puso nananampalataya ang tao sa ikatutuwid, subalit sa pamamagitan ng bibig ginagawa ang pagpapahayag sa madla ukol sa ikaliligtas.”​—1 Corinto 9:16; Roma 10:9, 10.

Sino ang “Mas Mabuting” Kristiyano?

“Anuman ang desisyon ng isang Kristiyano, kung magiging isang kawal o magiging isang tumututol dahil sa budhi, mali para sa kaniya na mag-angkin ng isang lalong mataas na antas ng pagka-Kristiyano para sa kaniyang sarili kaysa para sa iba, o kahit na pag-alinlanganan, dahil sa pagsuporta sa isang paninindigan na naiiba sa kaniyang paninindigan, ang pagiging Kristiyano nitong isa.”

Ang pangungusap na ito ay pinalabas ng Evangelical Lutheran Church Council of Germany noong Hulyo 1989. Bakit? Sinabi ng mga opisyales na ang layunin ay sumalunga sa paninindigan na kinuha ng iba sa iglesiya na ang pagtutol dahil sa budhi ay isang lalong “positibong tanda” ng pagiging Kristiyano kaysa sa pagseserbisyo sa hukbo. Bagaman sumasang-ayon na magagawa ng mga Kristiyanong pawiin ang digmaan sa pamamagitan ng “personal na pag-iwas sa karahasan,” ikinatuwiran ng Church Council na ito’y magagawa rin sa pamamagitan ng pagbaka sa karahasan sa tulong ng hukbong militar upang mapatatag ang kapayapaan.

Sa kaniyang aklat na History of Christianity, binanggit ni Edward Gibbon na ang unang-siglong mga Kristiyano ay “tumangging magkaroon ng anumang aktibong bahagi sa pamahalaang-bayan o sa pagtatanggol ng hukbo sa imperyo,” at na “imposible na ang mga Kristiyano, samantalang hindi tumatalikod sa isang lalong sagradong tungkulin, ay makagaganap ng tungkulin ng mga kawal, ng mga mahistrado, o ng mga prinsipe.”

Ang tanong, kung gayon, ay hindi kung sino ang “mas mabuting” Kristiyano kundi kung ang isang taong sumusunod sa isang landasin laban sa sinaunang Kristiyanismo ay tunay ngang isang Kristiyano. Sumulat si Pablo: “Bagaman kami ay lumalakad sa laman, hindi naman kami nakikipagbaka ng ayon sa kung ano kami sa laman. Sapagkat ang mga sandata ng aming mga pakikipagbaka ay hindi ukol sa laman.”​—2 Corinto 10:3, 4.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share