Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w97 1/15 p. 3-4
  • Sino ang mga Tunay na Mensahero ng Kapayapaan?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Sino ang mga Tunay na Mensahero ng Kapayapaan?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1997
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Malapit Na ang Tunay na Kapayapaan!
  • Ang mga Mensahero ng Kapayapaan ng Diyos
  • Tunay na Kapayapaan—Saan Kaya Magmumula?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1997
  • “Ang Kapayapaan ng Diyos” ang Mag-ingat Nawa sa Inyong Puso
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
  • Naglilingkod Bilang mga Mensahero ng Maka-Diyos na Kapayapaan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1997
  • Sino ang Aakay sa Sangkatauhan sa Kapayapaan?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1990
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1997
w97 1/15 p. 3-4

Sino ang mga Tunay na Mensahero ng Kapayapaan?

NOONG Mayo 31, 1996, ipinahayag ng mga tagapagbalita ang isang tila mensahe ng kapayapaan. Nang sinundang araw, inilabas ang isang opisyal na pahayag na nagpapatibay na si Benjamin Netanyahu, na siya nang magiging kataas-taasang ministro ng Israel, ay “matatag na nagpasiyang ipagpapatuloy ang negosasyon hinggil sa kapayapaan, kapayapaang may katiwasayan, sa pagitan ng estado ng Israel at lahat ng mga karatig nito, kasali na ang Palestina.”

Ang popular na pagkakahalal kay Netanyahu ay naging dahilan upang magtanong ang marami kung ang kapayapaan nga ba sa Gitnang Silangan ay hindi lamang magkakatotoo sa panaginip. Kung sakaling gayon nga, susunod kaya ang iba pang bansa, anupat kalilimutan na ang kanilang di-pagkakaunawaan?

Mangyari pa, mas madaling ipangako ang kapayapaan kaysa sa tamuhin ito. Palibhasa’y alam ito, marami tuloy ang nagdududa. Gaya ng sinabi ng peryodistang si Hemi Shalev, “ang kalahati ng mamamayan sa Israel ay may kutob na malapit na nga ang katubusan, at ang kalahati naman ay naniniwalang ito’y nabitag na sa isang impiyerno sa lupa.” Bilang pagbubuod, sinabi niya: “Ang ilan ay nagsasaya; ang iba nama’y tumatangis.”

Ganiyan ang nangyayari kapag tinatangka ng tao na magkaroon ng kapayapaan. Ang tagumpay ng isang lider at ng kaniyang mga tagapagtaguyod ay nangangahulugan naman ng pagkatalo ng katunggaling kampo. Ang kawalan ng kasiyahan ay umaakay sa pagkabigo ng pangarap, at ang pagkabigo ng pangarap, ay madalas na humahantong sa rebelyon. Sa Gitnang Silangan man, Latin Amerika, Silangang Europa, o saanmang dako​—ang pagsisikap ng tao para sa kapayapaan ay guniguni lamang.

Malapit Na ang Tunay na Kapayapaan!

Noong panahong ang kapayapaan sa Gitnang Silangan ay isang napakainit na paksa ng mga balita, isa pang mensahe ukol sa kapayapaan ang napakinggan. Hindi ito isang popular na talumpati sa pulitika; ni ito’y isang kasunduan ng kapayapaan sa magkabilang bansa. Sa halip, ang mensaheng ito ay nagpahayag ng isang kapayapaang magaganap tanging sa pamamagitan ng Kaharian ng Diyos. Saan nga ba napakinggan ang mensaheng ito? Sa mahigit na 1,900 “Mga Mensahero ng Maka-Diyos na Kapayapaan” na Pandistritong Kombensiyon ng mga Saksi ni Jehova sa buong daigdig noong 1996/97.

Niliwanag sa mga kombensiyong ito na walang pamahalaan ng tao ang makapagdudulot ng tunay na kapayapaan at katiwasayan. Bakit? Sapagkat mangangailangan ito ng pagwawakas ng mga bagay na nag-aalis sa atin ng kapayapaan sa araw-araw. Ang tunay na kapayapaan ay nangangahulugan ng paggising tuwing umaga na walang banta ng digmaan o karahasan. Ito’y nangangahulugang wala nang krimen, wala nang mga kandado sa pintuan, wala nang pangamba sa paglalakad sa kalye, wala nang watak-watak na pamilya. Aling pamahalaan kaya sa lupa ang makagagawa ng lahat ng ito? Oo, aling pamahalaan kaya sa lupa ang magtatangka man lamang na ipangako ito?

Gayunman, magagawa ito at talagang gagawin ng Kaharian ng Diyos ang mga bagay na ito. Nangangako ang Bibliya: “Narito! Ang tolda ng Diyos ay nasa sangkatauhan, at tatahan siyang kasama nila, at sila ay magiging kaniyang mga bayan. At ang Diyos mismo ay sasakanila. At papahirin niya ang bawat luha sa kanilang mga mata, at hindi na magkakaroon ng kamatayan, ni ng pagdadalamhati o ng paghiyaw o ng kirot pa man. Ang mga dating bagay ay lumipas na.” (Apocalipsis 21:3, 4) Anong laking ginhawa ang idudulot nito sa nagdurusang sangkatauhan!

Ang pangako ng Diyos na Jehova ay hindi napapako. Tinitiyak sa atin ng Bibliya: “Ang Diyos ay hindi tao na magsisinungaling, ni anak ng sangkatauhan na manghihinayang. Siya ba’y nagsabi at hindi niya ito gagawin, at siya ba’y nagsalita at hindi niya ito isasagawa?” (Bilang 23:19) Oo, anumang ipangako ng Diyos ay matutupad​—sa ikapagpapala ng lahat ng pumapanig sa kaniya.

Ang mga Mensahero ng Kapayapaan ng Diyos

Kilalang-kilala ang mga Saksi ni Jehova sa kanilang masigasig na pangangaral tungkol sa Kaharian ng Diyos. Taun-taon, sila’y gumugugol lahat-lahat ng mahigit na isang bilyong oras sa pamamahagi sa iba ng nakapagpapasiglang mensahe mula sa Bibliya. Ito’y bilang katuparan ng mga salita ni Jesus: “Ang mabuting balitang ito ng kaharian ay ipangangaral sa buong tinatahanang lupa bilang patotoo sa lahat ng mga bansa; at kung magkagayon ay darating ang wakas.” (Mateo 24:14) Ang mensaheng taglay ng mga Saksi ay tunay na “mabuting balita,” sapagkat inihahayag nito ang makalangit na Kaharian ng Diyos bilang tanging pag-asa ng sangkatauhan. At pagkatatag-tatag na pag-asa ito sa hinaharap!

Ngayon pa lamang ay nagbubunga na ang Kaharian ng Diyos ng isang tunay na bigkis ng kapayapaan at pag-ibig na pangkapatid sa mga sakop nito. Sabi ni Jesus: “Sa ganito malalaman ng lahat na kayo ay aking mga alagad, kung kayo ay may pag-ibig sa isa’t isa.” (Juan 13:35) Nagsisikap ang mga Saksi ni Jehova na mamuhay ayon sa pangunahing kahilingang ito ng tunay na Kristiyanismo. Bunga nito, taglay nila ang isang kamangha-manghang kapatiran anupat pinagkakaisa ang mga Judio at mga Arabo, mga Croatiano at Serbiano, Hutu at Tutsi. Ang kapayapaang ito na hanggang sa pangarap lamang ng karamihan sa sangkatauhan ay taglay na ngayon ng milyun-milyong Saksi ni Jehova sa buong daigdig.

Ang pampatibay-loob upang patuloy na mamuhay ayon sa mga simulain ng Bibliya at patuloy na mangaral ng mabuting balita ng Kaharian ng Diyos ay itinampok sa programa sa “Mga Mensahero ng Maka-Diyos na Kapayapaan” na Pandistritong Kombensiyon. Inaanyayahan namin kayong basahin ang sumusunod na ulat tungkol sa nakapagpapasiglang tatlong-araw na kombensiyon na tinatamasa na ng milyun-milyon.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share