Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w97 11/1 p. 2-4
  • Pagkakaisa sa Daigdig—Mangyayari Pa Kaya Ito?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagkakaisa sa Daigdig—Mangyayari Pa Kaya Ito?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1997
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Natatanaw ba ang Pagkakaisa sa Daigdig?
  • Kaaliwan Para sa Mga Inaapi
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1996
  • Pagkakaisa sa Daigdig—Paano Mangyayari Ito?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1997
  • Ang Kahulugan ng mga Balita
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
  • Ang Wakas ng Lahat ng Digmaan—Matutupad Ba?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1997
w97 11/1 p. 2-4

Pagkakaisa sa Daigdig​—Mangyayari Pa Kaya Ito?

“KUNG sa susunod na ilang salinlahi ay magtatagumpay tayo na baguhin ang daigdig ng malayang mga estado na kinabubuhayan natin tungo sa isang uri ng tunay na internasyonal na komunidad, . . . kung gayo’y buong-bisa rin naman nating mapapawi ang sinaunang kaugalian ng pakikidigma . . . Subalit kung mabigo tayo, malamang na . . . maglalaho ang kabihasnan.” Ganito ang sabi ng istoryador sa militar na si Gwynne Dyer sa kaniyang aklat na pinamagatang War.

Ang mga pahina ng kasaysayan, sabi ni Dyer, ay puno ng mga salaysay ng mga bansa at iba pang makapangyarihang pangkat na bumaling sa digmaan upang lutasin ang kanilang mga di-pagkakaunawaan. Ang kanilang di-pagkakasundo ay sumira sa buhay ng milyun-milyong biktima. Angkop pa rin sa ngayon ang paglalarawan ni Haring Solomon kung paano ito nakaapekto sa mga tao noong panahon niya. Sumulat siya: “Ako mismo ay bumalik upang makita ko ang lahat ng paniniil na ginagawa sa ilalim ng araw, at, narito! ang mga luha ng mga sinisiil, ngunit wala silang mang-aaliw; at sa panig ng mga sumisiil sa kanila ay may kapangyarihan, anupat wala silang mang-aaliw.”​—Eclesiastes 4:1.

Sa ngayon, gaya ng sinabi ng nabanggit na istoryador, bukod sa pakikiramay sa “mga luha ng mga sinisiil,” may karagdagang dahilan sa paghanap ng paraan upang baguhin ang daigdig ng malayang mga estado tungo sa isang uri ng tunay na internasyonal na komunidad: Nakataya ang mismong kaligtasan ng kabihasnan! Ang modernong pakikipagdigma ay nagbabantang lilipol sa bawat bansa na babaling dito at hindi mag-iiwan ng panalo.

Natatanaw ba ang Pagkakaisa sa Daigdig?

Ano ba ang pag-asa para magkaisa ang daigdig? Mapagtatagumpayan kaya ng lipunan ng tao ang bumabahaging mga puwersa na nagbabanta sa pag-iral ng lupa? Ganiyan ang iniisip ng ilan. Ganito ang isinulat ni John Keegan, ang patnugot tungkol sa paksang depensa sa Daily Telegraph ng Britanya: “Sa kabila ng kalituhan at kawalang-katiyakan, waring posible nga na masulyapan ang paglitaw ng anyo ng isang daigdig na walang digmaan.”

Ano ang nagbigay sa kaniya ng ganitong positibong pangmalas? Bakit marami ang umaasa sa kabila ng mahabang kasaysayan ng tao sa pakikipagdigma at ng waring kawalang-kakayahan ng tao na pamahalaan ang sarili nang matagumpay? (Jeremias 10:23) ‘Pasulong ang sangkatauhan. Ang kasaysayan ay nagpapakita ng patuloy na pag-unlad,’ minsa’y ikinatuwiran ng ilan. Kahit ngayon, marami ang naniniwala na sa paano man ay magtatagumpay ang likas na kabutihan ng tao laban sa kasamaan. Ito ba’y isang makatotohanang pag-asa? O isa lamang itong pangarap na hahantong sa higit pang pagkasiphayo? Sa kaniyang aklat na Shorter History of the World, ganito ang makatotohanang isinulat ng istoryador na si J. M. Roberts: “Malayong masasabi na ang kinabukasan ng daigdig ay mukhang panatag na. Ni matatanaw man sa ngayon ang anumang wakas ng pagdurusa ng tao, o anumang batayan para maniwalang mangyayari ito.”

Mayroon bang tunay na mga dahilan upang maniwalang talagang mapagtatagumpayan ng mga bayan at mga bansa ang kanilang kawalang-tiwala sa isa’t isa at bumabahaging alitan? O kailangan ang isang bagay na nakahihigit sa pagsisikap ng tao? Tatalakayin sa susunod na artikulo ang mga tanong na ito.

[Picture Credit Line sa pahina 2]

Larawan ng globo sa pabalat: Mountain High Maps® Karapatang-sipi © 1995 Digital Wisdom, Inc.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share