Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 5/87 p. 1-3
  • “Maging Maningas sa Espiritu”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • “Maging Maningas sa Espiritu”
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1987
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • GUMAWA NG PAGSUBAYBAY SA GAWAIN SA MEMORYAL
  • PANATILIHIN ANG ESPIRITU NG PAGPAPAYUNIR
  • HUWAG KALILIGTAAN ANG MGA BAGONG MAMAMAHAYAG
  • “HUWAG MAGING TAMAD”
  • Magagawa Ba Natin ang Abril 2000 na Ating Pinakamabuting Buwan Kailanman?
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2000
  • Panahon ng Memoryal—Pagkakataon Para sa Pinag-ibayong Gawain!
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2011
  • Maging “Masigasig sa Maiinam na Gawa” sa Abril!
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1996
  • Abril—Panahon Upang ‘Magpagal at Magpunyagi’
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2001
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1987
km 5/87 p. 1-3

“Maging Maningas sa Espiritu”

1 Ang pagkakaroon ng isang mabuting bagay upang ibahagi sa iba ay nakatutulong sa atin na maging masigla sa ating paglilingkuran. Kaya, mayroon tayong mabuting dahilan upang maging positibo sa pag-aalok ng suskripsiyon sa Bantayan sa Mayo. Ang kalagayan ngayon sa daigdig ay nagiging sanhi upang makita ng marami na wala sa tao ang kalutasan sa kaniyang kagyat na pangangailangan. Subali’t ipinakikita ng Ang Bantayan na taglay ng Diyos ang kasagutan sa pamamagitan ng kaniyang Kaharian. Lalo na kayong masisiyahan na gamitin ang isyu ng Mayo 15 sa paksang “Ano ang Nagawa ng Diyos para sa lyo?” Ito ay makatutulong sa atin na “maging maningas sa espiritu” sa Mayo.—Roma 12:11.

2 Nguni’t ang pagkuha ng suskripsiyon ay una lamang hakbang. Kailangang magbalik tayo kaagad at tulungan ang mga interesado na magkaroon ng higit na kaunawaan tungkol sa naibahagi natin sa kanila. Kung hindi, may panganib na maagaw ng balakyot kung ano ang naitanim sa kanilang puso.—Mat. 13:19.

GUMAWA NG PAGSUBAYBAY SA GAWAIN SA MEMORYAL

3 Kailangan din nating bigyan nang higit na atensiyon ang mga dumalo sa Memoryal noong Abril 12. Ang dumalo sa maraming kongregasyon ay dalawa o tatlong ulit kaysa bilang ng mga mamamahayag. Kaya sa halip na pabayaang mawala ang kanilang interes, dapat nating tulungan yaong mga dumalo na gumawa ng karagdagang espirituwal na pagsulong. Ang mga pag-aaral ba sa Bibliya ay naidaraos sa lahat ng naanyayahan ninyo? Kung may nakipag-aral na noong una, maaari bang ang isang maka-Kasulatang usapan ay magbukas muli ng daan upang maipagpatuloy ang pag-aaral sa Bibliya? Ano ang magagawa ninyo upang tulungan ang mga taong ito habang may nalalabi pang panahon?

PANATILIHIN ANG ESPIRITU NG PAGPAPAYUNIR

4 Nais naming papurihan ang lahat ng mga nakibahagi sa gawaing auxiliary payunir noong Abril. Yamang ang Mayo ay bakasyon pa rin sa paaralan, marami sa inyo mga kabataan ay walang alinlangang makapagpapatuloy sa pagpapayunir sa buwang ito at hinihimok namin kayong gawin iyon. Maaaring ang iba na nakatikim ng mga kagalakan sa pagpapayunir sa unang pagkakataon ay makitang napakaraming interesado na kailangan nilang matulungan anupa’t karapatdapat nilang ipagpatuloy ang pagpapayunir. At yamang ang auxiliary payunir ay isang tuntungang bato sa pagiging regular payunir, bakit hindi isaalang-alang ang inyong eskedyul at tingnan kung maaari kayong maging isang regular payunir? Yamang kayo ngayon ay “maningas sa espiritu” dahilan sa inyong pagpapayunir, bakit hindi panatilihin ang mainam na espiritu sa pamamagitan ng patuloy na pagpapayunir?

HUWAG KALILIGTAAN ANG MGA BAGONG MAMAMAHAYAG

5 Maraming mga baguhan ang nagpasimula sa ministeryo sa larangan noong Abril. Huwag nating kaliligtaan ang mga ito, kundi tulungan sila na maging mga regular na mamamahayag, na kasama ninyong nakikibahagi linggu-linggo. Sa ganitong paraan ang bilang ng mga mamamahayag na mag-uulat sa Mayo ay hindi biglang bababa, kundi mapananatili, habang ang lahat ay nagpapakita ng malalim na interes sa pagtulong sa mga baguhan na sumulong sa espirituwalidad.

“HUWAG MAGING TAMAD”

6 Hindi ito panahon upang maging tamad sa ating gawain kundi sa halip, “maging maningas sa espiritu.” Patunayan nawa nating lahat ang ating mga sarili na masisipag at kusang-loob na mga manggagawa. (Heb. 6:11, 12) Ang ating pagiging “maningas sa espiritu” ay magluluwal ng mga positibong resulta sa loob at labas ng kongregasyon habang lubusan tayong gumagawa ng pagsubaybay sa ating ginawa noong Abril.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share