Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 6/86 p. 1-2
  • Ikapit ang mga Bagay na Natutuhan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ikapit ang mga Bagay na Natutuhan
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1986
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • MGA PAALAALA KAMAKAILAN
  • TULUNGAN ANG INYONG PAMILYA
  • Ang Pagiging Payak ay Tumutulong sa Atin na “Tiyakin ang Higit na Mahahalagang mga Bagay”
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1987
  • Pag-aani na Katumbas ng Ating Personal na Pagsisikap
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1991
  • Mga Magulang—Sanayin ang Inyong mga Anak sa Paglilingkod sa Larangan
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1986
  • Pansirkitong Asamblea na Tutulong Para Maingatan ang Ating Espirituwalidad
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2009
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1986
km 6/86 p. 1-2

Ikapit ang mga Bagay na Natutuhan

1 Sinabi ni Moises: “Inyong ikapit ang mga salitang ito.” (Deut. 11:18) Bakit may gayong payo? Ang Israel ay dapat na sumunod kay Jehova, ibigin siya, at paglingkuran siya. (Deut. 11:8, 13) Hindi sapat na malaman lamang ang kaniyang mga utos. Kailangan nilang “ikapit ang mga salitang ito.”

2 Sa ating kaarawan, ang lalong Dakilang Moises, si Jesu-Kristo, ang siyang pumapatnubay sa espirituwal na Israel at sa “malaking pulutong” ng mga tapat na mananamba. Kailangan din nating ikapit kung ano ang ating natututuhan. Sinabi ni Jesus: “Ang bawa’t dumirinig ng aking mga salitang ito at ginaganap ay matutulad sa isang taong matalino.” (Mat. 7:24) Ating ‘naririnig’ ang mga salitang ito sa pamamagitan ng pagbabasa ng Bibliya at ng mga publikasyon ng Samahan at sa pamamagitan ng pagdalo sa mga pulong at mga asamblea. Ikinakapit ba natin ang ating naririnig?

MGA PAALAALA KAMAKAILAN

3 Sa nakaraang serye ng pansirkitong asamblea idiniin ang pangangailangan na lumakad nang maayos sa panahong ito. Ipinaalaala sa atin na dapat nating kapootan ang mga gawa ng kadiliman. Ikinakapit ba ninyo ang payo tungkol sa di tamang video-cassettes, mga aklat, mga magasin at mga programa sa TV na makasisira sa inyong espirituwalidad? Ano naman ang tungkol sa babala laban sa di mainam na pagtitipong sosyal at sa labis na paggamit ng alkohol? Tayo ay binabalaan laban sa silo ng kasakiman at sa panganib ng pagsunod sa mga makabagong kausuhan. Natatandaan ba ninyo at ikinakapit ang payong ito?

4 Sa ating mga asamblea at mga pulong, natututo tayo ng mga pamamaraan upang mapasulong ang ating pakikibahagi sa ministeryo sa larangan. Sa ating nakaraang pansirkitong asamblea ay itinanong: “Maaari ba ninyong mabigyang dako ang pagpapayunir?” Binibigyan ba ninyo ng seryosong konsiderasyon ang paglilingkurang payunir? Pinasisigla ba ninyo ang iba na magpayunir?

5 Sa Ating Ministeryo sa Kaharian tayo ay binigyan ng maraming mungkahi kung papaano pasusulungin ang ating ministeryo. Sa katunayan, ang isyu nito noong Hulyo, 1985 ay nagbigay ng salita-por-salitang presentasyon na maaaring gamitin ng mga kabataang mamamahayag. Ang isyu noong Mayo, 1986 ay naglalaman ng maiinam na mungkahi para sa pag-aalok ng may magagandang larawang rebisadong aklat na True Peace and Security—How Can You Find It? sa Hunyo at Hulyo. Karagdagan pa, sa isyung ito tayo ay nagkaroon ng isang mainam na bagong Paksang Mapag-uusapan na angkop sa alok na ito. Ikinakapit ba ninyo ang lahat ng mga mungkahing ito sa paglilingkod sa larangan?

TULUNGAN ANG INYONG PAMILYA

6 Nang si Moises ay nakipag-usap pa Israel, kaniyang sinabi; “Inyong ituturo din sa inyong mga anak.” (Deut. 11:19) Ikinakapit ba ninyo bilang mga magulang ang mga bagay na natutuhan ninyo upang gawing mga alagad ang inyong mga anak? Ang isyu noong Setyembre 1985 ng Ating Ministeryo sa Kaharian ay nagtanong: “Ang inyo bang buong pamilya ay nakikibahagi sa paglilingkod sa larangan sa unang Linggo ng bawa’t buwan? Kumusta naman ang tungkol sa tunguhing tulungan ang mga miyembro ng pamilya na matutuhan ang kasalukuyang Paksang Mapag-uusapan o ang isang bagong presentasyon sa magasin? Ginagawa ba ito ng inyong pamilya

7 Ang pagkakapit sa ating natutuhan ay magdudulot ng di masayod na mga pagpapala. Sinabi ni Jesus: “Kung nalalaman ninyo ang mga bagay na ito, kayo ay maliligaya kung inyong gagawin.”—Juan 13:17.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share