Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 10/86 p. 1-2
  • Magpatuloy sa Paghahayag ng Kaharian ng Diyos

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Magpatuloy sa Paghahayag ng Kaharian ng Diyos
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1986
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • MAG-ALOK NG SUSKRIPSIYON NG GUMISINGI
  • Magagawa Ba Natin ang Abril 2000 na Ating Pinakamabuting Buwan Kailanman?
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2000
  • Maglagay ng Personal na mga Tunguhin Para sa Bagong Taon ng Paglilingkod
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1989
  • “Lubusang Ipangaral ang Salita ng Diyos”
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2002
  • Magagawa Ba Natin Uli Iyon?—Panibagong Panawagan Para sa mga Auxiliary Pioneer
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1998
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1986
km 10/86 p. 1-2

Magpatuloy sa Paghahayag ng Kaharian ng Diyos

1 “Walang taong pagkahawak sa araro, at lumilingon sa likod, ay karapatdapat sa kaharian ng Diyos.” Ito ang sagot ni Jesus sa isa na ayaw sumunod sa kaniya. (Luk. 9:59-62) Subali’t papaano tumutugon sa ngayon ang bayan ni Jehova sa paanyayang sumunod kay Jesus?

2 Ang 1986 taon ng paglilingkod ay nagpasimula taglay ang isang bagong peak ng mga mamamahayag. Patuloy tayo sa pagtatamo ng bagong peak ng mga regular payunir sa lahat halos ng buwan na umabot sa kabuuang bilang na mahigit pa sa 10,300. Ang mga mamamahayag ng kongregasyon ay patuloy na gumugol ng higit pang oras sa paglilingkod sa larangan. Nakita rin natin ang mainam na pagtugon sa paglilingkod bilang auxiliary payunir. Ang mabilis na pagsulong sa bilang ng mga mamamahayag ay nagpangyaring mag-organisa ng 135 bagong mga kongregasyon sa unang sampung buwan ng taon ng paglilingkod.

3 Ang ating gawaing pangangaral ng Kaharian at paggawa ng mga alagad ay patuloy na bumibilis samantalang natatapos ito. Hindi na magtatagal at maisasagawa ito, “at kung magkagayo’y darating ang wakas.” (Mat. 24:14) Mapapabilang ba tayo doon sa magtatamo ng kasiyahan, sa pagkakaalam na ginawa natin ang buong makakaya sa paglilingkod kay Jehova? (Ihambing ang 2 Pedro 3:11, 14) Ano ang magagawa natin bilang mga indibiduwal upang mapasulong at mapagbuti ang ating hain ng papuri kay Jehova?—Heb. 13:15.

4 Kung hanggang sa ngayon ay gumugugol lamang tayo ng ilang oras sa ministeryo bawa’t buwan, maaari ba nating mapasulong pa ang ating panahon sa larangan tungo sa sampu o higit pang oras? Maaaring makatuwiran para sa iba sa atin na maglingkod bilang auxiliary o regular payunir.

MAG-ALOK NG SUSKRIPSIYON NG GUMISINGI

5 Ano ang maaari ninyong gawin upang maabot ang lalong marami sa pamamagitan ng alok na suskripsiyon sa Oktubre? Ang isang paraan ay ang maghanda ng listahan ng mga maaari ninyong dalawin, gaya ng dating tinuturuan sa Bibliya, mga kamag-anak, kasama sa trabaho, mga kapitbahay, mga kamag-aral at mga guro. Marahil ay may napag-iwanan kayo ng magasin na abala sa panahong kayo ay dumalaw. O marahil ay may nagpakita ng interes sa isang partikular na isyu. Magbalik at mag-alok ng suskripsiyon sa buwang ito. Kilala na kayo ng mga taong ito at marahil ay nakahanda sila para sa higit pang pag-uusap. Kung nasiyahan sila sa isang isyu ng magasin, ang kanilang interes ay maaaring antigin na sila’y magkaroon nito nang palagian sa pamamagitan ng pagsuskribe. Sa Oktubre, gumawa ng pantanging pagsisikap na madalaw ang mga indibiduwal na ito.

6 Bago magpasimula sa paglilingkod sa larangan sa bawa’t araw, tayo ay nananalangin kay Jehova ukol sa kaniyang patnubay. Makapagtitiwala tayo na aalalayan niya tayo sa ating mga hakbang. Taglay ang pagpapala ni Jehova sa ating gawain, hindi tayo dapat na mag-atubili sa pag-aalok ng suskripsiyon sa lahat ng pagkakataon. Tandaan, ang magasing Gumising! ay naghaharap ng nagliligtas-buhay na impormasyon mula sa Salita ng Diyos. (Zef. 2:2, 3) Nawa’y maisagawa natin ang gawain ni Jehova nang may kasigasigan, na umaasa sa kaniyang paggabay at pagpapala habang tayo’y patuloy sa “paghahayag ng kaharian ng Diyos.”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share