Pulong na Tutulong sa Atin na Gumawa ng Alagad
LINGGO NG MAYO 7-13
10 min: Lokal na mga patalastas at Mga Patalastas sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Pasiglahin ang lahat na makibahagi sa gawain sa magasin sa Sabado. Itanghal ang dalawa o tatlong maikling presentasyon sa magasin na angkop sa lokal na teritoryo, na ang bawa’t isa ay nagtatampok ng iisa lamang artikulo.
17 min: “Patuloy na Sabihing, ‘Halika!’ sa mga Nais Makinig.” Tanong-sagot. Ilahad ang piling lokal na mga karanasan habang ipinahihintulot ng panahon. Idiin ang pag-aalok ng mga suskripsiyon sa Ang Bantayan at Gumising! sa lahat ng angkop na pagkakataon. Pasiglahin ang mga mamamahayag na gumawa ng mga pagdalaw-muli karakaraka at sikaping makapagsimula ng mga pag-aaral sa mga taong interesado.
18 min: “Magluwal ng Bunga Taglay ang Pagtitiis.” Pahayag sa materyal sa mga pahina 253-5 ng 1990 Yearbook. May init ng damdaming papurihan ang mga mamamahayag para sa pakikibahagi ng lokal na kongregasyon sa pagpapatotoo nang may katapangan at pagluluwal ng bunga sa kabila ng mga pagsubok at mahihirap na mga kalagayan.
Awit 72 at pansarang panalangin.
LINGGO NG MAYO 14-20
10 min: Lokal na mga patalastas at ulat ng kuwenta. Balangkasin ang mga kaayusan sa paglilingkod sa dulong sanlinggo, at pasiglahin ang mga grupo ng pamilya na makibahagi sa ministeryo sa bahay-bahay.
20 min: “May Katapangang Ipahayag ang Mabuting Balita.” Tanong-sagot na pagtalakay sa materyal. Basahin ang mga parapo hangga’t ipinahihintulot ng panahon.
15 min: Ang Pangmalas ng Bibliya. Pahayag at pagtatanghal. Mula noong Hulyo 8, 1985, ang isyu ng Gumising! na, “Ang Pangmalas ng Bibliya” ay naging isang kapanapanabik na bahagi ng magasin. Ang artikulo hinggil sa paninindigan ng Bibliya sa mga paksang tinatalakay ay dinisenyo para sa mga mapagtanong, maging ang tao ay naniniwala sa Bibliya o hindi. Kadalasang nagbibigay ang artikulo ng sariwang paghaharap sa mga paksang dati nang naipaliwanag. Atin bang ginagamit ang bahaging ito sa ministeryo sa larangan? Ang mga artikulo ay maiikli at tuwiran sa punto, sa dalawang pahina lamang. Repasuhin kasama ng tagapakinig ang ilan sa mga artikulong ito na angkop sa inyong lokal na teritoryo. Itanghal kung papaanong ang mga artikulo ay maaaring itampok sa ministeryo.
Awit 92 at pansarang panalangin.
LINGGO NG MAYO 21-27
10 min: Lokal na mga patalastas at Teokratikong mga Balita. Ilakip ang mga kaayusan sa paglilingkod sa larangan sa dulong sanlinggo. Magbigay ng mga mungkahi kung anong artikulo sa kasalukuyang magasin ang partikular na kukuha ng interes ng mga tao sa lokal na teritoryo.
20 min: “Magpatuloy sa Ating Ministeryo Nang Walang Humpay.” Tanong-sagot. Ipabasa ang mga parapo sa may kakayahang kapatid. Ang iba sa mga tagapakinig ay maaaring bumasa at magkomento sa mga binanggit na kasulatan. Gumawa ng lokal na pagkakapit sa impormasyon, na tinutulungan ang mga mamamahayag na mapagtagumpayan ang mga suliraning nakakaharap sa teritoryo at mapanatili ang isang wastong saloobin. Ang lahat ay dapat na maging determinado na paglingkuran si Jehova taglay ang sigasig hanggang sa katapusan.
15 min: Ang Halaga ng Mabuting Balita sa Ating mga Buhay. Pahayag. Ang materyal ay maaaring masumpungan sa Enero 1, 1990, Bantayan, pahina 4-6. Isaayos ang mga inihandang komento mula sa kongregasyon kung papaanong ang mabuting balita ay nakatulong sa kanila na mapasulong ang kanilang buhay.
Awit 193 at pansarang panalangin.
LINGGO NG MAYO 28–HUNYO 3
10 min: Lokal na mga patalastas at pagtalakay sa kahalagahan ng karakarakang pag-uulat sa kongregasyon ng ating paglilingkod sa larangan. Pasiglahin ang lahat ng mga mamamahayag na lumabas sa paglilingkod sa Sabado at Linggo. Ito ang siyang unang Linggo ng Hunyo.
15 min: “Paghaharap ng Mabuting Balita—Sa mga Kabataan.” Tanong-sagot na pagsasaalang-alang. Kapag inihaharap ang parapo 4 itanghal ang pag-aalok ng mamamahayag sa tin-edyer. Pasiglahin ang mga kabataan, mga magulang, at iba pa na isaalang-alang ang napapanahong payo sa aklat. Ang lahat ay dapat na maghanda sa paggamit ng aklat sa paglilingkod sa larangan. Magbigay ng mungkahi kung papaano gagamitin iyon sa pag-uusap ng pamilya.
10 min: Tanong. Pahayag ng matanda, na sinasaklaw ang impormasyon sa artikulo. Gayundin, gumawa ng espesipikong pagtukoy sa napakabuting tape recordings na inilaan ng Samahan, at tulungan ang mga kapatid na makita kung papaano ito maaaring gamitin ng mga indibiduwal at ng mga sambahayang Kristiyano.
10 min: Pahayag sa kahalagahan ng regular na pagsasaalang-alang ng pang-araw-araw na teksto at mga komento. Magbigay ng mungkahi kung papaano ito maisasagawa. Kunin ang impormasyon sa paunang salita sa Pagsusuri sa Kasulatan Araw-Araw—1990.
Awit 46 at pansarang panalangin.