Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 3/91 p. 3-4
  • Memoryal—Ang Kristiyanong Pagdiriwang

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Memoryal—Ang Kristiyanong Pagdiriwang
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1991
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • PAGHAHANDANG HINIHILING SA MGA MATATANDA
  • PERSONAL NA PAGHAHANDA
  • Pakikinabang Nang Lubusan sa Memoryal
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1985
  • “Patuloy na Gawin Ito sa Pag-alaala sa Akin”
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1992
  • Paghahanda Para sa Isang Pantanging Okasyon
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1988
  • Maghanda para sa Pagdiriwang ng Memoryal
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1985
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1991
km 3/91 p. 3-4

Memoryal—Ang Kristiyanong Pagdiriwang

1 Itinatag ni Jesus ang Memoryal noong Nisan 14, 33 C.E., at inutusan niya ang kaniyang mga apostol: “Gawin ninyo ito sa pag-alaala sa akin.” (Luc. 22:19) Ipinaliwanag ni Pablo na sa pamamagitan ng paggawa ng gayon “inihahayag ninyo ang pagkamatay ng Panginoon, hanggang sa dumating siya.” (1 Cor. 11:26) Angkop lamang na alalahanin ang kamatayan ni Jesus dahilan sa lahat ng naisagawa nito sa ikatutupad ng mga layunin ni Jehova. Ang haing pantubos ay naglalaan ng mismong saligan sa ating pananampalataya at nagbibigay sa atin ng pag-asa sa buhay sa hinaharap.

2 Sapul sa pasimula ng Kristiyanong kongregasyon, may katapatang ipinagdiwang ang Memoryal ng mga alagad ni Jesus. Sa makabagong panahon iniulat na noon pang 1899 may 2,501 ang nakibahagi sa pagdiriwang ng Memoryal sa Estados Unidos. Ngayon, pagkaraan ng 92 mga taon, ang Nisan 14 ay pumapatak sa Sabado, Marso 30, paglubog ng araw, at mahigit sa sampung milyong tao sa buong daigdig ang inaasahang dadalo.

PAGHAHANDANG HINIHILING SA MGA MATATANDA

3 Dahilan sa kahalagahan ng okasyong ito at sa inaasahang malaking bilang na dadalo, ang mga kongregasyon ay gagawa ng patiunang paghahanda. (1 Cor. 14:40) Ang rituwal at sobrang pormalidad ay hindi kinakailangan. Hindi nga, sapagka’t sa Mateo 26:26-30 ay mapapansin natin ang pagiging payak ng pagdiriwang na itinatag ni Jesus. (1 Cor. 11:23-26) Subali’t may ilang mahahalagang detalye na kailangang isagawa upang wastong maipagdiwang ang Memoryal. Anu-ano ang mga ito?

4 Una, titiyakin ng mga matatanda na ang paggalang ay naipakikita sa Hapunan ng Panginoon sa pamamagitan ng pagkakaroon ng wastong mga emblema. Tinapay na walang lebadura, na ginawa sa pamamagitan lamang ng harina at tubig ang maaaring gamitin. Gayundin, yaon lamang walang halong mapulang alak mula sa ubas, gaya ng Chianti, Burgundy, o claret, ang maaaring gamitin. Ang mapulang alak na gawang-bahay ay maaaring gamitin kung ito’y hindi hinaluan ng asukal o iba pang bagay.

5 Ang mga matatanda ay pipili rin ng mga kapatid na lalake na may mabuting halimbawa, matatanda o ministeryal na lingkod hangga’t maaari, upang magsilbi ng mga emblema. Kailangang sila’y lubusang organisado at ganap na nakababatid sa kanilang atas. Dapat na repasuhin sa mga attendant ang kanilang mga tungkulin, gaya ng paggiya sa mga tao sa loob ng bulwagan at pangangalaga sa trapiko. Napakahalaga nito lalo na kapag may ilang kongregasyon na gumagamit ng iisang Kingdom Hall. Ang tagapagsalita ay dapat na wastong mapahiwatigan sa oras at lugar ng selebrasyon.

PERSONAL NA PAGHAHANDA

6 Dapat pagsikapan nating lahat na tamuhin ang ganap na pakinabang mula sa pinakabanal na pagdiriwang na ito. Ang ating kaisipan ay maihahanda natin sa pamamagitan ng maingat na pagbabasa ng Bibliya para sa Marso 25-30, gaya ng makikita sa ating kalendaryo at sa Ating Ministeryo sa Kaharian na ito sa pahina 3. Gayundin, dapat nating anyayahan at tulungan ang maraming tao hangga’t maaari na makadalo. At dapat nating ipadama sa mga dumalo na sila’y tinatanggap.

7 Sa pamamagitan ng patiunang paghahanda nang lubusan, maipakikita natin na ating minamalas ang pagdalo sa Memoryal bilang isang pribilehiyo at isang pagkakataon na maipakita ang pagpapahalaga sa hain ni Kristo. Ang pagdiriwang nawa ng Memoryal sa taóng ito ay maging isang panahon ng pagpapatibayan sa isa’t isa ng lahat ng mga lingkod ni Jehova. Maikintal nawa nito sa ating lahat ang espiritu ng pagtitiwala gaya ng ipinamalas ni Jesus. Ang ating pagtitiwala kay Jehova ay tutulong sa atin na madaig ang sanlibutan at matamo ang ating mga kaukulang gantimpala.—Juan 16:33; 2 Ped. 1:10; Apoc. 7:9, 10, 14.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share