Pulong na Tutulong sa Atin na Gumawa ng Alagad
LINGGO NG PEBRERO 11-17
10 min. Lokal na mga patalastas at Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian.
15 min. “Huwag Manghihimagod.” Tanong-sagot na pagtalakay sa mga pangunahing punto sa artikulo. Sa parapo 4, magkaroon ng isang pagtatanghal ng kasalukuyang alok na ginagamit ang taglay na mga matatandang publikasyon.
20 min. “Isang Panahon Para sa Lalong Maraming Gawain.” Tanong-sagot na pagtalakay sa artikulo. Banggitin ang bilang ng mga nakatalang payunir para sa Marso, Abril at Mayo. Ipagunita sa lahat ang pulong sa Pebrero 17 para sa mga mag-aauxiliary payunir at himukin ang lahat na dumalo. Sa pagtalakay sa parapo 5, bumaling sa artikulo sa pahina 8 na, “Maging Handa Para sa Kampanya ng Suskripsiyon sa Bantayan.”
Awit 10 at pansarang panalangin.
LINGGO NG PEBRERO 18-24
10 min. Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta at tugon sa donasyon.
20 min. “Handa Mo Bang Harapin ang Hamon sa Pananampalataya Kapag Nagpapagamot?” Tanong-sagot na pagtalakay ng isang matanda, na sinasaklaw ang mga parapo mula sa pasimula ng insert hanggang sa sub-titulong “Mahalagang Tulong sa Panahon ng Pangangailangan.” Idiing huwag maghintay na may mangyari pa bago isipin kung ano ang gagawin. Magplano nang patiuna bilang isang pamilya ngayon—maging handa!
15 min. “Maging Pamilyar sa Inilabas na mga Bagong Babasahin sa Kombensiyon.” Pagtalakay sa tagapakinig, na nagdiriin ng ilang mga susing punto mula sa bawa’t publikasyon na makatutulong sa lokal na paraan.
Awit 108 at pansarang panalangin.
LINGGO NG PEB. 25–MAR. 3
10 min. Lokal na mga patalastas. Teokratikong mga Balita. Talakayin ang mga litaw na punto sa aklat na Apocalipsis na gagamitin sa kampanya sa Marso.
15 min. “Pagganap ng Ating Ministeryo sa Kaharian sa Tulong ng Index.” Pahayag ng matanda na may pakikibahagi ang tagapakinig. Itanghal kung papaanong ang isang matanda at ministeryal na lingkod ay maaaring gumamit ng Index kapag naghahanda para sa pagdalaw sa kapatid.
20 min. “Handa Mo Bang Harapin ang Hamon sa Pananampalataya Kapag Nagpapagamot?” Tanong-sagot na pagtalakay sa insert mula sa sub-titulong “Mahalagang Tulong sa Panahon ng Pangangailangan” hanggang sa katapusan ng artikulo.
Awit 203 at pansarang panalangin.
LINGGO NG MARSO 4-10
8 min. Lokal na mga patalastas.
22 min. “Paghaharap ng Mabuting Balita—Taglay ang mga Tract at Handbill.” Tanong-sagot na pagtalakay. Pagkatapos talakayin ang parapo 7, itanghal ng mamamahayag ang pagpapasimula ng pag-aaral sa isang pagdalaw-muli, na ginagamit ang tract na Buhay sa Isang Mapayapang Bagong Sanlibutan.
15 min. Makapag-aauxiliary Payunir ba Kayo sa Abril at Mayo? Mainit na pagtalakay ng kapatid na may karanasan bilang isang payunir. Kapanayamin ang ilang nag-auxiliary payunir kamakailan lamang. Itampok ang mga praktikal na planong kanilang ginawa upang maabot ang kanilang tunguhin. Ang mga aplikasyon ay maaaring kunin mula sa kalihim.
Awit 151 at pansarang panalangin.