Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 2/91 p. 1-7
  • Isang Panahon Para sa Lalong Maraming Gawain

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Isang Panahon Para sa Lalong Maraming Gawain
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1991
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • PAGDIRIWANG NG MEMORYAL AT PANTANGING PAHAYAG
  • PASULUNGIN ANG PAMAMAHAGI NG MAGASIN
  • Ang Abril Ba ay Magiging Isang Pantanging Buwan Para sa Inyo?
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1993
  • “Lubusang Ipangaral ang Salita ng Diyos”
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2002
  • Panahon ng Memoryal—Pagkakataon Para sa Pinag-ibayong Gawain!
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2011
  • Maging Masigasig sa Mabuti!
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2003
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1991
km 2/91 p. 1-7

Isang Panahon Para sa Lalong Maraming Gawain

1 Habang ang katapusan ng sistemang ito ay nalalapit na at ating nakikita kung papaano mayamang pinagpapala ni Jehova ang ating ministeryo, kailangan nating sundin ang payo ni apostol Pablo na ‘bigkisan ang ating pag-iisip ukol sa gawain.’—1 Ped. 1:13; Isa. 60:22.

2 Nang ibigay ni Pedro ang payo sa itaas, siya’y sumusulat hinggil sa kaligtasan na maaari nating tamuhin sa pamamagitan ng dugo ni Jesu-Kristo. Ang paghahayag natin ng mabuting balita ng Kaharian ay isang paraan ng pagtatanghal ng ating pananampalataya at pagpapahayag ng ating pagpapahalaga sa mga kapakinabangang ating tinatanggap dahilan sa ipinahayag na pag-ibig ni Jehova sa pamamagitan ng kaloob ng kaniyang Anak. (Juan 3:16) Ang panahon ng Memoryal ay isang panahon upang maging higit na aktibo sa iniatas na gawaing ito ng Diyos.

PAGDIRIWANG NG MEMORYAL AT PANTANGING PAHAYAG

3 Ang pagdiriwang ng Memoryal sa taóng ito ay gaganapin pagkatapos lumubog ang araw sa Marso 30. Kahit ngayon, bilang paghihintay sa pantanging petsang ito, masusuri natin ang ating kaugnayan kay Jehova at ang paraan ng ating pag-alaala sa hain ni Jesus. Atin bang itinatanghal ang ating pananampalataya sa araw-araw sa pamamagitan ng mahigpit na panghahawakan sa matutuwid na mga pamantayan ni Jehova sa ating iniisip, sinasalita at iginagawi? Tayo ba’y nagpapakita ng pag-ibig sa iba sa pamamagitan ng pagsisikap natin sa gawaing pangangaral at paggawa ng mga alagad? Sa isang pantanging paraan sa Memoryal bawa’t taon, ating naaalaala ang ginawa ni Jehova at ni Jesus para sa atin. (Luc. 22:19; 1 Cor. 11:23, 24) Ang gayong pag-alaala ay dapat na mag-udyok sa atin sa pagsasagawa ng positibong pagkilos alinsunod sa ating indibiduwal na mga kakayahan at kalagayan.

4 Sa Abril 7, ang karamihan sa mga kongregasyon sa palibot ng daigdig ay maghaharap ng isang pantanging pahayag sa paksang “Ang Pagdating ng Mesiyas at ang Kaniyang Pamamahala.” Anong inam na pagkakataon para sa mga baguhan na magpasimulang makisama sa kongregasyon! Ang mga dadalo sa Memoryal ay dapat na mapatibay na dumalo sa pantanging pahayag na ito.

PASULUNGIN ANG PAMAMAHAGI NG MAGASIN

5 Ang lahat ng mamamahayag ng Kaharian ay magpapahalaga sa pantanging pagsisikap na ginawa sa paghahanda ng mga isyu ng Bantayan at Gumising! sa Abril at Mayo. (Tingnan ang “Maging Handa Para sa Kampanya ng Suskripsiyon sa Bantayan” sa pahina 8.) Tiyaking pumidido ng mga kopya mula sa kapatid na humahawak ng mga magasin sa inyong kongregasyon upang marami kayong magamit. Kapag dumating ang mga magasin, maging lubusang pamilyar sa bawa’t isyu. Ito’y magpapasigla sa inyong paghaharap ng mga ito sa larangan.

6 Maaari bang gumawa kayo ng eskedyul sa pag-aauxiliary payunir sa Marso, Abril, o Mayo? Sa ilang kongregasyon mahigit pa sa kalahati ng mga mamamahayag ang auxiliary payunir noong Abril nang nakaraang taon. Kapag marami ang samasamang nakikibahagi, matutulungan nila at mapatitibay ang isa’t isa sa pantanging panahong ito ng gawain. Ang mga matatanda ay malulugod na tumulong sa pamamagitan ng paggawa ng karagdagang kaayusan sa paglilingkod sa larangan kung kinakailangan.

7 Kung hindi kayo makapagpayunir sa panahong ito, gaano kalaking pagsulong ang maaari ninyong gawin sa pakikibahagi sa ministeryo sa larangan? Tunay na si Jehova ay nalulugod sa buong kaluluwang paglilingkod na nagpapahayag ng ating pag-ibig at pagpapahalaga sa kaniya at sa kaniyang Anak, si Jesus. Ang kaniyang espiritu ay magpapalakas sa atin sa paghahandog ng kaayaayang hain ng papuri.—Heb. 13:15.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share