Pasiglahin ang Iba na Bumasa ng Ang Bantayan
1 Sa Mayo, nanaisin nating pasiglahin ang mga umiibig sa katotohanan na palagiang bumasa ng Ang Bantayan. Sa lahat ng magasing inilalathala sa ngayon, ito lamang ang nagbibigay ng mahalagang espirituwal na pagkain na kailangan niyaong mga dumadaing at nagbubuntong hininga dahilan sa kasuklam-suklam na kalagayan sa lupa.—Ezek. 9:4.
2 Ang Bantayan ay nakatulong sa atin na maunawaan ang hula ng Bibliya na nagpapatunay na tayo’y nabubuhay sa panahon ng katapusan at na ang Kaharian ng Diyos ay malapit nang magdala ng kapayapaan sa lupa. Ang ating tunay na pagkabahala sa buhay ng iba ay nagpapakilos sa atin na ibahagi ang kamangha-manghang pag-asang ito sa kanila. At tayo’y napatitibay na makitang maraming mga tapat-pusong tao ang natitipon ukol sa kaligtasan.—Juan 10:16.
3 Ang Mayo 1 ng Bantayan ay nagtatampok ng paksang “Pananaig sa Krimen sa Isang Magulong Daigdig.” Ang isyu ng Mayo 15 ay nagtatampok sa “Unahin ang Diyos sa Inyong Buhay Bilang Isang Pamilya!” Ang mga artikulong ito ay madaling iugnay sa ating kasalukuyang Paksang Mapag-uusapan na tumatalakay sa Kaharian ng Diyos. Maghandang mabuti upang maipakita ninyo kung papaanong ang mga artikulo ay makatutulong sa maybahay na mapalawak ang kaniyang kaunawaan sa paksang pinag-uusapan.
4 Tandaan na ang ating komisyon ay ang ipangaral ang mabuting balita at gumawa ng mga alagad. Kung ayaw ng taong sumuskribe kundi ang gusto’y magbasa lamang ng ilang artikulo paminsan-minsan, makabubuting ingatan ang kaniyang pangalan sa inyong ruta ng magasin at gumawa ng regular na pagdalaw upang ihatid ang mga magasin. Ito’y tutulong sa inyo na malinang ang kaniyang interes taglay ang tunguhing makapagsimula ng isang pag-aaral sa Bibliya sa dakong huli.
5 Ang Mayo ay nag-aalok ng maraming pagkakataon na makapagsalita ng hinggil sa Kaharian sa bahay-bahay at sa impormal na paraan. May pagtitiwala tayong pagpapalain ni Jehova ang ating mga pagsisikap na maglaan ng espirituwal na pagkain sa mga maaamo sa ating teritoryo.