Pagganap ng Ating Ministeryo sa Kaharian sa Larangan
1 Sa pamamagitan ng bihasang paggamit sa katotohanan, maigigiba natin ang “mga maling haka at ang bawat bagay na matayog na nagmamataas laban sa karunungan ng Diyos.” (2 Cor. 10:5) Ang Watch Tower Publications Index ay dinisenyo upang tulungan tayo sa bagay na ito.
2 Ang pangunahing uluhan para sa mga reperensiya sa ating gawaing pangangaral ay ang “Field Ministry.” Ang lahat ng bagay ay sinasaklaw doon, lakip na ang ating personal na saloobin, mga pambungad, pananagumpay sa mga pagtutol, mga pagdalaw muli, at mga pag-aaral sa Bibliya. Nais ba ninyong ipaghalimbawa ang isang punto taglay ang ilang mabubuting karanasan? Maaari ninyong masumpungan ang inyong kailangan sa ilalim ang uluhang “Experiences.”
3 May nagsasabi bang sinasalungat ng Bibliya ang sarili, marahil ay bumabanggit ng espesipikong mga talata na waring nagkakasalungatan? Sa ilalim ng “Bible Authenticity,” ang mga uluhang “contradictions” at “harmony” ay umaakay sa mga pagtalakay sa pagtutol na ito. Sa ilalim ng subtitulong “scriptures harmonized,” makakasumpong kayo ng talaan ng indibiduwal na mga talata na waring nagkakasalungatan at ang mga reperensiyang malinaw na nagpapaliwanag sa mga ito.
4 Kadalasang napagtatagumpayan natin ang mga pangangatuwiran sa Trinidad, apoy ng impiyerno, at kawalang kamatayan ng kaluluwa. May mga pangunahing uluhan para sa bawat isa sa mga ito. Sa ilalim ng “Trinity” at “Immortality of the Soul,” makakasumpong kayo ng subtitulong, “scriptures misapplied to support.” Ito’y aakay sa inyo sa pagtalakay sa mga indibiduwal na teksto. Ang katulad na bahagi ay masusumpungan sa ilalim ng “Hell,” taglay ang subtitulo nitong “scriptures misinterpreted.”
5 Matagal na ba ninyong nais na makapagpasimula ng isang pag-aaral sa Bibliya? O mayroon na kayo subalit hindi sumusulong? Sa ilalim ng uluhang “Bible studies” ay mga subtitulong “starting,” “assisting—,” at “teaching,” na may reperensiya ang bawat isa upang tulungan kayong makasumpong at makapangasiwa ng pasulong ng mga pag-aaral sa Bibliya. Upang matulungan kayong malaman kung kailan ang pinakamabuting panahon upang itigil ang isang pag-aaral, isaalang-alang ang mga subtitulong “terminating unfruitful” at “discontinuing.”
6 Kayo ba’y nagnanais na magkaroon ng higit na mga pribilehiyo sa ministeryo sa larangan? Ang mga uluhang “Full-Time Ministry,” “Auxiliary Pioneers,” “Pioneers,” “Missionaries,” at “Serving Where Need is Greater” ay aakay sa inyo sa materyal kung papaano matatamo ang gayong mga tunguhin at mga karanasang tinamasa niyaong mga gumawa na ng gayon.
7 Ang pagganap sa ating ministeryo sa Kaharian sa larangan ay nagdudulot ng malaking kasiyahan. (Juan 4:34) Ang Index ay tutulong sa inyo habang kayo’y nakikibahagi sa nakagagalak na gawaing ito.