Kung Papaano Makikinabang ang Pamilya sa Index
1 Hinggil sa mga miyembro ng pamilya, ang 1 Timoteo 5:4 ay nagsasabi: “Magsipag-aral muna ang mga ito ng makadiyos na debosyon sa kanilang sariling sambahayan.” Oo, ang pagkakaroon ng makadiyos na debosyon sa ating pamilya ay isang bagay na dapat matutuhan. Sa bagay na ito’y nangangailangan tayo ng banal na patnubay. Ang Watch Tower Publications Index ay makatutulong sa atin upang masumpungan ang patnubay sa ating buhay pampamilya.
2 Kayo ba’y seryosong nag-iisip hinggil sa pag-aasawa? Sa ilalim ng uluhang “Marriage,” makakasumpong kayo ng sub-titulong “selecting a mate.” Aakayin kayo ng reperensiya sa payong nakatutulong sa bagay na ito. Ang Index ay may mga sub-titulo rin para sa “husband’s role” at “wife’s role,” upang makinabang yaong mga may asawa na. Bukod dito, ang mga sub-titulong “communication,” “closeness in,” at “peace” ay nagtuturo ng materyal na makatutulong sa pag-aasawa. Kapag may suliraning lumitaw, ang sub-titulong “problems in” ay aakay sa inyo sa payo kung papaano lulutasin ang mga ito.
3 Papaano palalakihin ng mga magulang ang kanilang mga anak sa “disiplina at kaisipan ni Jehova”? (Efe. 6:4) Nakatutulong na payo at mga mungkahi ang masusumpungan sa uluhan ng Index na “Children” at “Youths.” At kumusta naman ang pagkikintal ng batas ni Jehova sa mura nilang puso? Ang uluhang “Child Training” ay aakay sa materyal may kinalaman sa lahat ng anggulo ng pagpapalaki sa mga bata, lakip na kung papaano magkakaroon ng isang personal na kaugnayan kay Jehova at magkaroon ng pagnanais sa katotohanan.—1 Ped. 2:2.
4 Ang pag-uusap sa Bibliya ng pamilya ay mahalaga sa tagumpay ng pamilya. (Deut. 6:6-9; Isa. 54:13; Efe. 5:25, 26) Ang mga reperensiya kung papaano gagawing kasiyasiya ang mga ito ay masusumpungan sa ilalim ng uluhang “Families.” Sa kasalukuyang Index, ang sub-titulong “Bible study” ay tumatalakay sa mga punto tulad ng “making it effective” at “making it enjoyable.” Gayundin, bakit di isaalang-alang sa pana-panahon ang isa sa mga kasaysayan ng buhay ng mga Saksi ni Jehova? Sa ilalim ng uluhang “Full-Time Ministry,” dadalhin kayo sa kasaysayan ng buhay na may pamagat na “A Choice I’ve Never Regretted” at “Receiving the Requests of My Heart.” Isang kompletong listahan ang masusumpungan sa ilalim ng “Life Stories of Jehovah’s Witnesses.”
5 Makatulong nawa sa inyo ang Index upang masumpungan ang malaking kasiyahan sa pagganap ng inyong mga pananagutan sa loob ng pamilya.