Pagganap ng Ating Ministeryo sa Kaharian Bilang mga Saksi ni Jehova
1 Bilang mga Saksi ni Jehova taglay natin ang pinakadakilang pribilehiyo sa lupa. Tayo’y kumakatawan kay Jehova sa isang pansansinukob na korte na lumilitis sa lahat ng sinasamba bilang mga diyos. (Isa. 41:1, 23; 43:12) Upang maipagtanggol natin ang ating pag-asa, si Jehova ay naglaan ng isang kompletong aklatan ng mga publikasyon. (1 Ped. 3:15) Ang Watch Tower Publications Index ay makatutulong sa atin upang masumpungan ang impormasyong kailangan natin.
2 Sa ilalim ng pangunahing uluhang “Jehovah” sa 1986-1989 Index, makakasumpong ba kayo ng mga reperensiya na magpapaliwanag sa pansamantalang pagpapahintulot ni Jehova sa kasamaan? Gayundin, sa ilalim ng panggitnang uluhang “Name” sa 1930-1985 at sa kasalukuyang Index, makakasumpong kayo ng reperensiya sa lahat ng mga nailathala na tungkol sa pangalang Jehova.
3 Ang isa pang pangunahing uluhan ay “Jehovah’s Witnesses.” Ito’y naglalakip sa mga reperensiya hinggil sa atin bilang isang organisasyon. Alam ba ninyo kung ano ang ating opisyal na pangmalas sa mataas na edukasyon, awtopsiya, o pagpatay bilang pagtatanggol sa sarili? Makakasumpong kayo ng reperensiya sa ilalim ng uluhang “attitude toward—.” Sa dako pa roon ay nakalista ang makabagong mga kasaysayan ng mga Saksi ni Jehova sa iba’t ibang bansa, at isang malawak na listahan ng mga komento hinggil sa atin ang masusumpungan sa ilalim ng “Statements by Others.”
4 Sa ilalim ng uluhang “Dates,” may panggitnang uluhang “Clarification of Beliefs.” Ang mga reperensiya ng pangunahing pagbabago sa ating pagkakaunawa sa mga doktrina at hula ay nakalista nang sunod-sunod ayon sa taon. Ang “Dates of Prophetic Significance” ay sumusunod, na itinatala ang mga taon ng katuparan ng mga hula.
5 Ang kasaysayan ng buhay ng mga tapat na lingkod ni Jehova ay makatutulong sa atin sa paglalagay ng isang matibay na saligan para sa ating mga anak at mga estudiyante sa Bibliya. Makikita ninyong nakalista ang mga ito sa pamamagitan ng pangalan at pamagat ng artikulo sa ilalim ng “Life Stories of Jehovah’s Witnesses.”
6 Katangi-tangi sa bayan ni Jehova ang maka-Kasulatang turo hinggil sa dalawang hantungan niyaong mga sinang-ayunan ni Jehova—isang makalangit at isang makalupa. Ang mga reperensiya para sa “makalangit na pagtawag” ay masusumpungan sa ilalim ng “Congregation of God.” (Heb. 3:1; Gawa 20:28; 1 Tim. 3:15) Ang iba pang uluhan ay “Remnant” at “144,000.” Ang dalawang uluhang, “Great Crowd” at ”Other Sheep,” ay tumutukoy sa makalupang pag-asa.—Apoc. 7:9; Juan 10:16.
7 Maging bata o matanda, ang pribilehiyo ng pagiging isa sa mga Saksi ni Jehova ay sumasaklaw sa bawa’t bahagi ng buhay. Ang susunod na mga artikulo sa Ating Ministeryo sa Kaharian ay magpapakita kung papaanong ang Index ay makatutulong sa ating ministeryo, sa loob ng pamilya, at sa kongregasyon.