Pulong na Tutulong sa Atin na Gumawa ng Alagad
LINGGO NG AGOSTO 12-18
10 min: Lokal na mga patalastas at Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Itampok ang kasalukuyang labas ng mga magasin na magagamit sa pagmamagasin sa susunod na linggo.
18 min: “Maging Matiyaga at Puspusan sa Ministeryo.” Tanong-sagot na pagkubre ng artikulo. Idiin ang pangangailangang maging matiyaga, lalo na sa teritoryong madalas kubrehan. Pagkatapos ng pagtalakay sa parapo 6, itanghal ng mamamahayag kung papaano gagamitin ang Paksang Mapag-uusapan kapag nag-aalok ng brochure na “Narito!”
17 min: “Kaayusan sa Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat—Bahagi 1.” Pagtalakay ng makaranasang matanda kasama ng isa o dalawa pang mga matatanda o ministeryal na lingkod na mga konduktor sa Pag-aaral ng Aklat. Pantanging idiin ang dalawa o tatlong bagay na kinakailangan sa lokal na kongregasyon, gaya ng pagkokomento sa sariling mga salita at praktikal na pagkakapit sa isinasaalang-alang na materyal.
Awit 132 at pansarang panalangin.
LINGGO NG AGOSTO 19-25
10 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta. Teokratikong mga Balita.
15 min: “Maging Buong Kaluluwa sa Ministeryo sa Larangan—Bahagi 1.” Tanong-sagot na pagtalakay ng tagapangasiwa sa paglilingkod. Iatas nang patiuna ang mga babasahing piniling susing kasulatan, at gumawa ng lokal na pagkakapit. Lumikha ng interes para sa limang bahaging serye.
20 min: Buong Panahong Paglilingkod—Isang Kamanghamanghang Pagkakataon Upang Lumakad na Kasama ng Diyos. (Mik. 6:8) Ang kuwalipikadong matanda o ministeryal na lingkod, na isang payunir hangga’t maaari, ay magbibigay ng mainit at nakapagpapatibay na pahayag. (Tingnan ang Mayo 15, 1989 Bantayan, pahina 21-3.) Balangkasin ang praktikal na mga mungkahi na makatutulong sa mga mamamahayag na mag-isip nang taimtim hinggil sa pagsali sa buong panahong paglilingkod. Ang bagong taon ng paglilingkod ay isang mainam na panahon upang magpasimula. Ang mga magpapasimula sa Setyembre 1 ay maaaring maging kuwalipikado sa Pioneer Service School sa 1992.
Awit 204 at pansarang panalangin.
LINGGO NG AGOS. 26–SET. 1
5 min: Lokal na mga patalastas. Ibigay din ang mga litaw na punto sa aklat na Tanong ng mga Kabataan, na iaalok natin sa Setyembre.
15 min: “Paghaharap ng Mabuting Balita—Taglay ang Unawa.” Tanong-sagot na pagkubre. Itanghal ang mga punto sa parapo 5. Ipakita ng bihasang mamamahayag kung papaano pakikitunguhan ang maybahay na sa umpisa ay nakikipagtalo sa pamamagitan ng mataktikang pagtatanong at pagpapakita sa sinasabi ng Bibliya. Dapat na insayuhing mabuti ang pagtatanghal.
25 min: “Pagtatanim at Pagdidilig—Mga Hakbangin sa Paggawa ng mga Alagad.” Pahayag sa mga parapo 1-9 ng insert, na sinusundan ng tanong-sagot na pagtalakay sa mga parapo 10-14.
Awit 67 at pansarang panalangin.
LINGGO NG SETYEMBRE 2-8
5 min: lokal na mga patalastas.
20 min: “Pagganap ng Ating Ministeryo sa Kaharian sa Larangan.” Tanong-sagot na pagsasaalang-alang ng artikulo. Ilarawan kung papaanong ang mga punto sa mga parapo 2-6 ay maaaring gamitin sa praktikal na paraan. Kapag isinasaalang-alang ang parapo 5, itanghal kung papaanong ang mamamahayag na nahihirapang magpasimula ng pag-aaral sa Bibliya ay lumalapit sa tagapangasiwa sa paglilingkod ukol sa tulong. Ginamit ng tagapangasiwa sa paglilingkod ang Index sa pagtulong sa mamamahayag.
20 min: “Pagtatanim at Pagdidilig—Mga Hakbangin sa Paggawa ng mga Alagad.” Pahayag na may pakikibahagi ang tagapakinig sa mga parapo 15-20 ng insert. Sa parapo 16 gumawa ng isang inihandang mabuting pagtatanghal hinggil sa pagpapasimula ng pag-aaral na ginagamit ang isang tract o brochure. Idiin ang kahalagahan na magkaroon ang bawat mamamahayag ng pag-aaral sa Bibliya upang makabahagi sa paggawa ng mga alagad. Gawing tunguhin ito sa 1992 taon ng paglilingkod.
Awit 42 at pansarang panalangin.