Pulong na Tutulong sa Atin na Gumawa ng Alagad
LINGGO NG SETYEMBRE 9-15
10 min: Lokal na mga patalastas at Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Ibigay ang isa o dalawang presentasyon ng magasin na angkop sa lokal na teritoryo, at pasiglahin ang lahat ng mga mamamahayag na lumabas sa paglilingkod sa larangan sa dulong sanlinggong ito. Dalhin ang aklat na Nangangatuwiran sa Pulong Ukol sa Paglilingkod sa susunod na linggo.
20 min: “Purihin Nang Lubusan ang Pangalan ng Diyos.” Tanong-sagot na pagtalakay. Magtapos sa pamamagitan ng isang inihandang mabuting pagtatanghal na nagpapakita kung papaano gagamitin ang Paksang Mapag-uusapan. Pagkatapos na ipakilala ang sarili, maaaring sabihin ng mamamahayag: “Ako ay nakikibahagi sa isang pangmadlang paglilingkod upang tulungan ang mga kabataang gaya mo na mapagtagumpayan ang mga suliraning napapaharap sa kanila sa komunidad na ito. Naranasan mo na bang ikaw ay piliting gumawa ng bagay na hindi mo naman talagang nais gawin? O kung minsa’y gumagawa ka ng mga bagay dahilan sa iyo’y ginagawa ng iba at hindi dahilan sa kagustuhan mo? Papaano mo mapagtatagumpayan ang panggigipit ng mga kababata mo?” Pagkatapos niyang sumagot, buksan ang aklat sa kabanata 9. Saka sabihin: “Pakisuyong pansinin kung ano ang sinasabi dito sa pahina 77. [Basahin ang isang angkop na parapo.] Sa palagay mo kaya’y makatutulong sa mga kabataan ang pag-aaral ng Bibliya upang mapagtagumpayan ang suliraning ito? [Maghintay ng komento.] Pansinin ang sinasabi ng Bibliya sa Awit 119:9. [Basahin.] Ang aklat na ito’y nagpapakita sa iyo kung papaanong makatutulong ang Bibliya sa mga kabataan na mapagtagumpayan ang mahihirap na kalagayan. Iyo na ito sa kontribusyong ₱24.00.”
15 min: “Paghadlang sa Pagbabalik ng Masasamang Kinaugalian.” Pahayag salig sa artikulo sa Abril 8, 1991 na Gumising!
Awit 132 at pansarang panalangin.
LINGGO NG SETYEMBRE 16-22
10 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta. Basahin ang tugon at pagpapahalaga ng Samahan sa mga ipinadalang donasyon, at papurihan ang kongregasyon sa pagtangkilik sa lokal na pangangailangan ng kongregasyon. Magpasigla para sa pakikibahagi sa paglilingkod sa larangan sa linggong ito kailanma’t may kaayusan para sa panggrupong pagpapatotoo.
18 min: “Maging Buong-Kaluluwa sa Ministeryo sa Larangan—Bahagi 2.” Tanong-sagot na pagsaklaw sa artikulo. Ipakita ang paggamit ng aklat na Nangangatuwiran. Hindi na kinakailangang itanghal pa ng iba ang binanggit na mga punto, kundi maaaring ipakita ng tagapagsalita kung papaano hahanapin at gagamitin ang materyal na nasa aklat. Itanghal sa maikli ang kahalagahan ng mga sesyon ng pagsasanay sa paghahanda ukol sa paglilingkod. Kung ipinahihintulot ng panahon, maaaring anyayahan ang isang mamamahayag na ipaliwanag kung papaano niya ginagawa ito.
17 min: Pahayag ng kalihim ng kongregasyon sa “Isang Bagong Taon ng Pagliliingkod.” Idiin ang mga tunguhin para sa bagong taon. Ipabatid din sa kongregasyon ang ulat ng nakaraang taon ng paglilingkod, lakip na ang bilang ng nabautismuhan, pagsulong ng mga mamamahayag at mga payunir, oras sa paglilingkod, abp. Bigyan ng komendasyon ang nagawang pagsulong at ipakita kung ano pa ang nangangailangan ng pansin sa lokal na paraan sa dumarating na taon.
Awit 48 at pansarang panalangin.
LINGGO NG SETYEMBRE 23-29
10 min: Lokal na mga patalastas. Teokratikong mga Balita. Bigyang pansin din ang artikulong, “‘Mga Umiibig sa Kalayaan’ na mga Kombensiyon.” Habang ipinahihintulot ng panahon, imungkahi kung anong artikulo sa mga magasin ang angkop na angkop na gamitin sa bahay-bahay sa linggong ito.
20 min: “Paghaharap ng Mabuting Balita—Sa Madalas Gawing Teritoryo.” Tanong-sagot. Ikapit sa lokal na kalagayan ng kongregasyon.
15 min: Papaano Ko Tinamo ang Katotohanan. Mga karanasan. Kakapanayamin ng matanda ang dalawa o tatlong mga indibiduwal. Bigyan ng pantanging pansin kung papaanong ang Salita at organisasyon ng Diyos ay nagpakilos sa kanila tungo sa pag-aalay at bautismo. Idiin ang mga kapakinabangang kanilang naranasan dahilan sa pagiging nasa katotohanan.
Awit 25 at pansarang panalangin.
LINGGO NG SET. 30–OKT. 6
5 min: Lokal na mga patalastas. Pagtalakay sa kaayusan ng kongregasyon sa paglilingkod sa larangan at kung ano ang ginagawa upang magbigay ng pampatibay-loob at tulong sa mga payunir. Bigyan ng partikular na atensiyon ang mga bago pa lamang nagpasimula sa paglilingkod bilang payunir noong Setyembre 1. Magpasigla sa pakikibahagi sa paglilingkod sa larangan sa dulong sanlinggong ito.
10 min: Pag-aalok ng Suskripsiyon ng Gumising! sa Oktubre. Para sa kampanya ng suskripsiyon, ating gagamitin ang bagong Paksang Mapag-uusapan na, “Kaligtasan Mula sa Kaguluhan ng Daigdig.” Ang mga kasulatan ay ang Lucas 21:10, 11, 26 (Katuparan ng hula ng Bibliya), at Lucas 21:28, 31 (Malapit nang dalhin ng Kaharian ng Diyos ang kaligtasan). Talakayin sa tagapakinig ang mga kasulatan na nasa Paksa at pagkatapos ay magkaroon ng maikling pagtatanghal na nagpapakita kung papaano ito maaaring gamitin kaugnay ng Oktubre 8 ng Gumising! sa pag-aalok ng suskripsiyon. Ipagunita sa lahat na kumuha ng suplay ng subscription slip upang sila’y makapaghanda sa kampanya.
15 min: “Kaayusan ng Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat—Bahagi 2.” Tanong-sagot na pagsaklaw sa artikulo sa pangunguna ng isang mahusay na konduktor sa pag-aaral.
15 min: Lokal na pangangailangan, o maaaring gamitin ang impormasyon sa pabalat na mga artikulo sa Hunyo 8, 1991 na Gumising! bilang saligan ng isang nakapagpapatibay at malamang pahayag sa paksa hinggil sa tsismis.
Awit 16 at pansarang panalangin.