Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 4/92 p. 2
  • Mga Pulong Ukol sa Paglilingkod sa Abril

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Pulong Ukol sa Paglilingkod sa Abril
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1992
  • Subtitulo
  • Linggo ng Abril 6-12
  • Linggo ng Abril 13-19
  • Linggo ng Abril 20-26
  • Linggo ng Abr. 27–Mayo 3
Ating Ministeryo sa Kaharian—1992
km 4/92 p. 2

Mga Pulong Ukol sa Paglilingkod sa Abril

Linggo ng Abril 6-12

Awit 139

5 min: Lokal na mga patalastas. Ipakita kung papaanong ang mga espesipikong artikulo sa mga bagong magasin ay maaaring gamitin sa pagmamagasin sa Sabado. Imungkahi din ang mga litaw na punto kapag nag-aalok ng suskripsiyon sa Linggo.

15 min: “Mga Presentasyong Nakatatawag ng Pansin.” Pag-uusap sa pagitan ng isang makaranasang matanda at ng dalawa o tatlong payunir o mamamahayag. Isaalang-alang ang iba’t ibang paraan ng paglapit na maaaring praktikal sa lokal na teritoryo. Magsaayos ng isang presentasyon na itatanghal ng dalawang miyembro sa grupo.

15 min: “Ang Pinakamahalagang Araw sa 1992.” Tanong-sagot na pagtalakay sa artikulo. Masiglang presentasyon upang hikayatin ang kongregasyon na taglayin ang espiritu ng pinakamahalagang araw ng taon. Itampok ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mabuting kaayusan upang masubaybayan ang interes na ipakikita ng mga tao na dadalo sa Memoryal sa kaunaunahang pagkakataon. Pasiglahin ang lahat ng mamamahayag na maging alisto sa pagbati sa mga baguhan upang sila’y alukin ng pag-aaral sa Bibliya kung wala pang idinaraos sa kanila. Magkaroon ng maikling pagtatanghal kung papaano gagawin ang palakaibigang paglapit sa dadalo sa Memoryal.

10 min: “Patuloy na Gawin Ito sa Pag-alaala sa Akin.” Pahayag ng punong tagapangasiwa na may pakikibahagi ang tagapakinig. Isama ang materyal sa kahon.

Awit 15 at pansarang panalangin.

Linggo ng Abril 13-19

Awit 101

10 min: Lokal na mga patalastas at Mga Patalastas sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Pasiglahin ang mga nagpaplanong mag-auxiliary payunir sa Mayo na kumuha ng aplikasyon at ipasok kaagad iyon. Ang magdaraos ng kanilang pulong ukol sa paglilingkod bago mag-Biyernes ay dapat na magbigay ng pangwakas na detalye ng kaayusan sa Memoryal lakip na ang pampasigla na anyayahan ang marami na dumalo hanggat maaari.

15 min: “Ipahayag ang mga Pakikitungo ni Jehova.” Tanong-sagot na pagtalakay. Pasiglahin ang lahat na makipagtulungan upang gawing pantanging mga buwan ng gawain ang Abril at Mayo. Kapanayamin ang isa o dalawang nag-aauxiliary payunir sa buwang ito at tanungin sila kung ano ang kanilang nadarama sa kanilang gawain sa kasalukuyan. Piliin yaong mga nagkakaroon ng mabubuting resulta sa paglilingkod.

20 min: “Subaybayan ang Interes Nang Walang Pagkabalam.” Tanong-sagot na pagtalakay.

Awit 19 at pansarang panalangin.

Linggo ng Abril 20-26

Awit 197

10 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta. Ilakip ang tugon ng Samahan sa mga donasyon. Papurihan ang mga kapatid sa pagsunod sa simulain sa Deuteronomio 16:17. Kung may mamamahayag na hindi pa nakalalabas sa buwang ito, gumawa ng pantanging pagsisikap na tulungan ang mga ito na makabahagi bago matapos ang Abril.

20 min: “Ano ang Maaari Kong Sabihin Upang Makaantig ng Higit Pang Interes?” Iharap ang dalawa o tatlong pagtatanghal na ininsayong mabuti. Pagkatapos ng bawat isa, itanong sa tagapakinig kung bakit sa palagay nila’y magiging mabisa ang presentasyon sa pagkuha ng interes ng maybahay.

15 min: “Patuloy na Maging Malakas sa Espirituwal, Manatiling Malinis sa Paglilingkod kay Jehova.” Tanong-sagot na pagtalakay sa mga parapo 1-7 ng insert pasimula sa pahina 3. Sa pagtalakay sa parapo 3, banggitin ang lokal na bilang ng dumalo sa Memoryal noong Abril 17 at suriin kung gaano karaming interesado ang maaaring matulungang makisama nang regular at maging mga mamamahayag ng mabuting balita sa hinaharap.

Awit 123 at pansarang panalangin.

Linggo ng Abr. 27–Mayo 3

Awit 193

10 min: Lokal na mga patalastas. Teokratikong mga Balita. Katapusang pagpapasigla upang isaalang-alang ang pag-aauxiliary payunir sa Mayo. Ipaalaala sa lahat na ibigay kaagad ang kanilang mga ulat sa Abril sa katapusan ng buwan upang maipadala ito sa Samahan nang hindi lalampas sa Mayo 6.

15 min: “Patuloy na Maging Malakas sa Espirituwal, Manatiling Malinis sa Paglilingkod kay Jehova.” Tanong-sagot na pagtalakay sa mga parapo 8-11 ng insert ng Ating Ministeryo sa Kaharian. Idiin ang koneksiyon ng pagiging malakas sa espirituwal at pananatiling malinis sa paglilingkod kay Jehova, na ginagamit ang tatlong punto sa parapo 11. Ikapit sa lokal na paraan.

20 min: Pahayag salig sa Nobyembre 1, 1991, artikulo ng Bantayan, “Pinahahalagahan Mo ba ang Makalupang Organisasyon ni Jehova?” Patibayin ang pananampalataya at pagtitiwala ng kongregasyon sa organisasyon.

Awit 213 at pansarang panalangin.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share