Gamitin ang mga Tract Upang Iharap ang Aklat na Pinakadakilang Tao
1 Sa buwan ng Hulyo, maraming mga mamamahayag ang gagamit ng mga tract upang antigin ang interes sa aklat na Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman. Ang mga sumusunod na mungkahi ay makatutulong sa paggawa nito.
2 Ang Sanlibutan Bang Ito’y Makaliligtas? Ang mga tract ay makatutulong upang kunin ang pansin ng mga maybahay dahilan sa ang mga tract ay tumatalakay sa mga paksang nakakaapekto sa kanila nang personal.
Halimbawa, maaari ninyong sabihin ang gaya nito:
◼ “Sa pakikipag-usap sa mga tao, napansin namin na ang karamihan ay nagsasabing ang kanilang ikinababahala ay . . . [Piliin ang isang kasalukuyang pangyayari sa balita]. Dahilan sa kalagayan ng daigdig, ang ilan ay nag-iisip kung makaliligtas ang sanlibutang ito. Ano sa palagay ninyo? [Hayaang sumagot ang maybahay.] May nabasa akong nakapagpapatibay-loob sa tract na ito na nais kong ibahagi sa inyo. [Iabot sa maybahay ang tract na Ang Sanlibutan Bang Ito’y Makaliligtas? samantalang hawak din ninyo ang gayon ding tract.] Pansinin kung papaano inihula ni Jesus na . . . ” Bumasa ng isang parapo sa pahina 4 o 5 na tumatalakay sa kasalukuyang pangyayari na binanggit ninyo sa pambungad. Pagkatapos ay bumaling sa karagdagang impormasyon sa hula ni Jesus sa kabanata 111 ng aklat na Pinakadakilang Tao. Bago lumisan, tiyaking magbangon ng isang katanungan sa isang paksa na mapag-uusapan sa inyong pagbabalik.
3 Buhay sa Mapayapang Bagong Sanlibutan: Ano ang kahulugan sa inyo ng pamumuhay sa isang bagong sanlibutan? Sa pangkalahatan, iniisip ng mga tao ang magagandang tanawin ng malalaki at magagandang ilog at mapapayapang mga libis, na may nabubuhay na mga magagandang hayop na may kapayapaan sa isa’t isa. Yaong mga nanlulumo dahilan sa kasalukuyang mga kalagayan sa daigdig ay maaaring makasumpong na ang pag-asa sa isang mapayapang bagong sanlibutan ay kasiyasiya.
4 Handa ba kayong mag-alok ng bagay na kasiyasiya at kalugod-lugod sa inyong mga kapitbahay, sa inyong mga kamanggagawa, at doon sa mga nasusumpungan ninyo sa bahay-bahay?
Sa paggamit ng tract na “Ang Buhay sa Mapayapang Bagong Sanlibutan,” maaari ninyong sabihin ang gaya nito:
◼ “Sa palagay ba ninyo’y magiging posible para sa mga tao na mabuhay sa kapayapaan gaya ng ipinakikita sa pabalat ng tract na ito? [Hayaang sumagot ang maybahay.] Pakisuyong tingnan ang huling pangungusap sa unang parapo sa pahina 2. Ito’y nagtatanong: ‘Pangarap ba lamang, o bungang-isip, na maniwalang ang mga kalagayang ito ay iiral kailanman sa lupa?’ [Pagkatapos ay basahin ang susunod na parapo sa tract.] Ang gayong pagsipi hinggil sa bagong mga langit at isang bagong lupa ay mula sa Bibliya, sa 2 Pedro 3:13. Kung kombiniyente sa inyo na kunin ang inyong Bibliya, maaari nating basahin ang Awit 104:5 upang higit pang malaman ang tungkol sa kinabukasan ng lupa.” Kung nagpakita ng interes ang indibiduwal, bumaling sa aklat na Pinakadakilang Tao, kabanata 133.
5 Ang karagdagan pang mga pagdalaw muli ay kakailanganing gawin upang ‘diligin’ ang binhing naitanim. (1 Cor. 3:6, 7) Ang artikulo sa ibaba ay nagbibigay ng mungkahi kung papaano mapasisimulan ang pag-aaral sa aklat na Pinakadakilang Tao.