Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 9/93 p. 2
  • Mga Pulong Ukol sa Paglilingkod sa Setyembre

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Pulong Ukol sa Paglilingkod sa Setyembre
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1993
  • Subtitulo
  • Linggo ng Setyembre 6-12
  • Linggo ng Setyembre 13-19
  • Linggo ng Setyembre 20-26
  • Linggo ng Set. 27–Okt. 3
Ating Ministeryo sa Kaharian—1993
km 9/93 p. 2

Mga Pulong Ukol sa Paglilingkod sa Setyembre

Linggo ng Setyembre 6-12

Awit 63

10 min: Lokal na mga patalastas at piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Talakayin ang mga litaw na punto sa mga bagong magasin. Pasiglahin ang lahat na makibahagi sa paglilingkod sa larangan sa dulong sanlinggong ito.

20 min: “Pagsikapang Makasumpong ng Taingang Nakikinig.” Talakayin sa tagapakinig. Itampok ang kahalagahan na pakitunguhan ang bawat maybahay bilang isang indibiduwal, taglay ang tunguhing makipag-usap sa kaniya. Magkaroon ng maikling presentasyon salig sa mga mungkahi sa parapo 2 at 3. Idiin ang palagiang paggamit ng mga magasin sa paglilingkod sa larangan.

15 min: Pahayag ng isa sa mga matatanda sa paksang “Abala ba sa mga Gawang Patay o sa Paglilingkod kay Jehova?” sa Bantayan, Hulyo 1, 1992, pahina 26-29. O talakayin ang lokal na mga pangangailangan.

Awit 193 at pansarang panalangin.

Linggo ng Setyembre 13-19

Awit 70

10 min: Lokal na mga patalastas, lakip ang ulat ng kuwenta at tugon sa mga donasyon. Papurihan ang kongregasyon sa pinansiyal na tulong sa lokal na kongregasyon at sa pambuong daigdig na gawain ng Samahan.

15 min: “Natatandaan Mo Ba?” (Tingnan Ang Bantayan, Disyembre 15, 1992, pahina 30.) Dapat na ito’y isang pahayag hanggat maaari ng Konduktor sa Pag-aaral ng Bantayan na sinasaklaw ang maraming punto habang ipinahihintulot ng panahon upang magsilbing isang repaso ng materyal na iniharap sa Bantayan ng 1992.

20 min: “Bumalik Upang Tulungan ang mga Tao na Makaalam Kung Papaano Sila Maaaring Mabuhay Magpakailanman.” Tanong-sagot na pagsaklaw. Magkaroon ng isang pagtatanghal ng pagdalaw muli salig sa presentasyong nakabalangkas sa parapo 5 at 6.

Awit 71 at pansarang panalangin.

Linggo ng Setyembre 20-26

Awit 20

10 min: Lokal na mga patalastas. Teokratikong mga Balita. Magpasigla rin ng pakikibahagi sa gawain sa larangan sa dulong sanlinggo.

15 min: Itampok ang kahalagahan ng aklat na Mabuhay Magpakailanman. Ang mga numero ay maaaring banggitin upang ipakita ang mga pagsulong sa nakaraang mga taon nang gamitin ang publikasyong ito. Marami ang natuto ng katotohanan sa pag-aaral ng aklat na ito. Kapanayamin ang isa o dalawang mamamahayag na nag-aral ng aklat na ito sa pagsapit sa katotohanan. Hayaang sabihin nila kung ano ang kanilang pinahalagahan sa pagkatuto mula rito at kung papaano magagamit ito sa larangan. Himukin ang mga kapatid na masiglang ialok ito kapag may nakitang interes.

20 min: “Mga Kahilingan Kapuwa sa Baguhan at sa Makaranasang Ministro.” Tanong-sagot na pagtalakay ng matanda. Magtapos taglay ang masigla subalit maikling sumaryo ng mga punto na ikinakapit sa mga pangangailangan ng lokal na kongregasyon.

Awit 6 at pansarang panalangin.

Linggo ng Set. 27–Okt. 3

Awit 148

10 min: Lokal na mga patalastas.

20 min: “Masikap na Hanapin ang mga Pag-aaral sa Bibliya.” Tanong-sagot na pagsaklaw sa artikulo ng tagapangasiwa sa paglilingkod. Basahin at ikapit ang lahat ng binanggit na mga kasulatan. Repasuhin ang pagsulong ng pag-aaral sa Bibliya sa kongregasyon sa nakalipas na limang taon, at isagawa ang pansarang mga komento ayon sa lokal na mga pangangailangan.

15 min: Ang Kahalagahan ng mga Petsa sa Ating Pag-aaral ng Bibliya. Pagkatapos ng maikling pahayag sa materyal sa ilalim ng “Kahulugan” sa pahina 338 ng aklat na Nangangatuwiran, (Pahina 93 sa Ingles) talakayin sa tagapakinig ang natitira pang impormasyon sa ilalim ng “Mga Petsa.” Isaalang-alang kung “Bakit sinasabi ng mga Saksi ni Jehova na ang Kaharian ng Diyos ay itinatag noong 1914?” Itampok kung papaanong ang impormasyong ito ay makatutulong sa mga baguhan na maghanda upang ipagtanggol ang pabalita ng Kaharian.

Awit 43 at pansarang panalangin.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share