Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 12/93 p. 8
  • Ang Aklat na Naglalaan ng Tunay na Patnubay

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Aklat na Naglalaan ng Tunay na Patnubay
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1993
  • Kaparehong Materyal
  • Ilatag ang Pundasyon sa Inyong Unang Pagdalaw
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1992
  • Ang Kahalagahan ng Bibliya sa Daigdig Ngayon
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1993
  • Ang Bibliya—Patnubay ng Diyos Para sa Lahat ng Tao
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1997
  • Pagtulong sa Iba na Makilala ang Isang Dakilang Kayamanan
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1993
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1993
km 12/93 p. 8

Ang Aklat na Naglalaan ng Tunay na Patnubay

1 Malaki ang ipinagbago ng daigdig sa siglong ito. Bagaman may mga pagsulong sa komunikasyon, medisina, at transportasyon, ang uri ng buhay pampamilya ay patuloy na umuurong. Milyun-milyon ang naaakay ng nagbabagong pilosopiya ng mga tao.

2 Sa nagbabagong sanlibutan, ang bayan ni Jehova ay nakikinabang nang malaki sa panghahawakan sa kaniyang Salita. Ang Bibliya ay hindi nagbago sa loob ng libu-libong taon, at ang payo nito ang pinakapraktikal pa rin sa pananagumpay sa mga suliraning napapaharap sa atin ngayon. Papaano natin matutulungan ang iba na magpahalaga sa tunay na patnubay na inilalaan nito sa ating makabagong panahon?

3 Kung kayo ay nakapag-iwan ng tract na “Kung Bakit Ikaw ay Makapagtitiwala sa Bibliya” sa unang pagdalaw, maaari kayong bumalik at magsabi:

◼ “Yamang ang Bibliya ay nagsasabi na ito’y isang pabalita mula sa Diyos at siya’y magbibigay sa atin ng buhay na walang hanggan kung tayo’y mabubuhay salig doon, sa palagay kaya ninyo’y kapakipakinabang na alamin pa natin ang higit tungkol dito? [Hayaang magkomento.] Pansinin kung ano ang inihuhula ng Bibliya hinggil sa sanlibutang ito. [Basahin ang 2 Timoteo 3:1-5 nang tuwiran mula sa pahina 5 ng tract.] Sa palagay kaya ninyo’y ganito ang ating daigdig sa ngayon? [Hayaang magkomento.] May makatuwirang dahilan ba upang asahan ang mas mabuting kalagayan sa hinaharap?” Pagkatapos ay talakayin ninyo ang dalawang huling parapo ng tract o ang pahina 161 ng aklat na Ang Bibliya—Salita ng Diyos o ng Tao?, upang itampok ang pag-asang iniaalok ng Bibliya sa sangkatauhan.

4 Kung ang maybahay ay interesado sa praktikal na kahalagahan ng Bibliya at ipinakita ninyo ang mga halimbawa sa kabanata 12 ng “Ang Bibliya—Salita ng Diyos o ng Tao?,” maaari ninyong sabihin:

◼ “Tayo’y interesado sa mga bagay na praktikal ngayon, hindi ba? Sasang-ayon ba kayo na magiging praktikal kung matatapos na ang digmaan? [Hayaang magkomento.] Kung matututo ang mga tao na mabuhay nang samasama sa kapayapaan, ito’y magiging isang mabuting pasimula, di ba? [Hayaang sumagot.] Gayon ang aktuwal na inihula ng Bibliya. [Basahin ang Isaias 2:2, 3.] Hindi ba kayo nag-iisip kung papaano at kailan darating ito?” Ipaliwanag na gusto ninyong talakayin nang higit pa ang katanungang ito sa susunod ninyong pagdalaw.

5 Kung nakapag-iwan kayo ng “New World Translation,” maaari ninyong sabihin:

◼ “Sa pagbabasa ng Bibliyang iniwan ko sa inyo, marahil ay napansin ninyong ginagamit nito ang personal na pangalan ng Diyos sa lahat ng bahagi nito. Ito’y isang mahalagang pagsulong kaysa iba pang mga salin ng Bibliya. Bagaman ang ilang mga tao ay waring nag-aatubiling gumamit ng pangalang Jehova, dapat nating ingatan sa isipan na inihayag niya ang kaniyang pangalan noon pa mang una at hinimok niya ang kaniyang mga lingkod na gamitin iyon upang ipakilala siya bilang ang tunay at nabubuhay na Diyos. Pansinin kung ano ang isinulat ng mang-aawit sa Awit 83:18.” Basahin ang kasulatan, at hayaang magkomento ang maybahay. Ayon sa ipinakitang interes, maaari kayong gumamit ng karagdagang impormasyong masusumpungan sa ilalim ng uluhang “Jehova,” simula sa pahina 190 ng aklat na Nangangatuwiran (p. 191 sa Ingles).

6 Ang Bibliya lamang ang naglalaan ng patnubay na kailangan ng tao. (Jer. 10:23) Kaya, masikap nating anyayahan ang iba na makinabang mula sa matalino at praktikal na payo nito.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share