Mga Pulong Ukol sa Paglilingkod sa Disyembre
PANSININ: Kami ay nag-eskedyul ng Pulong Ukol sa Paglilingkod sa bawat linggo sa mga buwan ng kombensiyon. Ang mga kongregasyon ay dapat gumawa ng mga pagbabago dahil sa pagdalo sa isang pandistritong kombensiyon at para sa 30-minutong repaso ng programa sa Pulong Ukol sa Paglilingkod sa susunod na linggo. Ang mga kongregasyon sa Metro Manila ay magnanais na mag-eskedyul ng repasong ito sa pasimula ng buwan, samantalang ang mga kongregasyon sa probinsiya ay gagawa nito pagkatapos ng kanilang mga kombensiyon. Ang repaso ay dapat iatas nang patiuna sa dalawa o tatlong kuwalipikadong mga kapatid na lalake na magtutuon ng pansin sa namumukod-tanging mga punto.
Linggo ng Disyembre 6-12
10 min: Lokal na mga patalastas at Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian.
20 min: “Ang Kahalagahan ng Bibliya sa Daigdig Ngayon.” Pagtalakay sa pagitan ng tagapangasiwa sa paglilingkod at mamamahayag na nagnanais na mapasulong ang kaniyang kakayahan sa gawain sa bahay-bahay. Pagkatapos na isaalang-alang ang parapo 3, hiniling sa mamamahayag na subukan ang mungkahing presentasyon sa tagapangasiwa sa paglilingkod bilang maybahay. Pagkatapos isaalang-alang ang parapo 4, itatanghal ng tagapangasiwa sa paglilingkod ang presentasyon sa mamamahayag.
15 min: “Tulungan ang mga Estudyante sa Bibliya na Maghanda Para sa Kanilang Pag-aaral.” Tanong-sagot. Basahin ang mga parapo habang ipinahihintulot ng panahon.
Awit 52 at pansarang panalangin.
Linggo ng Disyembre 13-19
10 min: Lokal na mga patalastas, lakip ang ulat ng kuwenta.
20 min: “Ang Aklat na Naglalaan ng Tunay na Patnubay.” Tanong-sagot na pagtalakay sa artikulo. Itanghal ang pagdalaw muli na nakabalangkas sa parapo 3.
15 min: “Ang Yearbook—Isang Kabang Yaman ng Pampatibay-Loob.” Pahayag, na ikinakapit ang mga binanggit na kasulatan. Isaayos na ang ilang mamamahayag ay maglahad ng mga karanasang masusumpungan sa pahina 32 ng Enero 1, 1990, Enero 1, 1987, at Enero 1, 1986, mga isyu ng Ang Bantayan.
Awit 165 at pansarang panalangin.
Linggo ng Disyembre 20-26
10 min: Lokal na mga patalastas at Teokratikong mga Balita sa pahina 4.
20 min: “Kayo ba ay Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan?” Talakayin sa tagapakinig. Pagkatapos isaalang-alang ang parapo 4, itanghal kung papaano ilalagay ng mamamahayag sa sariling pananalita ang kasulatan kapag abala ang maybahay. Pasiglahin ang lahat na sundin ang mungkahing ito sa teritoryo kung saan abala ang maraming tao. (2 Tim. 4:2) Pagkatapos ng parapo 6, hilingin sa isang mamamahayag na mahusay sa paggamit sa aklat na Nangangatuwiran na ilahad kung papaano niya ginagamit ito sa pagpapatotoo.
15 min: “Ang Patuloy na Paglawak ay Nagpapalaki sa Pangangailangan Para sa mga Kingdom Hall”—Bahagi 1. Tanong-sagot sa mga parapo 1-10 ng insert.
Awit 108 at pansarang panalangin.
Linggo ng Dis. 27–Ene. 2
10 min: Lokal na mga patalastas. Gayundin, talakayin sa tagapakinig ang “Bagong Programa sa Pansirkitong Asamblea.”
15 min: Paggamit sa Pinakadakilang Tao sa Enero. Pagtalakay sa tagapakinig. Itanong ang gaya ng: Anong ulat sa ministeryo ni Jesus ang nakaakit sa inyo? Ano ang kahalagahan ng aklat na ito sa inyo? Ano ang inyong natutuhan hinggil kay Jehova sa pag-aaral nito? Anong mga punto ang inyong itinampok sa ministeryo? Hayaang itanghal ng makaranasang mamamahayag ang presentasyon ng aklat.
20 min: “Ang Patuloy na Paglawak ay Nagpapalaki sa Pangangailangan Para sa mga Kingdom Hall”—Bahagi 2. Pahayag ng matanda sa mga parapo 11-19 ng insert.
Awit 94 at pansarang panalangin.