Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 12/93 p. 8
  • Ang Kahalagahan ng Bibliya sa Daigdig Ngayon

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Kahalagahan ng Bibliya sa Daigdig Ngayon
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1993
  • Kaparehong Materyal
  • Inirerekumenda ang Salita ng Diyos
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1991
  • Ang Bibliya—Patnubay ng Diyos Para sa Lahat ng Tao
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1997
  • Ilatag ang Pundasyon sa Inyong Unang Pagdalaw
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1992
  • Ang Aklat na Naglalaan ng Tunay na Patnubay
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1993
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1993
km 12/93 p. 8

Ang Kahalagahan ng Bibliya sa Daigdig Ngayon

1 Minamalas ng marami ang Bibliya na lipas na sa panahon at di makatotohanan. Bagaman ito ang pinakamalawak na naipamahaging aklat sa buong kasaysayan, kakaunti ang nagbabasa nito at iilan ang sumusunod sa patnubay nito.

2 Sa kabaligtaran, ating pinahahalagahan ang Bibliya bilang Salita ng Diyos. Ang katibayan ay nagpapakita na ito’y wasto kung tungkol sa kasaysayan. Bukod dito, ang kamangha-manghang pagkakasuwato nito, ang mga hula nito, at ang pagkakaroon nito ng isang matinding puwersa na gumaganyak sa buhay ng mga tao ay katunayang lahat na ang Bibliya ay “kinasihan ng Diyos.” (2 Tim. 3:16) Ang ating pagpapahalaga dito ay dapat magpakilos sa atin na pasiglahin ang iba na suriin ang tunay na kahalagahan nito.

3 Ang isang paglapit ay maaaring:

◼ “Dahilan sa maseselang na suliraning nakaharap sa sangkatauhan, nasusumpungan ng maraming tao na mahirap na maniwala sa Diyos, o pinag-aalinlangan nila ang kakayahan ng Diyos na lutasin ang mga suliraning napapaharap sa atin. Ano ang inyong nadarama hinggil dito? [Hayaang sumagot.] Pansinin ang pamagat ng tract na ito, Kung Bakit Ikaw ay Makapagtitiwala sa Bibliya.” Basahin ang una ay ikalawang parapo sa pahina 2. Kung nagpakita ang maybahay ng interes, maaari ninyong basahin at talakayin ang mga kasulatang binanggit sa ikalawang parapo. Pagkatapos ay makapag-aalok kayo ng aklat na Ang Bibliya—Salita ng Diyos o ng Tao? kasama ng New World Translation, na nagpapakita kung papaano ito nagpapatibay ng pagtitiwala sa Salita ng Diyos.

4 Ang isa pang paglapit ay maaaring gaya nito:

◼ “Di ba kayo sang-ayon na nangangailangan ang sangkatauhan ng patnubay sa pagharap sa mga suliranin ng buhay? [Hayaang sumagot.] Noong una, ang mga tao ay kadalasang tumitingin sa Bibliya para sa patnubay, subalit nagbago na ang panahon. Sa palagay kaya ninyo’y may praktikal na kahalagahan ang Bibliya sa ngayon? [Hayaang sumagot.] Pansinin ang sinasabi ng 2 Timoteo 3:16. [Basahin.] Ang nasusulat na Salita ng Diyos ay hindi lamang tumutulong sa atin na gumawa ng matatalinong mga pagpapasiya kundi naglalaan din ng mapananaligang pag-asa sa hinaharap.” Basahin ang Juan 17:3. Kung mabuti ang pagtugon ng maybahay, ipakita ang isa o dalawang espisipikong punto na inyong pinili mula sa Kabanata 12 ng aklat na Ang Bibliya—Salita ng Diyos o ng Tao? upang ipakita ang praktikal na kahalagahan ng Bibliya.

5 Masusumpungan ninyong nakatutulong na gamitin ang ilang mga pambungad na nakabalangkas sa pahina 10 ng aklat na Nangangatuwiran sa ilalim ng sub-titulong “Bibliya/Diyos.” Karagdagang impormasyon ang iniharap sa mga pahina 60-70 (p. 58-68 sa Ingles) na maaaring makatulong sa pagsagot sa mga katanungan ng maybahay o upang mapagtagumpayan ang kanilang mga pagtutol.

6 Pag-aalok ng New World Translation: Maaari ninyong itanong kung ang maybahay ay may kopya na ng Bibliya at kung nakita niyang madaling basahin iyon. Depende sa sagot, banggitin ang ilang nakatutulong na bahagi ng New World Translation. Maaari ninyong itampok ang isa o dalawang punto sa mga pahina 254-7 ng aklat na Nangangatuwiran (p. 276-80 sa Ingles).

7 Maging alisto upang pasiglahin ang mga tao na basahin ang Bibliya. Sa pamamagitan ng pagkakapit ng mga simulaing ito sa kanilang personal na buhay, sila’y magtatamasa ng maraming kapakinabangan kapuwa ngayon at sa hinaharap.—Awit 119:105.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share