Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 11/94 p. 2
  • Mga Pulong Ukol sa Paglilingkod sa Nobyembre

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Pulong Ukol sa Paglilingkod sa Nobyembre
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1994
  • Subtitulo
  • Linggo ng Nobyembre 7-13
  • Linggo ng Nobyembre 14-20
  • Linggo ng Nobyembre 21-27
  • Linggo ng Nob. 28–Dis. 4
Ating Ministeryo sa Kaharian—1994
km 11/94 p. 2

Mga Pulong Ukol sa Paglilingkod sa Nobyembre

Linggo ng Nobyembre 7-13

Awit 4

10 min: Lokal na mga patalastas at Mga Patalastas sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Banggitin ang isa o dalawang litaw na punto sa bawat pinakabagong magasin na maaaring gamitin sa pag-aalok ng mga ito.

18 min: “May Kapangyarihan ang Salita ng Diyos.” Tanong-sagot. Ilakip ang mga komento sa kahalagahan ng regular na pagbabasa ng Bibliya batay sa pangunang salita sa Pagsusuri sa Kasulatan Araw-araw—1994.

17 min: “Ang Bibliya—Bukal ng Kaaliwan at Pag-asa sa Isang Magulong Sanlibutan.” Talakayin sa tagapakinig. Isaayos ang dalawang demonstrasyon na nagpapakita kung papaano gagamitin ang mungkahing mga presentasyon.

Awit 24 at pansarang panalangin.

Linggo ng Nobyembre 14-20

Awit 25

10 min: Lokal na mga patalastas. Basahin ang ulat ng kuwenta at anumang tugon sa donasyon.

17 min: “Anong Uri ng Espiritu ang Ipinakikita Ninyo?” Isang pahayag. Ilakip ang mga komento mula sa Hunyo 15, 1977, isyu ng The Watchtower, pahina 369, parapo 4 at 5.

18 min: “Mga Paraan Upang Pasulungin ang Ating Pangangaral ng Kaharian.” Tanong-sagot. Anyayahan ang tagapakinig na maglahad ng mga karanasan na nagpapakita kung papaanong ang mga mungkahing ibinigay sa Ating Ministeryo sa Kaharian ay ginamit taglay ang mabubuting resulta.

Awit 37 at pansarang panalangin.

Linggo ng Nobyembre 21-27

Awit 40

5 min: Lokal na mga patalastas.

23 min: “1994 ‘Maka-Diyos na Takot’ na Pandistritong Kombensiyon.” Insert. Tanong-sagot sa mga parapo 1-10 na pangangasiwaan ng isang matanda. Partikular na itawag-pansin ang “Mga Paalaala sa Pandistritong Kombensiyon.”

17 min: “Tulungan Silang Makinig ‘sa Iba Pang Pagkakataon.’” Talakayin sa tagapakinig. Magkaroon ng dalawang inihandang mabuting demonstrasyon na nagpapakita kung papaanong ang Bibliya ay magagamit kapag nagpapasimula ng isang pag-aaral.

Awit 52 at pansarang panalangin.

Linggo ng Nob. 28–Dis. 4

Awit 58

5 min: Lokal na mga patalastas. Teokratikong mga Balita.

12 min: “Mga Pagpapala na Nagmumula sa Paggawang Kasama ng Iba.” Tanong-sagot. Pasiglahin ang lahat na suportahan ang mga pagtitipon bago maglingkod sa larangan sa halip na laging gumawang nag-iisa. Ang paggawa kasama ng grupo ay nagbubunga ng dagdag na mga pagpapala, higit na mabisang paglilingkod, at pagpapatibayan sa isa’t isa.

18 min: “1994 ‘Maka-Diyos na Takot’ na Pandistritong Kombensiyon.” Insert. Pahayag sa mga parapo 11-22, na pangangasiwaan ng kalihim ng kongregasyon.

10 min: Pag-aalok ng Aklat na Pinakadakilang Tao sa Disyembre. Malaki ang pangangailangan para sa aklat na ito. Kailangang malaman ng mga tao kung ano ang nagbubukod kay Jesus sa lahat ng iba pang mga tao—ang kanilang kaligtasan ay nakasalalay dito. Ang aklat na Pinakadakilang Tao, kabanata 133, ay nagsasabi: “Napupukaw ang ating mga puso kapag isinasaalang-alang natin ang kaniyang kahanga-hangang tibay ng loob at pagkalalaki, ang kaniyang walang-kapantay na karunungan, ang kaniyang napakahusay na kakayahan bilang isang guro, ang kaniyang walang-takot na pangunguna, at ang kaniyang mapagmahal na awa at empatiya.” Itanghal ng may kakayahang mamamahayag kung papaano iaalok ang aklat na ginagamit ang mga puntong ito. Pasiglahin ang lahat upang ialok ito sa Disyembre.

Awit 61 at pansarang panalangin.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share