Paalaala sa Kalihim at sa Tagapangasiwa sa Paglilingkod
May patalastas sa isyu ng Pebrero ng Ating Ministeryo sa Kaharian bawat taon na nagsasabi sa kalihim at sa tagapangasiwa sa paglilingkod na “repasuhin ang gawain ng lahat ng mga regular pioneer.” Ang mga ulat mula sa naglalakbay na mga tagapangasiwa ay nagpapakita na sa maraming kongregasyon ito ay hindi isinasagawa. Ano ang layunin ng pagrerepasong ito? Ito ay upang malaman kung sino ang nangangailangan ng tulong upang maabot ang kahilingan sa oras bago matapos ang taon ng paglilingkod.
Ang mga regular pioneer ay hinihilingang gumugol ng 1,000 oras bawat taon sa ministeryo. Sa katapusan ng Pebrero, nasusumpungan ng ilang payunir na sila’y nagkukulang sa kahilingan sa oras, at ito’y maaaring nakasisira ng loob. Ang mga matatanda ay maaaring makatulong sa mga payunir, na nagbibigay sa kanila ng praktikal na mga mungkahi kung papaano nila maaabot ang kahilingan sa kanila.
Pahahalagahan ng mga payunir ang napapanahong tulong na ito, na makatutulong sa kanila na maging kuwalipikadong makapanatili sa paglilingkod bilang payunir.