Mga Pulong Ukol sa Paglilingkod sa Mayo
Linggo ng Mayo 1-7
10 min: Lokal na mga patalastas at Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian.
15 min: “Mabuting Balita Para sa mga Maamo.” Talakayin ang artikulo sa tagapakinig, at pagkatapos ay itanghal ang isa o dalawang presentasyon.
20 min: “Isang Pantanging Kingdom News para sa Lahat.” Tanong-sagot ng tagapangasiwa sa paglilingkod. Repasuhin kung ano na ang naisagawa sa pamamahagi ng Kingdom News. Pasiglahin ang lahat na gumawa ng mga pagdalaw-muli sa layuning magpasimula ng mga pag-aaral. Itanghal ang mungkahing presentasyon.
Awit 55 at pansarang panalangin.
Linggo ng Mayo 8-14
15 min: Lokal na mga patalastas, gayon din ang “Magtamasa ng Mabubuting Karanasan!”
15 min: Lokal na mga pangangailangan. O isang pahayag sa artikulong “Kung Papaano Haharapin ng mga Kristiyano ang Pagbatikos ng Publiko” sa Ang Bantayan ng Abril 1, 1995, mga pahina 26-9.
15 min: “Bakit Mag-iingat ng Isang Rekord ng mga Wala-sa-Tahanan?” Tanong-sagot.
Awit 60 at pansarang panalangin.
Linggo ng Mayo 15-21
10 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta.
15 min: “Pagsunod sa Ating Huwaran Bilang mga Tagapagdala ng Liwanag.” Tanong-sagot.
20 min: “Simplipikasyon ng 1995 Pandistritong Kombensiyon.” Pahayag ng punong tagapangasiwa sa mga parapo 1-8.
Awit 74 at pansarang panalangin.
Linggo ng Mayo 22-28
10 min: Lokal na mga patalastas.
15 min: “Ang Pagtatatak na Nagdadala ng Kaligtasan.” Pagtalakay sa tagapakinig. Ilakip ang isa o dalawang demonstrasyon upang ipakita kung papaano maisasagawa ang mga pagdalaw-muli.
20 min: “Simplipikasyon ng 1995 Pandistritong Kombensiyon.” Tanong-sagot na pagsaklaw ng mga parapo 9-19.
Awit 74 at pansarang panalangin.
Linggo ng Mayo 29–Hunyo 4
10 min: Lokal na mga patalastas.
15 min: “Tanong.” Tanong-sagot.
20 min: Ialok ang Aklat na Creation sa Hunyo. Ilahad ang mga ginawang kapahayagan ng mga taong interesado na humanga sa aklat na Creation. (Tingnan Ang Watchtower, Marso 15, 1987, pahina 32; Mayo 1, 1986, pahina 32; Setyembre 1, 1986, pahina 31.) Ipakita ang mga ilustrasyon sa mga pahina 6, 236-7, 243, at 245, at ipakita kung papaano makatutulong ang mga ito upang mapasimulan ang usapan. Itanghal ng may kakayahang mamamahayag ang isang presentasyon na nagpapaliwanag sa pagpili na kailangang gawin ng bawat isa upang tamuhin ang buhay na walang hanggan, na ginagamit ang mga punto at kasulatan sa mga pahina 250-1.
Awit 63 at pansarang panalangin.