Mga Pulong Ukol sa Paglilingkod sa Hunyo
Linggo ng Hunyo 5-11
10 min: Lokal na mga patalastas at piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian.
15 min: “Si Jehova ang Nagbibigay ng Kapangyarihan.” Tanong-sagot. Ilahad ang karanasan sa Pebrero 1, 1992, Bantayan, pahina 32.
20 min: “Si Jehova Ang Ating Maylikha.” Talakayin sa tagapakinig. Magkaroon ng dalawang demonstrasyon na nagpapakita kung papaano gagamitin ang iminungkahing mga presentasyon. Ilakip ang ilang maikling mungkahi kung papaano gagawa ng isang pagdalaw-muli, bilang pagsubaybay sa naisakamay na Kingdom News na ipinamahagi nong Abril at Mayo.
Awit 17 at pansarang panalangin.
Linggo ng Hunyo 12-18
10 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta.
17 min: “Si Kristo Bilang Isang Modelo Para sa mga Kabataan.” Tanong-sagot. Ilakip ang ilang komento sa paksang ito mula sa Setyembre 1, 1986, Bantayan, mga pahina 4-6.
18 min: “Tulungan Yaong mga Walang Pananampalataya.” Rerepasuhin ng konduktor sa Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat ang artikulo sa dalawa o tatlong mamamahayag at pagkatapos ay tatalakayin kung papaanong gagamitin ang materyal. Sila’y nag-eensayo sa pamamagitan ng paghaharap ng kanilang presentasyon sa isa’t isa.
Awit 122 at pansarang panalangin.
Linggo ng Hunyo 19-25
10 min: Lokal na mga patalastas.
18 min: Ipagkaloob ang Pagkilala sa Iba. Pahayag ng isang matanda, salig sa Disyembre 1, 1994, Bantayan, mga pahina 28-30. Idiin ang pangangailangang magpakita ng dangal at maibiging pagkabahala sa iba sa kongregasyon.
17 min: “Gamiting Mabuti ang Inyong Panahon.” Tanong-sagot. Hinggil sa panahong ginagamit sa panonood ng TV, repasuhin ang mga mungkahi sa ilalim ng subtitulong “Pagsupil,” sa pahina 11 ng Mayo 22, 1991, Gumising!
Awit 208 at pansarang panalangin.
Linggo ng Hunyo 26-Hulyo 2
15 min: Lokal na mga patalastas. Talakayin sa maikli ang kahalagahan ng paggawa ng mga pagdalaw-muli: Ang pangunahing bahagi ng ating gawaing pagtuturo ay ginagawa kapag tayo ay bumabalik upang linangin ang interes. Iilang tao ang maaaring sumulong sa espirituwal sa pamamagitan lamang ng literatura. Kapag hindi tayo dumadalaw-muli, nawawalan tayo ng pinakamainam na pagkakataon upang tulungan sila. Ang mga pagdalaw-muli ay nagbubunga ng mga pag-aaral sa Bibliya. Maraming mamamahayag ang nagtatamo ng pinakamabubuting bunga sa pamamagitan ng pagdalaw-muli sa loob ng isa o dalawang araw sa halip na maghintay ng isang linggo.—Tingnan ang aklat na Ating Ministeryo, mga pahina 88-9.
12 min: “Tanong.” Tanong-sagot. Magbigay ng karagdagang mga komento salig sa Giya sa Paaralan, mga pahina 91-2.
18 min: Repasuhin ang alok na literatura sa Hulyo. Talakayin ang tampok na mga katangian ng mga brosyur na nasa stock ng kongregasyon. Itanghal sa maikli ng mga mamamahayag kung papaano nila iaalok ang mga ito sa pintuan. Mga halimbawa: Talaga Bang Minamahal Tayo ng Diyos? (Bumaling sa mga pahina 26-7, ipakita ang mga ilustrasyon, at talakayin ang isa sa mga kasulatan hinggil sa dumarating na Paraiso.) Ano ang Layunin ng Buhay? (Bumaling sa mga pahina 30-1, isaalang-alang ang isang siniping kasulatan, at talakayin ang ilustrasyon.) Kapag Namatay ang Iyong Minamahal. (Itawag-pansin ang mga katanungang ibinangon sa pahina 2, at komentuhan ang isa o dalawang nakaaaliw na maka-Kasulatang punto na masusumpungan sa pahina 31.) Hayaang malaman ng kongregasyon kung anong mga brosyur ang nasa stock sa kasalukuyan.
Awit 225 at pansarang panalangin.