Mga Pulong sa Paglilingkod sa Setyembre
Linggo ng Setyembre 2-8
12 min: Lokal na mga patalastas at Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Repasuhin ang mga tampok na bahagi ng artikulong “Pag-aaral sa Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman” sa Enero 1993 ng Ating Ministeryo sa Kaharian.
15 min: “Lumakad sa Pamamagitan ng Pananampalataya.” Tanong-sagot.
18 min: “Paghaharap ng Mabuting Balita Taglay ang Positibong Saloobin.” Pagkatapos ng maikling komento sa parapo 1, saklawin ang mga parapo 2-5 ng artikulo. Itanghal ang mga presentasyon kapuwa sa unang pagdalaw at sa pagdalaw-muli.
Awit 48 at pansarang panalangin.
Linggo ng Setyembre 9-15
12 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta. Talakayin ang “Ipangaral ang Kaharian.”
18 min: Repasuhin ang Ulat ng Kongregasyon sa 1996 Taon ng Paglilingkod. Nakapagpapatibay na pahayag ng tagapangasiwa sa paglilingkod. (Tingnan ang aklat na Ating Ministeryo, pahina 100-2.) Magbigay ng komendasyon kung saan nakagawa ng mabuti ang kongregasyon. Ipakita kung paanong malaki ang nagawa ng mga regular at auxiliary pioneer upang mapasulong ang gawain sa lokal na paraan. Banggitin ang bilang ng mga dumadalo sa pulong, na idiniriin ang kahalagahan ng regular na pagdalo. Balangkasin ang praktikal na mga tunguhin ng kongregasyon sa susunod na taon.
15 min: “Paghaharap ng Mabuting Balita Taglay ang Positibong Saloobin.” Repasuhin ang parapo 6-8 lamang, at itanghal ang mga presentasyon sa mga tindahan.
Awit 123 at pansarang panalangin.
Linggo ng Setyembre 16-22
15 min: Lokal na mga patalastas. Talakayin ang “ ‘Mga Mensahero ng Maka-Diyos na Kapayapaan’ na Pandistritong Kombensiyon” at pasiglahin ang lahat na maghanda upang makadalo.
15 min: “Maging Halimbawa sa Pagsasalita at sa Paggawi.” Tanong-sagot.
15 min: Kristiyanong Paggawi sa Paaralan. Ang ama ay nakipag-usap sa kaniyang anak na lalaki o babae upang ipakita ang mapanganib na patibong sa kapaligiran ng paaralan; idiniin niya ang pangangailangang bantayan ang pakikisama at iwasan ang nakapagdududang mga gawain. Kaniyang nirepaso ang kahon sa pahina 24 ng brosyur na Edukasyon at ipinaliwanag ang pangangailangan na magbigay ng mabuting halimbawa bilang isang Saksi. Binanggit ng ama ang ilang mga tukso na lumilitaw may kinalaman sa paggamit ng droga, pakikipag-date, pagdalo sa sosyal na mga pagtitipon, o pakikibahagi sa mga palakasan. Pinasigla ng ama ang kabataan na huwag mag-atubiling magtapat sa kaniya kapag nagkakaroon ng problema—nais niyang malaman upang makatulong.
Awit 32 at pansarang panalangin.
Linggo ng Setyembre 23-29
5 min: Lokal na mga patalastas.
20 min: Lokal na pangangailangan. (O isang pahayag salig sa “Laging Ihagis ang Iyong Pasanin kay Jehova” sa Abril 1, 1996, Bantayan, pahina 27-30.)
20 min: “Ipangaral ang Mabuting Balita Kahit Saan.” Tanong-sagot. Saklawin ang mga parapo 1-15. Basahin ang parapo 3 at 5. Ilakip ang lokal na mga karanasan.
Awit 215 at pansarang panalangin.
Linggo ng Set. 30–Okt. 6
12 min: Lokal na mga patalastas. Talakayin ang “Tanong.”
20 min: “Ipangaral ang Mabuting Balita Kahit Saan.” Tanong-sagot. Saklawin ang mga parapo 16-35. Itanghal ang mga parapo 23-5. Basahin ang mga parapo 34-5.
13 min: Repasuhin ang Alok na Literatura sa Oktubre. Ating iaalok ang mga suskrisyon sa Ang Bantayan at Gumising! Talakayin: (1) Layunin ng mga magasin. (2) Bilang ng wikang pinaglimbagan. (3) Ang Bantayan ay dinisenyo para sa personal at pampamilyang pag-aaral. (4) Ang mga tao mula sa iba’t ibang relihiyon ay bumabasa ng mga ito. (5) Ang mga ito ay pantanging dinisenyo para sa mga taong abala. (6) Ang Bantayan ay inilimbag noon pang 1879; Gumising! noon pang 1919.
Awit 3 at pansarang panalangin.