Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 11/97 p. 2
  • Mga Pulong sa Paglilingkod sa Nobyembre

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Pulong sa Paglilingkod sa Nobyembre
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1997
  • Subtitulo
  • Linggo ng Nobyembre 3-9
  • Linggo ng Nobyembre 10-16
  • Linggo ng Nobyembre 17-23
  • Linggo ng Nobyembre 24-30
Ating Ministeryo sa Kaharian—1997
km 11/97 p. 2

Mga Pulong sa Paglilingkod sa Nobyembre

Linggo ng Nobyembre 3-9

Awit 48

10 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas sa Ating Ministeryo sa Kaharian. “Mabuting Balita na Nasa Internet.” Komentuhan ang ulat ng bansa at ng lokal na kongregasyon sa paglilingkod sa larangan sa Agosto.

15 min: “Ang Malaking Pintuan Tungo sa Gawain ay Bukas.” Pahayag ng isang matanda, lakip na ang pagtalakay sa tagapakinig. Pasiglahin ang lahat ng nasa kalagayan na abutin ang higit na malaking bahagi sa gawaing pangangaral. Ilakip ang ilang payong ibinigay sa Agosto 15, 1988, Bantayan, pahina 22.

20 min: “Subaybayan ang Interes sa Kingdom News.” Tanong-sagot. Itanghal ang mga presentasyon sa parapo 6. Sa isa sa mga ito, ipakita na ang isang pag-aaral sa Bibliya ay pinasisimulan.

Awit 144 at pansarang panalangin.

Linggo ng Nobyembre 10-16

Awit 51

7 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta. Ipabatid sa kongregasyon kung ano pa ang natitirang teritoryo na kukubrehan ng Kingdom News Blg. 35. Pasiglahin ang lahat na magkaroon ng lubusang bahagi sa huling sanlinggo ng pantanging kampanyang ito.

23 min: “1997 ‘Pananampalataya sa Salita ng Diyos’ na Pandistritong Kombensiyon.” (Parapo 1-13) Tanong-sagot. Basahin ang parapo 8, 10, at 13. Idiin ang maka-Kasulatang kahalagahan ng maingat na pagpapanatili ng ating mahinhing anyo at paggawi bilang Kristiyano at ng wastong pangangasiwa sa ating mga anak.

15 min: “Abutin ang mga Di-sumasampalatayang Kabiyak.” Pag-uusap sa pagitan ng dalawang matanda na nababahala kung paano higit na makikilala nang personal ang mga di-sumasampalatayang kabiyak. Isinaalang-alang din nila ang mga mungkahing ibinigay sa Mayo 15, 1989, Bantayan, pahina 17-18, parapo 6-9. Ilakip ang mga karanasan mula sa Oktubre 1, 1995, Bantayan, pahina 10-11, parapo 11-12.

Awit 148 at pansarang panalangin.

Linggo ng Nobyembre 17-23

Awit 53

10 min: Lokal na mga patalastas. Balangkasin ang pantanging mga kaayusan sa paglilingkod sa larangan para sa Nobyembre 27. Ibahagi ang ilang lokal na mga karanasan sa kampanya ng Kingdom News Blg. 35.

20 min: “1997 ‘Pananampalataya sa Salita ng Diyos’ na Pandistritong Kombensiyon.” (Parapo 14-21) Tanong-sagot. Basahin ang parapo 14 at ang binanggit na mga kasulatan. Idiin ang pangangailangan para sa kaayusan at konsiderasyon sa iba, lalo na ang may kinalaman sa upuan. Magtapos sa pamamagitan ng maikling pahayag na nirerepaso ang “Mga Paalaala sa Pandistritong Kombensiyon.”

15 min: “Ano ang Sasabihin Ko?” Pagtalakay sa tagapakinig. Basahin ang unang parapo sa pahina 8 ng aklat na Nangangatuwiran, na ipinaliliwanag kung paanong ang aklat ay dinisenyo upang tulungan tayong maging mabisa sa pagpapatotoo sa iba’t ibang paksa ng Bibliya. Ipakita ito sa pamamagitan ng isa o dalawang pagtatanghal na inihandang mabuti.

Awit 151 at pansarang panalangin.

Linggo ng Nobyembre 24-30

Awit 56

8 min: Lokal na mga patalastas.

15 min: Mabuting Asal sa Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat. Pinahahalagahan natin ang pagkamapagpatuloy ng mga pamilya na nagpapagamit sa kanilang tahanan para sa pag-aaral ng aklat. Maaaring ito’y mangahulugan ng malaking paghahanda at kaabalahan. Kapag dumadalo, dapat tayong magpakita ng mabuting asal at magpakita ng paggalang at konsiderasyon, kasali rito ang mga sumusunod: (1) Dapat nating ipahid na mabuti ang paa bago pumasok, upang hindi marumihan ang sahig. (2) Dapat pangasiwaang mabuti ng mga magulang ang kanilang mga anak, na tinitiyak na sila’y tahimik at nananatili doon lamang sa lugar ng tahanan na nakalaan para sa pag-aaral ng aklat. (3) Bagaman ang grupo ay maaaring maliit at ang kapaligiran ay waring impormal, ito ay isang pulong ng kongregasyon anupat dapat na tayo’y manamit tulad nang tayo’y nagtutungo sa Kingdom Hall. (4) Ang asosasyon pagkatapos ng pulong ay dapat na gawing maikli bilang konsiderasyon sa maybahay. (5) Bagaman ang maybahay kung saan idinaraos ang pag-aaral ay maaaring maghanda paminsan-minsan ng kaunting meryenda pagkatapos ng pag-aaral, dapat unawain ng lahat na ang gayon ay hindi dapat asahan o hilingin.

22 min: Gumawa ng mga Alagad, Turuan Sila. Pangangasiwaan ng matanda ang pag-uusap kasama ng isang grupo ng tatlo o apat na mamamahayag, na sinasagot ang mga tanong salig sa aklat na Ating Ministeryo, pahina 88-92: (1) Bakit ang paggawa ng mga pagdalaw-muli ay mahalaga sa isang mabisang ministeryo? Paano haharapin ng isa ang hamon ng pagdalaw-muli? (2) Bakit masyado nating idiniriin ang hinggil sa pagpapasimula ng mga pag-aaral sa Bibliya? Paano tayo magiging bihasa sa pagdaraos ng mga pag-aaral? (3) Bakit mahalaga na akayin ang mga estudyante sa organisasyon? Paano natin magagawa ito? Inilahad din ng grupo kung paanong ang mga kamakailang insert ng Ating Ministeryo sa Kaharian ng Hunyo 1996 at Marso at Abril 1997 ay nakatulong sa kanila sa mga bagay na ito.

Awit 160 at pansarang panalangin.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share