Mga Pulong sa Paglilingkod sa Agosto
Linggo ng Agosto 2
10 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Komentuhan ang ulat ng paglilingkod sa larangan sa Abril para sa bansa at para sa lokal na kongregasyon.
17 min: “Lubhang Pahalagahan ang Magandang Pangalan ni Jehova.” Tanong-sagot na pagtalakay. Itampok ang binanggit na mga kasulatan.—Tingnan ang aklat na Mabuhay Magpakailanman, pahina 184-5.
18 min: “Ang Sekular na Edukasyon at ang Iyong Espirituwal na mga Tunguhin.” Tatalakayin ng isang ama ang artikulo sa kaniyang anak na lalaki o babae. Rerepasuhin din nila ang kaugnay na materyal sa Disyembre 22, 1995, Gumising!, pahina 7-11.
Awit 148 at pansarang panalangin.
Linggo ng Agosto 9
8 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta.
12 min: Pagtulong ng mga Payunir sa Iba—Anong Pagsulong ang Nagawa na? Pahayag at mga panayam na pangangasiwaan ng tagapangasiwa sa paglilingkod. Repasuhin ang tagubiling ibinigay sa Setyembre 1998 ng Ating Ministeryo sa Kaharian, pahina 4. Ilahad kung paano ito inorganisa sa lokal, at sabihin ang pagsulong na nagawa hanggang sa kasalukuyan ng mga tinulungan. Kapanayamin ang isa o dalawang payunir at ilang mamamahayag na nakinabang mula sa kanilang tulong. Pasiglahin ang mga susunod na tutulungan na samantalahin nang lubusan ang paglalaang ito.
25 min: “Bukás Na ba sa Inyo Ngayon ang Pintuan sa Pagpapayunir?” Tanong-sagot na pagtalakay na pangangasiwaan ng isang matanda. Kapanayamin ang mga payunir na makapaglalahad kung paano nila hinarap ang mga hadlang at napagtagumpayan ang mga ito. Suriin ang “Mga Halimbawang Iskedyul ng Regular Pioneer,” na idiniriin kung paanong sa pamamagitan ng mabuting pagpaplano ay maaabot ang kahilingan sa oras. Ipatalastas na sinumang nagnanais magkaroon ng aplikasyon sa pagpapayunir ay maaaring kumuha nito pagkatapos ng pulong.
Awit 202 at pansarang panalangin.
Linggo ng Agosto 16
10 min: Lokal na mga patalastas.
15 min: “Ang Pagharap sa Hamon ng Ministeryo.” Tanong-sagot. Para sa karagdagang punto, bumaling sa Ang Bantayan, Hulyo 15, 1988, pahina 18 at 19.
20 min: Kayo ba’y Nagkakaroon ng Bahagi sa Paggawa ng mga Alagad? Pagtalakay sa tagapakinig. Dahilan sa malaking bilang ng literaturang naipasasakamay, dapat na maging tunguhin natin ang magsimula ng mga pag-aaral sa Bibliya upang matulungan natin ang mga tao na makinabang mula sa tinanggap nilang mga publikasyon. Pagkomentuhin ang mga mamamahayag sa mga problemang nakahahadlang sa kanila sa pagdaraos ng higit pang pag-aaral: (1) Mahirap makasumpong ng mga taong nagnanais makipag-aral. (2) Ang ilang tao na nagpakita ng interes ay nagsasabi na sila’y masyadong abala upang makipag-aral. (3) Matapos simulan ang isang pag-aaral, mahirap nang masumpungan ang tao sa tahanan upang ipagpatuloy ang pag-aaral nang regular. Gayundin, talakayin ang maaaring nadarama ng ilang mamamahayag hinggil sa gawain ng pag-aaral sa Bibliya: (1) ‘Sa palagay ko’y hindi ako kuwalipikado bilang isang guro.’ (2) ‘Wala akong panahong magdaos ng lingguhang pag-aaral.’ (3) ‘Atubili akong magkaroon ng obligasyon sa ibang tao.’ (4) ‘Nasisiyahan na ako sa pakikibahagi sa ibang larangan ng ministeryo.’ Magbigay ng mga positibong mungkahi kung paano mapagtatagumpayan ang mga hadlang na ito upang personal na makabahagi sa gawaing paggawa ng alagad. Ipalahad sa matagumpay na mga mamamahayag ang kagalakang naranasan nila sa gawain ng pag-aaral sa Bibliya.—Tingnan ang insert ng Abril 1998 ng Ating Ministeryo sa Kaharian, parapo 3-8, 15.
Awit 100 at pansarang panalangin.
Linggo ng Agosto 23
10 min: Lokal na mga patalastas.
15 min: Tulungan ang mga Baguhang Interesado na Pahalagahan ang Kabanalan ng Pag-aasawa. Pangungunahan ng matanda ang pagtalakay sa tagapakinig salig sa aklat na Nangangatuwiran, pahina 262-3 [p. 248-50 sa Ingles]. May natatagpuan tayong mga mag-asawa na tumutugon sa mensahe ng Kaharian subalit mabagal sa pagsulong dahil sa sila’y nagsasama nang hindi kasal. Talakayin kung paano sila tutulungan upang maunawaan kung bakit dapat itaguyod ng mga Kristiyano ang marangal na pag-aasawa. (Tingnan ang Enero 8, 1992, Gumising!, pahina 26-7.) Kung ang mag-asawa ay puwede nang magpakasal-muli ayon sa Kasulatan subalit mayroong legal na hadlang at walang diborsiyo, ipaliwanag kung paanong ang isang Declaration Pledging Faithfulness ay maaaring gawin sa kongregasyon hanggang sa panahong magawang legal ang pag-aasawa.—Tingnan ang The Watchtower, Marso 15, 1977, pahina 182-5; Pebrero 15, 1987, pahina 31; Tunay na Kapayapaan at Katiwasayan, pahina 148.
20 min: “Ano ang Sasabihin Mo sa Isang Budista?” Tanong-sagot. Kadalasan ay nag-iisip tayo kung ano ang sasabihin kapag nakasumpong tayo ng mga tao sa teritoryo na ang relihiyon ay hindi Kristiyano at may mga ideya, gawain, at ritwal na hindi pamilyar sa atin. Ang artikulong ito ang pasimula ng limang-bahaging serye hinggil sa paksang ito. Itanghal ang isang presentasyon na mabuti ang pagkakahanda. Para sa higit pang impormasyon sa Budismo, tingnan ang aklat na Nangangatuwiran, pahina 20 at 21 (p. 21 sa Ingles) at Paghahanap ng Tao sa Diyos, kabanata 6.
Awit 133 at pansarang panalangin.
Linggo ng Agosto 30
10 min: Lokal na mga patalastas. Ipaalaala sa lahat na ibigay ang kanilang mga ulat ng paglilingkod sa larangan para sa Agosto.
17 min: Iniibig Natin ang Ating mga Kapatid. Pahayag ng isang matanda, lakip na ang pagtalakay sa tagapakinig salig sa Disyembre 1, 1995, Bantayan, pahina 15-17, parapo 7-11. Anyayahan ang tagapakinig na maglahad ng mga karanasan na nagpapakita kung paano sila naginhawahan at napalakas ng maibiging pampasigla mula sa iba.
18 min: Magbigay ng Katuwiran sa Inyong Pag-asa. Kakapanayamin ng isang matanda ang isa o dalawang huwarang tin-edyer na pumapasok sa pampublikong paaralan. Sila’y laging tinatanong ng makasanlibutang mga kasing-edad kung bakit hindi sila sumasali sa kanilang mga gawain. Bagaman sinasamantala ang gayong mga pagkakataong makapagpaliwanag hinggil sa kanilang salig-sa-Bibliyang mga paniniwala, ang ating mga kabataan ay kailangang maging matatag sa kanilang paninindigan. Tatalakayin ng grupo kung ano ang kanilang gagawin kapag inalok sila ng sigarilyo o ng droga. Repasuhin ang pangangatuwirang iniharap sa aklat na Mga Tanong ng mga Kabataan, pahina 277-81. Ipaliwanag kung paanong ang pagtatanggol nila sa kanilang kapasiyahang gawin kung ano ang tama ay nagsisilbing isang proteksiyon at nagbibigay ng isang mabuting patotoo.
Awit 129 at pansarang panalangin.