Mga Pulong sa Paglilingkod sa Setyembre
Linggo ng Setyembre 6
10 min: Lokal na mga patalastas at Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Ilakip ang “ ‘Makahulang Salita ng Diyos’ na mga Pandistritong Kombensiyon.”
17 min: “Gumagawa ba Kayo Nang May Layunin?” Tanong-sagot. Ilakip ang mga komento sa aklat na Ating Ministeryo, pahina 88-9.
18 min: “Mga Magulang—Magbigay ng Mabuting Halimbawa sa Inyong mga Anak.” Pagtalakay sa artikulo ng dalawang kapatid na lalaki na pawang mga magulang. Sila’y nagpapahayag ng pagkabahala kung paano maiingatan ang kanilang mga anak mula sa masasamang ugali na nakalantad sa kanila sa paaralan, sa telebisyon, at sa di-Saksing mga kamag-anak at iba pa. Isasaalang-alang ng mga kapatid ang pag-uugali na walang-galang, makasanlibutang pananalita at pag-aayos, at ang di-mabuting paglilibang. Pagkatapos na pag-isipan ang pangangailangang magbigay ng isang mabuting halimbawa, pinag-usapan nila ang mga paraan upang higit na mapasigla ang pampamilyang pag-aaral, ang mga pulong sa kongregasyon, at ang paglilingkod sa larangan.—Tingnan ang Hulyo 1, 1999, Bantayan, pahina 8-22, at Setyembre 22, 1991, Gumising!, pahina 8-9.
Awit 101 at pansarang panalangin.
Linggo ng Setyembre 13
10 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta.
15 min: Kumusta Tayo Noong Nakaraang Taon? Isang pahayag ng tagapangasiwa sa paglilingkod. Repasuhin ang mga tampok na bahagi mula sa ulat ng kongregasyon sa 1999 taon ng paglilingkod. Magbigay ng komendasyon sa pagsulong na nagawa. Magtuon ng pansin lalo na sa pagdalo sa pulong at mga pantahanang pag-aaral sa Bibliya. Balangkasin ang mga praktikal na tunguhin sa dumarating na taon.
20 min: “Ano ang Sasabihin Ninyo sa Isang Hindu?” Tanong-sagot. Ipakita kung paanong ang mga iminungkahing presentasyon ay maaaring baguhin upang magpatotoo sa mga tao anuman ang kanilang relihiyon. Itanghal ang isang inihandang mabuting presentasyon ng pagpapatotoo sa isang Hindu. Para sa karagdagan pang impormasyon sa Hinduismo, tingnan ang aklat na Nangangatuwiran, pahina 21, 22 (p. 22 sa Ingles) at Ang Paghahanap ng Tao sa Diyos, kabanata 5.
Awit 140 at pansarang panalangin.
Linggo ng Setyembre 20
12 min: Lokal na mga patalastas
15 min: Lokal na mga pangangailangan.
18 min: Gamiting Mabuti ang Aklat na Creator. Pahayag at mga pagtatanghal. Ang Abril 1999 ng Ating Ministeryo sa Kaharian ay nagpaliwanag na ang aklat na Creator ay maaaring ialok kailanma’t may masumpungan tayong mga tao na (1) hindi naniniwala sa Diyos o (2) naniniwala sa Diyos subalit walang tunay na ideya kung sino siya o ano ang kaniyang mga katangian at mga layunin. Ang mga tanong at mga komento sa takip sa likod ay maaaring gamitin upang antigin ang interes sa pagbabasa ng aklat. O ang pahina 152 ay maaaring gamitin nang mabisa. Ang isang mamamahayag ay maaaring magtanong: “Saan tayo makasusumpong ng pinakamabuting payo kung paano lulutasin ang pinakamahihirap nating suliranin?” Maaaring ipakita niya sa tao kung paano pinuri ng kilalang mga awtoridad ang Sermon ni Jesus sa Bundok, hilinging pumili siya ng isa sa pitong itinampok na punto na pumukaw ng kaniyang interes, at pagkatapos ay basahin ang ilan sa mga binanggit na talata. Itanghal ang dalawang mungkahing ito.
Awit 175 at pansarang panalangin.
Linggo ng Setyembre 27
15 min: Lokal na mga patalastas. Repasuhin ang ilan sa mga mungkahi sa Oktubre 1996 ng Ating Ministeryo sa Kaharian, pahina 8, hinggil sa kung paano ihahanda ang mga presentasyon sa magasin na magagamit sa kampanya sa Oktubre. Itanghal ang isa o dalawang maikling presentasyon.
15 min: “Tanong.” Pahayag ng isang matanda.
15 min: “Lumalawak ang Tunay na Pagsamba sa Silangang Europa.” Pangangasiwaan ng matanda ang tanong-sagot. Bumanggit ng mga karanasan o ebidensiya ng pagsulong sa mga bansang binanggit, gaya ng iniulat sa Yearbook kamakailan lamang.
Awit 87 at pansarang panalangin.