Mga Pulong sa Paglilingkod sa Oktubre
Linggo ng Oktubre 4
10 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Talakayin ang mga puntong mapag-uusapan mula sa pinakabagong mga labas ng Ang Bantayan at Gumising! at ipakita kung paano magagamit ang mga ito sa pag-aalok ng mga magasin sa dulong sanlinggong ito. Pasiglahin ang lahat na mag-alok ng suskrisyon kapag angkop, lalo na sa mga pagdalaw-muli o mga ruta ng magasin.
17 min: “Ang Kalinisan ay Nagpaparangal kay Jehova.” Tanong-sagot na pagsaklaw ng isang matanda. Magtapos sa pamamagitan ng isang maikling pahayag na nagrerepaso sa payong ibinigay sa Hunyo 1, 1989, Bantayan, pahina 15-20, na ikinakapit ang mga punto na angkop sa lokal na kongregasyon.
18 min: Maging Palaisip sa Magasin! Banggitin ang kabuuang bilang ng mga magasing naipasakamay ng kongregasyon noong nakaraang buwan. Paano ito maihahambing sa bilang na tinanggap mula sa Samahan? Kung may malaking pagkakaiba, ano ang kailangang gawin? Anyayahan ang tagapakinig na magkomento sa sumusunod: (1) Bawat mamamahayag ay dapat na pumidido ng sapat ngunit tamang suplay. (2) Malasin ang bawat Sabado bilang Araw ng Magasin. (3) Isaayos ang inyong personal na iskedyul ng paglilingkod upang maisama ang ilang gawain sa magasin bawat buwan. (4) Isaplano ang higit pang di-pormal na pagpapatotoo na ginagamit ang mga magasin upang mapasimulan ang pag-uusap. (5) Magdala ng pantanging mga artikulo sa mga negosyante at propesyonal na mga tao na malamang ay magiging interesado sa mga iyon. (6) Mag-ingat ng tumpak na rekord ng mga naipasakamay, at magtatag ng isang ruta ng magasin, na binabalikan iyon nang regular taglay ang mga bagong labas. (7) Gamiting mabuti ang alinman sa mga lumang kopya ng magasin upang walang matambak. Tandaan na ang materyal sa mga lumang labas ay napapanahon pa rin at kapaki-pakinabang sa mga nasusumpungan natin sa ministeryo, kaya hindi tayo kailangang maging negatibo sa pag-aalok ng mga ito. Ipakita ang kasalukuyang mga magasin, at ituro ang mga artikulong malamang na pupukaw ng interes. Ipatanghal sa isang adulto at sa isang kabataan ang tig-isang maiikling presentasyon sa magasin.—Tingnan ang insert ng Enero 1996 ng Ating Ministeryo sa Kaharian.
Awit 105 at pansarang panalangin.
Linggo ng Oktubre 11
10 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta.
15 min: Lokal na mga pangangailangan.
20 min: “Kung Paano Magtatamo Nang Higit na Kagalakan Mula sa mga Pulong.” Tanong-sagot. Bumanggit ng mga espesipikong halimbawa kung paano natin maipakikita ang konsiderasyon at mapasisigla ang isa’t isa sa mga pulong. Anyayahan ang tagapakinig na maglahad ng mga halimbawa mula sa sarili nilang mga karanasan.
Awit 152 at pansarang panalangin.
Linggo ng Oktubre 18
10 min: Lokal na mga patalastas at mga karanasan sa paglilingkod sa larangan.
13 min: “Kayo ba’y Lilipat?” Nakapagpapatibay na pahayag ng kalihim. Kapag nasumpungan ng mga mamamahayag na sila’y kailangang lumipat sa ibang kongregasyon, mahalaga na sila’y mapirmi sa kanilang bagong kapaligiran upang maiwasan ang anumang balakid sa espirituwal. Idiin ang pangangailangang ipaalam nang patiuna sa matatanda ang tungkol sa gayong plano hangga’t maaari at hilingin ang kanilang tulong sa pakikipag-ugnayan sa bagong kongregasyon. Ito’y lalo nang mahalaga kapag lumilipat sa ibang bansa yamang marami sa ating mga kapatid ang nagkaroon ng malulungkot na karanasan dahilan sa sila’y napahiwalay sa teokratikong pakikipagsamahan sa isang banyagang lupain.
22 min: “Ano ang Inyong Sasabihin sa Isang Judio?” Tanong-sagot. Ipaliwanag ang pagkakaiba ng Ortodokso, Repormado, at Konserbatibong Judaismo. (Tingnan Ang Paghahanap ng Tao sa Diyos, pahina 226-7.) Ipakita kung sa anong mga larangan maaaring maitatag sa isang Judio ang puntong mapagkakasunduan. Itanghal ang isang inihandang mabuting presentasyon. Para sa higit pang impormasyon hinggil sa Judaismo, tingnan ang aklat na Nangangatuwiran, pahina 22-3 at Ang Paghahanap ng Tao sa Diyos, kabanata 9.
Awit 142 at pansarang panalangin.
Linggo ng Oktubre 25
15 min: Lokal na mga patalastas. Tulungan ang lahat na maghanda upang ialok ang brosyur na Hinihiling o ang aklat na Kaalaman sa Nobyembre. Ipaliwanag kung paano maghahanda ng isang presentasyon na magtutuon ng pansin sa tanong na, “Sinasagot ba ng Diyos ang mga panalangin?” Gamitin ang mga punto sa aralin 7 ng brosyur o kabanata 16, parapo 12-14, ng aklat. Itanghal ang isang simpleng presentasyon na naglalakip sa isang kasulatan.
15 min: Paghanap ng mga Kasagutan sa mga Katanungan sa Bibliya. Isang ministeryal na lingkod ang nilapitan ng isang mamamahayag na nakasumpong ng isang interesadong tao na may katanungan sa Bibliya. Sa halip na ibigay ang kasagutan, ipinaliwanag ng ministeryal na lingkod kung paano masusumpungan ito. Una, nirepaso niya ang mga mungkahing masusumpungan sa Giya sa Paaralan, aralin 7, parapo 8-9. Pagkatapos, magkasama nilang sinaliksik ang tanong na karaniwang ibinabangon sa lokal na teritoryo. Hinanap nila ang espesipikong mga reperensiya na tumatalakay sa paksa at nakasumpong ng nakakukumbinsing mga punto na nagpapaliwanag sa saligang dahilan para sa kasagutan ng Bibliya. Pasiglahin ang tagapakinig na gumawa ng ganitong uri ng kapaki-pakinabang na pag-aaral upang masaliksik ang mga katanungan sa Bibliya.
15 min: Mga Tunguhing Maaari Nating Itakda. Pahayag at pagtalakay sa tagapakinig. Repasuhin ang mga praktikal na tunguhing binalangkas sa kahon sa pahina 11 ng Marso 15, 1997, Bantayan. Ilakip ang pampasigla na makibahagi sa paglilingkod bilang auxiliary o regular pioneer. Ipaliwanag kung paano tayo makikinabang nang personal sa pag-abot sa mga tunguhing ito. Anyayahan ang tagapakinig na ilahad ang ilan sa mga naging kagalakan nila nang maabot ang ilang teokratikong tunguhin.
Awit 151 at pansarang panalangin.