Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 12/01 p. 2
  • Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2001
  • Subtitulo
  • Linggo ng Disyembre 10
  • Linggo ng Disyembre 17
  • Linggo ng Disyembre 24
  • Linggo ng Disyembre 31
  • Linggo ng Enero 7
Ating Ministeryo sa Kaharian—2001
km 12/01 p. 2

Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod

Linggo ng Disyembre 10

Awit 205

10 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Pasiglahin ang lahat na panoorin ang video na To the Ends of the Earth bilang paghahanda sa talakayan sa Pulong sa Paglilingkod sa sanlinggo ng Disyembre 24.

12 min: Lokal na mga pangangailangan.

23 min: “Mayroon Tayong Bagong Kasangkapan Para sa Pagpapasimula ng mga Pag-aaral!” Pakikipagtalakayan sa tagapakinig na gagampanan ng tagapangasiwa sa paglilingkod. Ilakip ang dalawang pagtatanghal, na ginagamit ang mga mungkahi sa kahong “Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin.” Isang mamamahayag ang maghaharap ng Disyembre 15 ng Bantayan, at isa naman ang maghaharap ng Disyembre 22 ng Gumising! Sa bawat pagtatanghal, magtatapos ang mamamahayag sa pamamagitan ng pagbibigay sa may-bahay ng tract na Gusto Mo Bang Makaalam Nang Higit Pa Tungkol sa Bibliya?​—sa isa na ayaw tumanggap ng mga magasin at sa isa na tumanggap ng mga ito. Pasiglahin ang lahat na magbigay ng bagong tract sa lahat ng kanilang masusumpungan sa ministeryo kapag may dumating nang suplay sa kongregasyon.

Awit 222 at pansarang panalangin.

Linggo ng Disyembre 17

Awit 211

10 min: na mga patalastas. Ulat ng kuwenta. Balangkasin ang mga pantanging kaayusan sa paglilingkod sa larangan para sa Disyembre 25 at Enero 1.

22 min: “Gamitin Nang Wasto ang Salita ng Diyos.”a Ilakip ang isang pagtatanghal ng presentasyon sa parapo 4. Itanghal din ang isang mabisang presentasyon na ginamit na sa inyong lugar upang patibaying-loob o aliwin ang mga taong nababagabag sa kasalukuyang mga kalagayan sa daigdig. Maaaring ilahad ang isang maikling karanasan.

13 min: ‘May Sarili Kayong Bibliya.’ Pakikipagtalakayan sa tagapakinig salig sa aklat na Nangangatuwiran, pahina 256-7 (p. 279-80 sa Ingles). Kung nag-aatubiling makinig ang mga tao dahil sa ginagamit natin ang Bagong Sanlibutang Salin, ano ang maaari nating sabihin? Patiunang isaayos upang mailahad ng mga mamamahayag sa kanilang sariling pananalita ang mga mungkahing sagot.

Awit 225 at pansarang panalangin.

Linggo ng Disyembre 24

Awit 218

10 min: Lokal na mga patalastas. Sa paggamit ng mga mungkahi sa pahina 8, itanghal ang dalawang maikling presentasyon sa magasin, ang isa ay gumagamit ng Enero 1 ng Bantayan at ang isa naman ay gumagamit ng Enero 8 ng Gumising!

10 min: “Ang Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo Para sa 2002.” Pahayag ng tagapangasiwa sa paaralan. Pasiglahin ang lahat na maging masikap sa pagganap ng kanilang mga atas.

25 min: “Pagpapatotoo​—To the Ends of the Earth.” Pakikipagtalakayan sa tagapakinig. (Pansinin: Sa mga kongregasyong walang video na ito, ang pahayag na “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong, ‘Anong Masama sa Tsismis?’” ay maaaring ibigay, salig sa Pebrero 22, 1999 ng Gumising!, pahina 17-19.) Sa Pebrero ating rerepasuhin ang video na Noah​—He Walked With God.

Awit 24 at pansarang panalangin.

Linggo ng Disyembre 31

Awit 140

10 min: Lokal na mga patalastas.

15 min: Ibigay sa Matatanda ang Konsiderasyong Nararapat sa Kanila. Tatalakayin ng dalawa o tatlong ministeryal na lingkod ang Hunyo 1, 1999, Bantayan, pahina 18-19. Sila’y magkokomento hinggil sa maraming tungkulin na kailangang gampanan ng matatanda, lakip na ang sekular na trabaho, mga pananagutan sa pamilya, at mga teokratikong atas. Isaalang-alang ang mga paraan na mapasisigla sila ng lahat, mapagagaan ang kanilang pasanin, at masusunod ang kanilang tagubilin. Ang mga lingkod ay sumasang-ayon na ang matatanda ay nagsasagawa ng mahalagang paglilingkod at nararapat sa “higit pa kaysa di-pangkaraniwang konsiderasyon.”​—1 Tes. 5:​12, 13.

20 min: “Mga Pagpapala Dahil sa Pagpapakita ng Pagpapahalaga sa Pag-ibig ni Jehova​—Bahagi 2.”b Kapag tinatalakay ang parapo 2-6, anyayahan ang kongregasyon na maglahad ng mga karanasan na kanilang natamo sa pagbibigay ng mga salita ng kaaliwan at pag-asa sa mga nanlulumo o nababahala dahil sa kasakunaan kamakailan at sa resulta nito.

Awit 219 at pansarang panalangin.

Linggo ng Enero 7

Awit 20

10 min: Lokal na mga patalastas.

20 min: Gawin ang Pinakamabuti sa Iyong Buhay. Tatalakayin ng mga miyembro ng pamilya ang Agosto 15, 1998, Bantayan, pahina 8-9. Kanilang rerepasuhin ang maka-Kasulatang payo sa artikulo na nagpapakita kung paano matitiyak ang kanilang kaligayahan, na nagtutuon sa pangangailangan ukol sa kaunawaan, kapaki-pakinabang na mga priyoridad, at pagtitiwala kay Jehova. Kanilang babalangkasin ang praktikal na mga pagbabago na maaari nilang gawin bilang isang pamilya.

15 min: Bigyang-Pansin ang Ating Kingdom Hall. Pahayag ng isang matanda. Pansinin ang kalagayan ng Kingdom Hall. Anong mga plano ang isinasagawa para sa paglilinis bago ang Memoryal? Ano pang pagkukumpuni ang kailangang gawin bago sumapit iyon? Ipaliwanag kung paano makatutulong ang kongregasyon. Idiin ang pangangailangang tiyakin na ang ating dako ng pagsamba ay nagpapamalas ng kagandahan at dignidad na iniuugnay natin sa bahay ni Jehova.​—Awit 84:1.

Awit 126 at pansarang panalangin.

[Mga Talababa]

a Limitahan ang pambungad na mga komento nang wala pang isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.

b Limitahan ang pambungad na mga komento nang wala pang isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share