Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod
Linggo ng Oktubre 14
10 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Pasiglahin ang lahat na basahin ang Bilang kabanata 25 at ang Insight, Tomo 2, pahina 419, parapo 3-5, at pagkatapos ay panoorin ang video na Warning Examples for Our Day bilang paghahanda para sa pakikipagtalakayan sa Pulong sa Paglilingkod sa linggo ng Oktubre 28. (Ito ang kauna-unahang video ng isang drama na ginawa ng Samahan. Ipinatalastas ng Ating Ministeryo sa Kaharian ng Setyembre na ang video na ito ay makukuha na ngayon sa Pilipinas. Kung hindi pa kayo pumidido, makabubuting gawin na ninyo ito ngayon.) Ginagamit ang mga mungkahi sa pahina 8, magkaroon ng dalawang pagtatanghal kung paano ihaharap ang Oktubre 15 ng Bantayan at ang Oktubre 22 ng Gumising!
15 min: Lokal na mga pangangailangan.
20 min: “Kung Paano Ipinakikita ng mga Tagapangasiwa sa Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat ang Personal na Interes.” Tanong-sagot na pakikipagtalakayan na gagampanan ng isang tagapangasiwa sa Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat. Sa pambungad na pananalita, ipaliwanag sa maikli kung paano nagsimula ang kaayusan sa pag-aaral sa aklat. (jv 237, par. 4) Patiunang isaayos na magkomento ang dalawa o tatlong mamamahayag kung paano sila nakinabang mula sa personal na interes na ipinakita sa kanila sa pamamagitan ng Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat.
Awit 65 at pansarang panalangin.
Linggo ng Oktubre 21
10 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta.
20 min: “Akayin ang mga Estudyante sa Bibliya Tungo sa Organisasyon.” Tanong-sagot na pakikipagtalakayan. Sa parapo 4, talakayin ang iba’t ibang katangian ng brosyur na Mga Saksi ni Jehova at pasiglahin ang lahat na magdala sila ng mga kopya sa ministeryo. Magkaroon ng maikling pagtatanghal kung paano magagamit ang brosyur kapag inaanyayahan ang estudyante sa Bibliya na dumalo sa mga pulong.
15 min: Pahayag sa artikulong “Marubdob na Pagsisikap—Kailan Ito Pinagpapala ni Jehova?” salig sa Agosto 1, 2002 Bantayan, pahina 29-31.
Awit 194 at pansarang panalangin.
Linggo ng Oktubre 28
8 min: Lokal na mga patalastas. Pasiglahin ang lahat na repasuhin ang kanilang mga nota mula sa nakalipas na programa ng pantanging araw ng asamblea bilang paghahanda para sa pakikipagtalakayan sa susunod na Pulong sa Paglilingkod. Ginagamit ang mga mungkahi sa pahina 8, ipatanghal sa isang kapatid na babae kung paano ihaharap ang Nobyembre 1 ng Bantayan at ipatanghal naman sa isang kapatid na lalaki kung paano ihaharap ang Nobyembre 8 ng Gumising!
15 min: “Maging Nakapagpapatibay.” Pahayag ng isang matanda na may pakikibahagi ang tagapakinig.
22 min: “Isang Marubdob na Panawagang Magbigay-Pansin sa Mga Babalang Halimbawa sa Ating Kaarawan.” Limitahan ang pambungad na pananalita nang di-lalampas sa isang minuto, pagkatapos ay pasimulan agad ang pakikipagtalakayan sa tagapakinig sa bawat tanong na iniharap sa artikulo. (Pansinin: Sa mga kongregasyon na wala ng video na ito, maaaring ibigay ang pahayag na “Kung Paano Haharapin ang Pagkasiphayo,” salig sa Mayo 8, 2000 ng Gumising!, pahina 20, 21.) Sa Disyembre ay rerepasuhin natin ang video na No Blood—Medicine Meets the Challenge.
Awit 41 at pansarang panalangin.
Linggo ng Nobyembre 4
10 min: Lokal na mga patalastas. Repasuhin sa maikli ang ilang mungkahi mula sa insert ng Mayo 2002 ng Ating Ministeryo sa Kaharian para sa paghaharap ng brosyur na Hinihiling at aklat na Kaalaman. Itanghal ang isa sa mga presentasyon.
13 min: Hindi Ikinahihiya ang Mabuting Balita. (Roma 1:16) Isang kabataang may problema ang lumapit sa kaniyang ama. Atubili ang kabataan na magpakilala bilang Saksi ni Jehova dahil sa takot na tuyain ng mga kasamahan. Pinasalamatan ng ama ang kabataan sa pagiging tapat nito hinggil sa bagay na iyon. Inilahad niya kung paano tumugon noon si Pedro dahil sa panggigipit ng mga kasamahan. (Mat. 26:69-74) Ibinigay ng ama ang sumusunod na payo: Hindi natin dapat ikahiya kailanman kung sino tayo bilang mga Kristiyano. (Mar. 8:38) Makabubuti kung ipakikilala mo ang iyong sarili bilang isang Saksi sa paaralan. Kapag ipinaalam sa kanila, igagalang ng maraming guro ang iyong mga paniniwala at hindi nila sisikaping isama ka sa mga gawain na itinuturing mong di-kaayaaya. Mas malamang na hindi ka gipitin ng walang-prinsipyong mga kabataan tungo sa maling paggawi. Mas madaling mauunawaan ng iba mong mga kaklase kung bakit pinipili mong huwag makipag-date, huwag sumali sa ekstrakurikular na mga isport, o huwag makibahagi sa mga gawain pagkatapos ng klase. Kung may panahon pa, tatalakayin ng ama at ng kabataan ang mga punto mula sa subtitulong “Pagpapahayag sa Madla ng Iyong Pakikipagkaibigan sa Diyos” sa aklat na Tanong ng mga Kabataan, pahina 315-18. Nagpahayag ng pagpapahalaga ang tin-edyer dahil sa mabuting payo.
22 min: Magpasakop Kayo sa Diyos—Salansangin Ninyo ang Diyablo. (Sant. 4:7) Ginagamit ang mga tanong na inilaan dito, pangangasiwaan ng isang matanda ang masiglang pakikipagtalakayan sa tagapakinig hinggil sa programa ng pantanging araw ng asamblea na ginanap sa taóng ito. (Ang mga bahagi nito ay maaaring iatas nang patiuna.) Itampok ang sumusunod na mga bahagi ng programa: (1) “Pagpapasakop sa Diyos sa Isang Inaliping Sanlibutan.” Bakit kailangan tayong maging alisto upang maiwasan ang makasanlibutang mga silo? (2) “Pagpapakita ng Makadiyos na Pagpapasakop Bilang mga Miyembro ng Pamilya.” Bakit may apurahang pangangailangan sa loob ng organisasyon ni Jehova na palakasin ang mga buklod ng pamilya? Paano natin magagawa ito? (3) “Tulungan ang mga Bagong Alagad na Tumayong Matatag sa Panig ni Jehova.” Paano natin matutulungan ang mga baguhan na mapagtagumpayan ang mga hadlang na sumusubok sa kanilang pananampalataya? (4) “Kung Ano ang Kahulugan ng Salansangin ang Diyablo.” Ano ang susi upang makatayong matagumpay laban sa Diyablo? Paano tayo maipagsasanggalang ng espirituwal na baluti na inilarawan sa Efeso 6:11-18? (w92 5/15 21-3) (5) “Mga Kabataan na Matagumpay na Sumasalansang sa Balakyot na Isa” at “Mga Kabataan na Nakikinabang sa Makadiyos na Pagpapasakop.” Laban sa anong ilang mga pamamaraan ni Satanas dapat mag-ingat ang mga kabataan? Paano pinagpapala ang mga kabataan dahil sa pagpapasakop nila kay Jehova? (w90 8/1 13-14, par. 15-17) (6) “Pakikinabang Mula sa Makadiyos na Pagpapasakop.” Ipaliwanag kung paano ipinakikita ng mga Kristiyano ang pagpapasakop sa mga awtoridad ng gobyerno, sa sekular na mga amo, sa loob ng pamilya, at sa kongregasyong Kristiyano. Anong mga katangian ang tutulong sa atin na magawa ito?
Awit 185 at pansarang panalangin.