Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod
Linggo ng Agosto 8
10 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Itanghal ang isa o dalawa sa iminungkahing presentasyon sa insert ng Hunyo 2005 ng Ating Ministeryo sa Kaharian para sa pagdalaw-muli sa mga tumanggap ng brosyur.
15 min: Kung Paano Tutulungan ang mga Nagsasalita ng Ibang Wika. Pahayag at pakikipagtalakayan sa tagapakinig salig sa paunang salita ng Good News for People of All Nations. Talakayin ang tatlong hakbang na maaari nating gawin upang tulungan ang mga nagsasalita ng wikang hindi natin nauunawaan. Ilakip ang mga komento mula sa Hulyo 2003 ng Ating Ministeryo sa Kaharian, pahina 4. Banggitin na ang form na Please Follow Up (S-43) ay karaniwan nang dapat punan kahit na hindi interesado ang indibiduwal sa mensahe ng Kaharian. Itanghal kung paano gagamitin ang bagong buklet.
20 min: Pahayag hinggil sa “Gamitin ang Espirituwal na mga Tunguhin Upang Luwalhatiin ang Iyong Maylalang,” batay sa artikulo ng Hulyo 15, 2004 ng Bantayan, pahina 21-3. Pasiglahin ang mga nasa kalagayan na gawing tunguhin na magpayunir sa Setyembre 1. Tiyaking may mga aplikasyong maibibigay sa kanila.
Awit 197 at pansarang panalangin.
Linggo ng Agosto 15
10 min: Lokal na mga patalastas. Gamitin ang mga mungkahi sa pahina 4 (kung angkop sa inyong teritoryo) upang itanghal kung paano ihaharap ang Agosto 15 ng Bantayan at Agosto 22 ng Gumising!
15 min: Natatandaan Mo Ba? Pakikipagtalakayan sa tagapakinig batay sa Abril 15, 2005, Bantayan, pahina 30. Anyayahan ang mga tagapakinig na magkomento sa bawat tanong. Itampok ang praktikal na kahalagahan ng materyal. Pasiglahin ang lahat na basahing mabuti ang bawat isyu ng Ang Bantayan at Gumising!
20 min: “Pagpapasimula ng mga Pag-aaral sa Bibliya sa Pintuan at sa Telepono.”a Ilakip ang isang maikling pagtatanghal na nagpapakita kung paano mapasisimulan ang pag-aaral sa Bibliya sa unang pagdalaw, na ginagamit ang isa o dalawang parapo lamang sa brosyur na Hinihiling. Ilahad sa maikli ang isa o dalawang nakapagpapasiglang karanasan hinggil sa pagpapasimula ng pag-aaral sa pamamagitan ng telepono.
Awit 30 at pansarang panalangin.
Linggo ng Agosto 22
10 min: Lokal na mga patalastas. Basahin ang ulat ng kuwenta at pasasalamat sa donasyong tinanggap.
15 min: Lokal na mga pangangailangan.
20 min: “Pangangaral Hinggil sa Kaharian—Isang Napakahalagang Pribilehiyo.”b Kapag tinatalakay ang parapo 4, repasuhin ang pantanging paglalaan sa pag-uulat ng 15, 30, o 45 minuto bilang oras sa paglilingkod sa larangan ng mga napakalimitado ang magagawa dahil sa katandaan o problema sa kalusugan.—Tingnan ang Oktubre 2002 ng Ating Ministeryo sa Kaharian, p. 8, par. 6.
Awit 204 at pansarang panalangin.
Linggo ng Agosto 29
10 min: Lokal na mga patalastas. Ipaalaala sa mga mamamahayag na ibigay ang kanilang mga ulat ng paglilingkod sa larangan para sa Agosto. Gamit ang mga mungkahi sa pahina 4 (kung angkop sa inyong teritoryo), itanghal kung paano ihaharap ang Setyembre 1 ng Bantayan at ang Setyembre 8 ng Gumising!
15 min: Magkaroon Kayo ng Pag-ibig sa Isa’t Isa. (Juan 13:35) Pahayag ng isang elder batay sa Pebrero 1, 2003, Bantayan, pahina 15-18, parapo 10-21. Pasiglahin ang lahat na makapagpasimula ng mga pag-aaral sa Bibliya kahit na sa mga nakapag-aral na ng aklat na Kaalaman at brosyur na Hinihiling, marahil ay ginagamit ang aklat na Sambahin ang Diyos. Itampok kung paano maaaring makipagtulungan sa mga elder ang mga mamamahayag sa pagtulong sa mga mahihina.
20 min: Itampok ang Bibliya sa Unang Pagdalaw. Pahayag at pakikipagtalakayan sa tagapakinig. Repasuhin ang mga mungkahi sa Setyembre 2004 ng Ating Ministeryo sa Kaharian, pahina 4, parapo 2, sa pag-akay ng pansin sa Salita ng Diyos sa unang pagdalaw. Itanghal ang isa o dalawang iminungkahing presentasyon na magagamit sa alok na literatura sa Setyembre.
Awit 71 at pansarang panalangin.
Linggo ng Setyembre 5
10 min: Lokal na mga patalastas.
15 min: “Pagdaraos ng Progresibong mga Pag-aaral sa Bibliya—Bahagi 11.”c Ilakip ang isang pagtatanghal ng konduktor ng pag-aaral at ng isang bagong mamamahayag na naghahanda sa pagdalaw-muli. Rerepasuhin nila ang unang pagdalaw at pipili ng isang angkop na puntong pag-uusapan sa pagdalaw-muli. Maghahanda rin sila ng simpleng pambungad at tanong na maibabangon nila sa pagtatapos ng pagdalaw. Ang pagtatanghal ay magtatapos nang handa na silang mag-ensayo ng presentasyong inihanda nila.
20 min: Pag-oorganisa Upang Tulungan ang mga May-edad Na. Pahayag ng isang elder batay sa Agosto 15, 1993, Bantayan, pahina 28-9, sa ilalim ng subtitulong “Mahalaga ang Pag-oorganisa.” Banggitin ang mga kaayusang ginawa ng kongregasyon upang tulungan ang mga maysakit at may-edad na.
Awit 164 at pansarang panalangin.
[Mga Talababa]
a Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.
b Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.
c Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.