Iskedyul ng Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo sa 2006
MGA TAGUBILIN
Sa 2006, ang sumusunod ang magiging kaayusan sa pagdaraos ng Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo.
PINAGKUNANG MATERYAL: Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan [bi12], Ang Bantayan [w], Makinabang sa Edukasyon Mula sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo [be], “Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang” (Edisyon ng 1990) [si], at Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan (Edisyon ng 1989) [rs].
Ang paaralan ay dapat magsimula nang EKSAKTO SA ORAS sa pamamagitan ng awit, panalangin, at mga pananalita ng pagtanggap at pagkatapos ay magpapatuloy gaya ng nakabalangkas sa ibaba. Pagkatapos ng bawat bahagi, babanggitin ng tagapangasiwa sa paaralan ang susunod na bahagi.
KALIDAD SA PAGSASALITA: 5 minuto. Ang tagapangasiwa sa paaralan, ang katulong na tagapayo, o isa pang kuwalipikadong matanda ang tatalakay sa isang kalidad sa pagsasalita salig sa aklat-aralin na Paaralan Ukol sa Ministeryo. (Sa mga kongregasyong may limitadong bilang ng matatanda, maaaring gamitin ang kuwalipikadong mga ministeryal na lingkod.)
ATAS BLG. 1: 10 minuto. Ito ay dapat gampanan ng isang kuwalipikadong matanda o ministeryal na lingkod, at ito ay ibabatay sa Ang Bantayan, Makinabang sa Edukasyon Mula sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo, o “Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang.” Ito ay ihaharap bilang sampung-minutong nakapagtuturong pahayag nang walang oral na repaso. Ang tunguhin ay hindi lamang kubrehan ang materyal kundi ituon ang pansin sa praktikal na kahalagahan ng impormasyong tinatalakay, anupat itinatampok kung ano ang pinakakapaki-pakinabang sa kongregasyon. Dapat gamitin ang nakasaad na tema. Inaasahan na ang mga kapatid na lalaking inatasan sa pahayag na ito ay maingat na mananatili sa itinakdang oras. Maaaring magbigay ng pribadong payo kung kinakailangan.
MGA TAMPOK NA BAHAGI SA PAGBASA SA BIBLIYA: 10 minuto. Sa unang limang minuto, isang kuwalipikadong matanda o ministeryal na lingkod ang dapat na mabisang magkapit ng materyal sa lokal na mga pangangailangan. Maaari siyang magkomento sa anumang bahagi ng iniatas na pagbasa sa Bibliya para sa linggong iyon. Dapat na hindi ito basta sumaryo lamang ng iniatas na babasahin. Ang pangunahing tunguhin ay ang tulungan ang mga tagapakinig na maunawaan kung bakit mahalaga at kung gaano kahalaga ang impormasyon. Dapat maging maingat ang tagapagsalita na hindi siya lalampas sa limang minutong inilaan para sa pambungad na bahagi. Dapat niyang tiyakin na ang huling limang minuto ay nakatalaga sa pakikibahagi ng mga tagapakinig. Ang mga tagapakinig ay dapat anyayahang magbigay ng maiikling komento (30 segundo o mas maikli pa) hinggil sa kung ano ang kanilang pinahahalagahan sa pagbasa sa Bibliya at sa mga kapakinabangan nito. Pagkatapos ay papupuntahin na ng tagapangasiwa sa paaralan ang mga estudyanteng naatasan sa ibang silid-aralan.
ATAS BLG. 2: 4 na minuto o mas maikli pa. Ito ay pagbasa na ihaharap ng isang kapatid na lalaki. Dapat basahin ng estudyante ang iniatas na materyal nang walang ibinibigay na introduksiyon o konklusyon. Dapat niyang basahin ang superskripsiyon kapag ang iniatas sa kaniya ay mula sa Mga Awit. Ang tagapangasiwa sa paaralan ay partikular nang magiging interesado sa pagtulong sa mga estudyante na bumasa nang may kaunawaan, katatasan, wastong pagdiriin ng mga susing salita, pagbabagu-bago ng tono ng boses, angkop na sandaling paghinto, at pagiging natural.
ATAS BLG. 3: 5 minuto. Ito ay iaatas sa isang kapatid na babae. Ang mga estudyanteng tatanggap ng atas na ito ay aatasan o maaaring pumili ng isang tagpo mula sa talaan na makikita sa pahina 82 ng aklat-aralin na Paaralan Ukol sa Ministeryo. Dapat gamitin ng estudyante ang iniatas na tema at ikapit ito sa isang aspekto ng paglilingkod sa larangan na makatotohanan at praktikal sa teritoryo ng lokal na kongregasyon. Kapag walang binanggit na reperensiyang mapagkukunan ng materyal, kakailanganin ng estudyante na magtipon ng materyal para sa bahaging ito sa pamamagitan ng pagsasaliksik sa ating mga publikasyon. Ang mas bagong mga estudyante ay dapat atasan ng mga pahayag na may inilaang mga reperensiya. Ang tagapangasiwa sa paaralan ay partikular nang magiging interesado sa paraan ng pagbuo ng estudyante sa materyal at kung paano niya tinulungan ang may-bahay na mangatuwiran sa Kasulatan at maunawaan ang susing mga punto sa pagtatanghal. Ang tagapangasiwa sa paaralan ay mag-aatas ng isang kasama.
ATAS BLG. 4: 5 minuto. Dapat buuin ng estudyante ang iniatas na tema. Kapag walang binanggit na reperensiyang mapagkukunan ng materyal, kakailanganin ng estudyante na magtipon ng materyal para sa bahaging ito sa pamamagitan ng pagsasaliksik sa ating mga publikasyon. Kapag iniatas sa isang kapatid na lalaki, ang bahaging ito ay dapat iharap bilang isang pahayag sa mga tagapakinig sa Kingdom Hall. Kapag isang kapatid na babae ang binigyan ng atas na ito, ito ay dapat na laging iharap gaya ng nakabalangkas para sa Atas Blg. 3. Maaaring iatas ng tagapangasiwa sa paaralan ang Atas Blg. 4 sa isang kapatid na lalaki kailanma’t nakikita niyang angkop ito. Pakisuyong pansinin na ang mga paksang may asterisk ay laging dapat iatas sa mga kapatid na lalaki upang iharap bilang mga pahayag.
ORAS: Hindi dapat lumampas sa oras ang mga bahagi, maging ang mga komento ng tagapayo. Ang Atas Blg. 2 hanggang Blg. 4 ay dapat na mataktikang patigilin kapag lampas na sa oras. Kapag lumampas sa oras ang mga kapatid na lalaki na gumaganap sa pambukas na pahayag hinggil sa kalidad sa pagsasalita, Atas Blg. 1, o mga tampok na bahagi sa pagbasa sa Bibliya, dapat silang bigyan ng pribadong payo. Dapat na maingat na bantayan ng lahat ang kanilang oras. Kabuuang programa: 45 minuto, hindi kasali ang awit at panalangin.
PAYO: 1 minuto. Ang tagapangasiwa sa paaralan ay gugugol nang hindi lalampas sa isang minuto pagkatapos ng Atas Blg. 2, Blg. 3, at Blg. 4 upang magbigay ng ilang positibong obserbasyon sa isang kapuri-puring aspekto ng pahayag. Ang kaniyang tunguhin ay hindi lamang para sabihing “mahusay” kundi sa halip, ituon ang pansin sa espesipikong mga dahilan kung bakit ang aspektong iyon ng presentasyon ay mabisa. Alinsunod sa pangangailangan ng bawat estudyante, maaaring pribadong magbigay ng karagdagang nakapagpapatibay na payo pagkatapos ng pulong o sa ibang panahon.
KATULONG NA TAGAPAYO: Maaaring pumili ang lupon ng matatanda ng isang may-kakayahang matanda upang humawak ng atas bilang katulong na tagapayo kung may makukuhang iba pa bukod sa tagapangasiwa ng paaralan. Kung maraming matatanda sa kongregasyon, maaaring iba’t ibang kuwalipikadong matanda ang gumanap sa atas na ito taun-taon. Ang pananagutan ng katulong na tagapayo ay ang magbigay ng pribadong payo, kung kinakailangan, sa mga kapatid na naghaharap ng Atas Blg. 1 at ng mga tampok na bahagi sa pagbasa sa Bibliya. Hindi naman siya kinakailangang magbigay ng payo sa tuwing matatapos ang bawat pahayag ng kaniyang kapuwa matatanda o ng mga ministeryal na lingkod.
TALAAN NG PAYO: Nasa aklat-aralin.
ORAL NA REPASO: 30 minuto. Tuwing ikalawang buwan, magdaraos ang tagapangasiwa sa paaralan ng oral na repaso. Ito ay isasagawa pagkatapos ng pagtalakay sa isang kalidad sa pagsasalita at ng mga tampok na bahagi sa pagbasa sa Bibliya gaya ng nakabalangkas sa itaas. Ang oral na repaso ay isasalig sa materyal na tinalakay sa paaralan sa nakalipas na dalawang buwan, lakip na ang kasalukuyang linggo. Kung ang inyong kongregasyon ay may pansirkitong asamblea sa linggo ng oral na repaso, ang repaso (at ang iba pang nakaiskedyul sa linggong iyon) ay dapat idaos sa susunod na linggo at ang kasunod na iskedyul ang gagamitin sa pansirkitong asamblea. Kung dadalaw sa inyong kongregasyon ang tagapangasiwa ng sirkito sa linggo ng oral na repaso, ang awit, pahayag sa kalidad sa pagsasalita, at mga tampok na bahagi sa Bibliya ay dapat idaos gaya ng nakaiskedyul. Ang materyal para sa pahayag na nakapagtuturo (na inihaharap pagkatapos ng pahayag sa kalidad sa pagsasalita) ay dapat kunin sa iskedyul ng susunod na linggo. Ihaharap sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo sa susunod na linggo ang pahayag sa kalidad sa pagsasalita at mga tampok na bahagi sa Bibliya gaya ng nakaiskedyul sa linggong iyon, at pagkatapos ay susundan ito ng oral na repaso.
ISKEDYUL
Ene. 2 Pagbasa sa Bibliya: 2 Cronica 29-32 Awit 91
Kalidad sa Pagsasalita: Lubusang Makinabang sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo (be p. 5 ¶1–p. 8 ¶1)
Blg. 1: Magtamasa ng Kaluguran sa Salita ng Diyos (be p. 9 ¶1-5)
Blg. 2: 2 Cronica 30:1-12
Blg. 3: Kung Bakit Hindi Gumagamit ng Malalaswang Pananalita ang Tunay na mga Kristiyano
Blg. 4: Ang Epekto ng Kasalanan sa Ating Kaugnayan sa Diyos (rs p. 121 ¶2–p. 122 ¶2)
Ene. 9 Pagbasa sa Bibliya: 2 Cronica 33-36 Awit 144
Kalidad sa Pagsasalita: Tumpak na Pagbabasa (be p. 83 ¶1–p. 84 ¶1)
Blg. 1: 2 Cronica—Bakit Kapaki-pakinabang (si p. 84 ¶34-6)
Blg. 2: 2 Cronica 34:1-11
Blg. 3: Kung Ano ang Sinasabi ng Bibliya Hinggil sa Kaluluwa (rs p. 100 ¶3–p. 101 ¶3)
Blg. 4: Huwag Kailanman Ikahiya ang Pagsunod sa mga Pamantayang Moral ng Bibliya
Ene. 16 Pagbasa sa Bibliya: Ezra 1-5 Awit 137
Kalidad sa Pagsasalita: Kung Paano Magbabasa Nang Tumpak (be p. 84 ¶2–p. 85 ¶3)
Blg. 1: Introduksiyon sa Ezra (si p. 85-6 ¶1-7)
Blg. 2: Ezra 1:1-11
Blg. 3: Mga Kapakinabangan sa Pagkakaroon ng Matapat na Budhi
Blg. 4: Ang mga Hayop ay mga Kaluluwa (rs p. 101 ¶4–p. 102 ¶4)
Ene. 23 Pagbasa sa Bibliya: Ezra 6-10 Awit 106
Kalidad sa Pagsasalita: Mga Salitang Binigkas Nang Maliwanag (be p. 86 ¶1-6)
Blg. 1: Ezra—Bakit Kapaki-pakinabang (si p. 87 ¶14-18)
Blg. 2: Ezra 6:1-12
Blg. 3: Sa Kamatayan, Hindi na Patuloy na Nabubuhay ang Kaluluwa ni ang Espiritu (rs p. 102 ¶5–p. 104 ¶5)
Blg. 4: a Ang Pangmalas ng Diyos sa Pag-aasawa
Ene. 30 Pagbasa sa Bibliya: Nehemias 1-4 Awit 161
Kalidad sa Pagsasalita: Kung Paano Magsasalita Nang Maliwanag (be p. 87 ¶1–p. 88 ¶3)
Blg. 1: Introduksiyon sa Nehemias (si p. 88 ¶1-5)
Blg. 2: Nehemias 2:1-10
Blg. 3: Ang Pinakamahalagang Uri ng Katiwasayan
Blg. 4: Kung Ano ang Banal na Espiritu (rs p. 158 ¶2–p. 159 ¶1)
Peb. 6 Pagbasa sa Bibliya: Nehemias 5-8 Awit 40
Kalidad sa Pagsasalita: Wastong Pagbigkas—Mga Salik na Dapat Isaalang-alang (be p. 89 ¶1–p. 90 ¶3)
Blg. 1: Basahin ang Bibliya Araw-araw (be p. 10 ¶1–p. 12 ¶3)
Blg. 2: Nehemias 5:1-13
Blg. 3: Patotoo na Taglay ng Isang Tao ang Banal na Espiritu (rs p. 159 ¶3–p. 160 ¶2)
Blg. 4: “Ingatan Mo ang Iyong Puso” (Kaw. 4:23)
Peb. 13 Pagbasa sa Bibliya: Nehemias 9-11 Awit 159
Kalidad sa Pagsasalita: Mga Paraan Upang Pasulungin ang Pagbigkas (be p. 90 ¶4–p. 92)
Blg. 1: Matuto ng Kapayapaan sa Halip na Digmaan (w04 1/1 p. 6 ¶8–p. 7 ¶5)
Blg. 2: Nehemias 10:28-37
Blg. 3: Patotoo na Mahal Tayo ni Jehova
Blg. 4: Walang Espiritung Bahagi ng Tao na Patuloy na Nabubuhay Pagkamatay (rs p. 160 ¶6–p. 161 ¶3)
Peb. 20 Pagbasa sa Bibliya: Nehemias 12-13 Awit 118
Kalidad sa Pagsasalita: Matatas na Pagpapahayag (be p. 93 ¶1–p. 94 ¶3)
Blg. 1: Nehemias—Bakit Kapaki-pakinabang (si p. 90-1 ¶16-19)
Blg. 2: Nehemias 13:1-14
Blg. 3: Kung Bakit Imposibleng Makipagtalastasan sa mga Patay (rs p. 153 ¶1-5)
Blg. 4: b Hindi Para sa mga Kristiyano ang Mararahas na Video Game
Peb. 27 Pagbasa sa Bibliya: Esther 1-5 Awit 215
Kalidad sa Pagsasalita: Kung Paano Mapasusulong ang Katatasan (be p. 94 ¶4–p. 96 ¶3, maliban sa kahon sa p. 95)
Oral na Repaso
Mar. 6 Pagbasa sa Bibliya: Esther 6-10 Awit 74
Kalidad sa Pagsasalita: Pananagumpay sa Pagkautal (be p. 95, kahon)
Blg. 1: Introduksiyon sa Esther at Bakit Kapaki-pakinabang (si p. 91-4 ¶1-6, 16-18)
Blg. 2: Esther 6:1-10
Blg. 3: Ang Mahinahong Sagot ay Makapapawi ng Pagngangalit
Blg. 4: Kung Bakit Itinatakwil ng Tunay na mga Kristiyano ang Lahat ng Espiritistikong Gawain (rs p. 154 ¶1–p. 155 ¶6)
Mar. 13 Pagbasa sa Bibliya: Job 1-5 Awit 160
Kalidad sa Pagsasalita: Sandaling Paghinto Dahil sa Bantas at Pagbabago ng Diwa (be p. 97 ¶1–p. 98 ¶5)
Blg. 1: Introduksiyon sa Job (si p. 95-6 ¶1-6)
Blg. 2: Job 2:1-13
Blg. 3: Huwag Mag-usisa Hinggil sa Kapangyarihan ng mga Demonyo (rs p. 156 ¶1–p. 157 ¶1)
Blg. 4: Kung Bakit Iniiwasan ng Tunay na mga Kristiyano ang Pagbubulung-bulungan
Mar. 20 Pagbasa sa Bibliya: Job 6-10 Awit 214
Kalidad sa Pagsasalita: Sandaling Paghinto Para Magdiin, Sandaling Paghinto Para Makinig (be p. 99 ¶1–p. 100 ¶4)
Blg. 1: Ang Kahigitan ng Espirituwal na mga Simulain (w04 10/15 p. 4 ¶2–p. 5 ¶3)
Blg. 2: Job 7:1-21
Blg. 3: Kung Ano ang Ibig Sabihin ng Pagkakaroon ng Dalisay na Puso
Blg. 4: Kung Paano Makalalaya Mula sa Impluwensiya ng Espiritismo (rs p. 157 ¶2–p. 158 ¶1)
Mar. 27 Pagbasa sa Bibliya: Job 11-15 Awit 8
Kalidad sa Pagsasalita: Wastong Pagdiriin ng mga Susing Salita (be p. 101 ¶1–p. 102 ¶4)
Blg. 1: ‘Bigyang-Pansin Kung Paano Ka Nakikinig’ (be p. 13 ¶1–p. 14 ¶4)
Blg. 2: Job 12:1-25
Blg. 3: Magbantay Laban sa Espiritu ng Pagsasarili (rs p. 162 ¶3–p. 163 ¶3)
Blg. 4: Kung Bakit Nagdudulot sa Atin ng Kagalakan ang Ministeryo
Abr. 3 Pagbasa sa Bibliya: Job 16-20 Awit 50
Kalidad sa Pagsasalita: Pagpapasulong sa Pagdiriin ng mga Susing Salita (be p. 102 ¶5–p. 104 ¶4)
Blg. 1: Kung Paano Natin Ipinakikita ang Ating Pag-ibig sa Diyos (w04 3/1 p. 19-21)
Blg. 2: Job 16:1-22
Blg. 3: Kung Paano Inilalapit ni Jehova ang mga Tao Upang Sambahin Siya
Blg. 4: c Ang mga Panganib ng Pagmamataas at Mapaghimagsik na Saloobin (rs p. 163 ¶4–p. 164 ¶1)
Abr. 10 Pagbasa sa Bibliya: Job 21-27 Awit 119
Kalidad sa Pagsasalita: Naidiin ang Pangunahing mga Ideya (be p. 105 ¶1–p. 106 ¶1)
Blg. 1: Nagdudulot ng Gantimpala ang Espirituwal na mga Simulain (w04 10/15 p. 5 ¶4–p. 7 ¶2)
Blg. 2: Job 24:1-20
Blg. 3: Si Jehova ay Nagbibigay ng Lakas na Higit sa Karaniwan
Blg. 4: d Magbantay Laban sa mga Pita ng Laman (rs p. 164 ¶2)
Abr. 17 Pagbasa sa Bibliya: Job 28-32 Awit 100
Kalidad sa Pagsasalita: Lakas ng Tinig na Angkop sa mga Tagapakinig (be p. 107 ¶1–p. 108 ¶4)
Blg. 1: Pakikinig sa mga Pulong at mga Asamblea (be p. 15 ¶1–p. 16 ¶5)
Blg. 2: Job 29:1-25
Blg. 3: Huwag Magpadaig sa Pagnanasa ng mga Mata (rs p. 164 ¶3–p. 165 ¶1)
Blg. 4: Kung Bakit Lubhang Namangha ang mga Pulutong sa Paraan ng Pagtuturo ni Jesus
Abr. 24 Pagbasa sa Bibliya: Job 33-37 Awit 94
Kalidad sa Pagsasalita: Kung Paano Mapasusulong ang Lakas ng Iyong Tinig (be p. 108 ¶5–p. 110 ¶2)
Oral na Repaso
Mayo 1 Pagbasa sa Bibliya: Job 38-42 Awit 154
Kalidad sa Pagsasalita: Pagbabagu-bago ng Tono ng Boses—Baguhin ang Lakas ng Iyong Tinig (be p. 111 ¶1–p. 112 ¶2)
Blg. 1: Job—Bakit Kapaki-pakinabang (si p. 100 ¶39-43)
Blg. 2: Job 38:1-24
Blg. 3: Paano Natutupad sa Ngayon ang Isaias 60:22?
Blg. 4: e Ang Mapanlait na Pananalita at Karahasan ay mga Gawa ng Laman (rs p. 165 ¶2)
Mayo 8 Pagbasa sa Bibliya: Awit 1-10 Awit 168
Kalidad sa Pagsasalita: Pagbabagu-bago ng Tono ng Boses—Baguhin ang Iyong Bilis (be p. 112 ¶3-6)
Blg. 1: Introduksiyon sa Mga Awit—Bahagi 1 (si p. 101 ¶1-5)
Blg. 2: Awit 4:1–5:12
Blg. 3: Ilagak ang Iyong Pagtitiwala sa Diyos, Hindi sa Tao (rs p. 165 ¶3-4)
Blg. 4: Manghawakan sa Parisan ng Nakapagpapalusog na mga Salita
Mayo 15 Pagbasa sa Bibliya: Awit 11-18 Awit 217
Kalidad sa Pagsasalita: Pagbabagu-bago ng Tono ng Boses—Bagu-baguhin ang Pagtataas o Pagbababa ng Iyong Tono (be p. 113 ¶1–p. 114 ¶3)
Blg. 1: Introduksiyon sa Mga Awit—Bahagi 2 (si p. 102 ¶6-11)
Blg. 2: Awit 14:1–16:6
Blg. 3: Sa Anu-anong Paraan Hindi Bahagi ng Sanlibutan ang Tunay na mga Kristiyano?
Blg. 4: Sino ang Dapat Sisihin sa Pagdurusa ng Tao? (rs p. 284 ¶2-3)
Mayo 22 Pagbasa sa Bibliya: Awit 19-25 Awit 23
Kalidad sa Pagsasalita: Magsalita Nang May Damdamin (be p. 115 ¶1–p. 116 ¶4)
Blg. 1: Ang Mabuting Kaunawaan ay Nagtatamo ng Lingap (w04 7/15 p. 27 ¶4–p. 28 ¶4)
Blg. 2: Awit 22:1-22
Blg. 3: Papaano Nagsimula ang Pagdurusa? (rs p. 285 ¶1-2)
Blg. 4: f Anu-ano ang mga Paalaala ng Diyos, at Bakit Natin Dapat Sundin ang mga Ito?
Mayo 29 Pagbasa sa Bibliya: Awit 26-33 Awit 203
Kalidad sa Pagsasalita: Sigla na Angkop sa Materyal (be p. 116 ¶5–p. 117 ¶4)
Blg. 1: Mapasusulong Mo ang Iyong Memorya (be p. 17 ¶1–p. 19 ¶1)
Blg. 2: Awit 30:1–31:8
Blg. 3: Sa Anu-anong Paraan Napalalaya ang Isa Dahil sa Katotohanan?
Blg. 4: Kung Paano Tayo Makaiiwas sa Maraming Pagdurusa (rs p. 285 ¶3-4)
Hun. 5 Pagbasa sa Bibliya: Awit 34-37 Awit 167
Kalidad sa Pagsasalita: Pagpapahayag ng Init (be p. 118 ¶1–p. 119 ¶5)
Blg. 1: Ang Kapangyarihan ng Panalangin (w04 8/15 p. 18 ¶6–p. 19 ¶10)
Blg. 2: Awit 34:1-22
Blg. 3: Kung Bakit Pinahintulutan ng Isang Diyos ng Pag-ibig na Magpatuloy ang Pagdurusa Nang Gayon Katagal (rs p. 286 ¶2)
Blg. 4: Sa Anu-anong Anyo ng Idolatriya Tayo Dapat Tumakas?
Hun. 12 Pagbasa sa Bibliya: Awit 38-44 Awit 216
Kalidad sa Pagsasalita: Pagpapahayag ng Damdamin (be p. 119 ¶6–p. 120 ¶5)
Blg. 1: Ang Papel ng Espiritu ng Diyos sa Pag-alaala (be p. 19 ¶2–p. 20 ¶3)
Blg. 2: Awit 40:1-17
Blg. 3: Hindi Nagkakasalungatan ang Tunay na Siyensiya at ang Bibliya
Blg. 4: Lulunasan ng Diyos ang Lahat ng Pinsalang Dinanas ng Kaniyang mga Lingkod (rs p. 286 ¶3–p. 287 ¶3)
Hun. 19 Pagbasa sa Bibliya: Awit 45-51 Awit 104
Kalidad sa Pagsasalita: Ang Kahalagahan ng Pagkumpas at Ekspresyon ng Mukha (be p. 121 ¶1-4)
Blg. 1: Kailan Darating si Jesus? (w04 3/1 p. 16, kahon)
Blg. 2: Awit 46:1–47:9
Blg. 3: Kung Bakit Hindi na Lamang Pinalampas ng Diyos ang Kasalanan ni Adan (rs p. 287 ¶4-5)
Blg. 4: Paano Maaaring Maging Mahina Ngunit Malakas ang Isang Kristiyano? (2 Cor. 12:10)
Hun. 26 Pagbasa sa Bibliya: Awit 52-59 Awit 103
Kalidad sa Pagsasalita: Paggamit ng Kumpas at Ekspresyon ng Mukha (be p. 121 ¶5–p. 123 ¶2)
Oral na Repaso
Hul. 3 Pagbasa sa Bibliya: Awit 60-68 Awit 45
Kalidad sa Pagsasalita: Pagtingin sa Mata sa Ministeryo (be p. 124 ¶1–p. 125 ¶4)
Blg. 1: Kung Ano ang Kahulugan sa Atin ng Kapakumbabaan ni Jehova (w04 11/1 p. 29-30)
Blg. 2: Awit 60:1–61:8
Blg. 3: Maipagmamatuwid ba ng Ating Pakikibahagi sa mga Gawaing Kristiyano ang Hindi Natin Pagsunod sa mga Kautusan ng Diyos?
Blg. 4: Hindi Diyos ang Sanhi ng Kapansanan sa Katawan at Isip (rs p. 287 ¶6–p. 288 ¶2)
Hul. 10 Pagbasa sa Bibliya: Awit 69-73 Awit 225
Kalidad sa Pagsasalita: Pagtingin sa Mata Kapag Nagpapahayag (be p. 125 ¶5–p. 127 ¶1)
Blg. 1: Bakit Ka Dapat Magsikap sa Pagbabasa? (be p. 21 ¶1–p. 23 ¶3)
Blg. 2: Awit 71:1-18
Blg. 3: Buong-Pag-ibig na Ipinaaabot ni Jehova sa mga Bata ang mga Pakinabang ng Haing Pantubos ni Kristo (rs p. 288 ¶3)
Blg. 4: g Kung Bakit Hindi Dapat Magtangi ang mga Kristiyano
Hul. 17 Pagbasa sa Bibliya: Awit 74-78 Awit 28
Kalidad sa Pagsasalita: Pagiging Natural sa Ministeryo sa Larangan (be p. 128 ¶1–p. 129 ¶1)
Blg. 1: Magbasa Taglay ang Wastong Motibo (be p. 23 ¶4–p. 26 ¶5)
Blg. 2: Awit 75:1–76:12
Blg. 3: Ano ang Nasasangkot sa Paghanap kay Jehova? (Zef. 2:3)
Blg. 4: Hindi Ginagamit ng Diyos ang mga Kalamidad Para Parusahan ang mga Tao (rs p. 288 ¶4–p. 289 ¶2)
Hul. 24 Pagbasa sa Bibliya: Awit 79-86 Awit 112
Kalidad sa Pagsasalita: Pagiging Natural sa Plataporma (be p. 129 ¶2–p. 130 ¶1)
Blg. 1: “Ang Tolda ng mga Matuwid ay Uunlad” (w04 11/15 p. 26 ¶1–p. 28 ¶2)
Blg. 2: Awit 82:1–83:18
Blg. 3: Hindi Dapat Ituring ang Pagdurusa Bilang Patotoo ng Di-pagsang-ayon ng Diyos (rs p. 289 ¶3-4)
Blg. 4: Mapaluluguran ba Talaga ng Di-sakdal na mga Tao ang Diyos?
Hul. 31 Pagbasa sa Bibliya: Awit 87-91 Awit 57
Kalidad sa Pagsasalita: Pagiging Natural Kapag Nagbabasa sa Madla (be p. 130 ¶2-4)
Blg. 1: Kapag “Madali ang Kaalaman” at Inuugitan Tayo ng Karunungan (w04 11/15 p. 28 ¶3–p. 29 ¶7)
Blg. 2: Awit 89:1-21
Blg. 3: Bahagi ng Ating Pagsamba ang Pag-aaral ng Bibliya
Blg. 4: Hindi Dapat Ituring na Patotoo ng Pagpapala ng Diyos ang Materyal na Kasaganaan (rs p. 290 ¶1-2)
Agos. 7 Pagbasa sa Bibliya: Awit 92-101 Awit 190
Kalidad sa Pagsasalita: Ang Personal na Kalinisan ay Nagpapaganda sa Mensahe (be p. 131 ¶1-3)
Blg. 1: Kung Paano Mag-aaral (be p. 27 ¶1–p. 31 ¶2)
Blg. 2: Awit 92:1–93:5
Blg. 3: Ang Pagsasalita ba ng mga Wika ay Nagpapatunay na Taglay ng Isa ang Espiritu ng Diyos? (rs p. 434 ¶1–p. 435 ¶2)
Blg. 4: Ang Kahalagahan ng Katapatan sa Moral
Agos. 14 Pagbasa sa Bibliya: Awit 102-105 Awit 1
Kalidad sa Pagsasalita: Kung Paano Nakaaapekto sa Pananamit at Pag-aayos ng Isa ang Kahinhinan at Katinuan ng Pag-iisip (be p. 131 ¶4–p. 132 ¶3)
Blg. 1: “Kay Rami ng Iyong mga Gawa, O Jehova!” (w04 11/15 p. 8-9)
Blg. 2: Awit 104:1-24
Blg. 3: Kung Bakit Dapat Tayong Patuloy na Magbantay
Blg. 4: Bakit Naiiba ang Pagsasalita ng mga Wika Ngayon sa Ginawa Noon ng Unang-Siglong mga Kristiyano? (rs p. 435 ¶3-6)
Agos. 21 Pagbasa sa Bibliya: Awit 106-109 Awit 201
Kalidad sa Pagsasalita: Ang Kahalagahan ng Maayos na Pananamit (be p. 132 ¶4–p. 133 ¶1)
Blg. 1: Mga Kabataan—Huwag Maging Sunud-sunuran sa Inyong mga Kasamahan (w04 10/15 p. 22 ¶4–p. 24 ¶5)
Blg. 2: Awit 107:20-43
Blg. 3: Tinutulungan Tayo ng Salita ng Diyos Upang Mangatuwiran Hinggil sa Pag-aangkin ng Ilan na Taglay Nila ang Espiritu ng Diyos (rs p. 436 ¶2-5)
Blg. 4: Sa Anu-anong Paraan Natin Matutularan ang Diyos?
Agos. 28 Pagbasa sa Bibliya: Awit 110-118 Awit 125
Kalidad sa Pagsasalita: Ang Maayos na Personal na Hitsura ay Hindi Nagbibigay ng Dahilan na Ikatitisod (be p. 133 ¶2-4)
Oral na Repaso
Set. 4 Pagbasa sa Bibliya: Awit 119 Awit 59
Kalidad sa Pagsasalita: Maayos na Bikas at Masinop na Kasangkapan (be p. 134 ¶1-5)
Blg. 1: Ang Pag-aaral ay Kapaki-pakinabang (be p. 31 ¶3–p. 32 ¶3)
Blg. 2: Awit 119:25-48
Blg. 3: Kung Bakit Natin Iginagalang ang Sekular na mga Awtoridad
Blg. 4: Ang Tunay na mga Kristiyano sa Ngayon ay Hindi Nakikilala sa Pagsasalita ng mga Wika (rs p. 436 ¶6–p. 437 ¶1)
Set. 11 Pagbasa sa Bibliya: Awit 120-134 Awit 65
Kalidad sa Pagsasalita: Kung Paano Babawasan ang Kabalisahan Kapag Nagsasalita (be p. 135 ¶1–p. 137 ¶2)
Blg. 1: Kung Paano Gagawin ang Pagsasaliksik (be p. 33 ¶1–p. 35 ¶2)
Blg. 2: Awit 121:1–123:4
Blg. 3: Gaano Katagal Magpapatuloy ang Kaloob na Magsalita ng mga Wika? (rs p. 437 ¶2-3)
Blg. 4: Ano ang Hyperbole, at Paano Ito Ginamit ni Jesus?
Set. 18 Pagbasa sa Bibliya: Awit 135-141 Awit 97
Kalidad sa Pagsasalita: Kung Paano Magkakaroon ng Tindig (be p. 137 ¶3–p. 138 ¶5)
Blg. 1: Mga Awit—Bakit Kapaki-pakinabang—Bahagi 1 (si p. 104-5 ¶23-7)
Blg. 2: Awit 136:1-26
Blg. 3: Sa Anong Paraan Isang Salu-salo ang Memoryal?
Blg. 4: h Ang Trinidad ay Hindi Nakasalig sa Bibliya (rs p. 413 ¶1–p. 418 ¶5)
Set. 25 Pagbasa sa Bibliya: Awit 142-150 Awit 5
Kalidad sa Pagsasalita: Ang Kahalagahan ng Pampalakas ng Boses (be p. 139 ¶1–p. 140 ¶1)
Blg. 1: Mga Awit—Bakit Kapaki-pakinabang—Bahagi 2 (si p. 105-6 ¶28-32)
Blg. 2: Awit 142:1–143:12
Blg. 3: i Kung May Magtanong, ‘Naniniwala ba Kayo sa Trinidad?’ (rs p. 432 ¶3–p. 433 ¶5)
Blg. 4: Sa Anu-anong Paraan Maaari Nating Unahin ang Pangangailangan ng Ibang Tao Bago ang sa Atin?
Okt. 2 Pagbasa sa Bibliya: Kawikaan 1-6 Awit 111
Kalidad sa Pagsasalita: Mabisang Gamitin ang mga Mikropono (be p. 140 ¶2–p. 142 ¶1)
Blg. 1: Introduksiyon sa Mga Kawikaan—Bahagi 1 (si p. 106-7 ¶1-5)
Blg. 2: Kawikaan 5:1-23
Blg. 3: Bakit Totoong Laganap ang Kabalakyutan? (rs p. 83 ¶1-4)
Blg. 4: j Huwag Magpalaganap ng mga Kuwentong Di-totoo (2 Tim. 4:4)
Okt. 9 Pagbasa sa Bibliya: Kawikaan 7-11 Awit 73
Kalidad sa Pagsasalita: Paggamit ng Bibliya sa Pagsagot (be p. 143 ¶1-3)
Blg. 1: Introduksiyon sa Mga Kawikaan—Bahagi 2 (si p. 107-8 ¶6-11)
Blg. 2: Kawikaan 7:1-27
Blg. 3: Nakadaragdag sa Pagkakaisa ng Ating Kapatiran ang Kristiyanong Neutralidad
Blg. 4: Bakit Pinahihintulutan ng Diyos ang Kabalakyutan? (rs p. 84 ¶1–p. 85 ¶1)
Okt. 16 Pagbasa sa Bibliya: Kawikaan 12-16 Awit 180
Kalidad sa Pagsasalita: Kung Paano Susulong sa Paggamit ng Bibliya (be p. 144 ¶1-4)
Blg. 1: Pag-aralang Gamitin ang Iba Pang mga Kasangkapan sa Pagsasaliksik (be p. 35 ¶3–p. 38 ¶4)
Blg. 2: Kawikaan 14:1-21
Blg. 3: Paano Tayo Nakikinabang sa Pagpapahintulot ng Diyos sa Kabalakyutan? (rs p. 85 ¶2-3)
Blg. 4: Ano ang Makatutulong sa Atin na Matamang Makinig sa mga Pagpupulong?
Okt. 23 Pagbasa sa Bibliya: Kawikaan 17-21 Awit 131
Kalidad sa Pagsasalita: Paghimok na Gamitin ang Bibliya (be p. 145-6)
Blg. 1: Mga Kawikaan—Bakit Kapaki-pakinabang—Bahagi 1 (si p. 109-10 ¶19-28)
Blg. 2: Kawikaan 17:1-20
Blg. 3: Kung Ano ang Pangmalas ng mga Kristiyano sa mga May-edad Na
Blg. 4: k Anong Pangmalas Hinggil sa mga Babae ang Itinataguyod ng Bibliya? (rs p. 46 ¶6–p. 47 ¶1)
Okt. 30 Pagbasa sa Bibliya: Kawikaan 22-26 Awit 9
Kalidad sa Pagsasalita: Ang Kahalagahan ng Mabisang Pagpapakilala sa Kasulatan (be p. 147 ¶1–p. 148 ¶2)
Oral na Repaso
Nob. 6 Pagbasa sa Bibliya: Kawikaan 27-31 Awit 51
Kalidad sa Pagsasalita: Pagpili ng Angkop na mga Komento Upang Ipakilala ang Kasulatan (be p. 148 ¶3–p. 149 ¶3)
Blg. 1: Mga Kawikaan—Bakit Kapaki-pakinabang—Bahagi 2 (si p. 110-11 ¶29-38)
Blg. 2: Kawikaan 28:1-18
Blg. 3: Ang Pag-aatas ba ng Pagka-ulo sa Lalake ay Paghamak sa mga Babae? (rs p. 47 ¶2–p. 48 ¶1)
Blg. 4: Kung Bakit Hindi Natin Dapat Hatulan ang mga Taong Nakakatagpo Natin sa Ministeryo Batay sa Kanilang Panlabas na Anyo
Nob. 13 Pagbasa sa Bibliya: Eclesiastes 1-6 Awit 25
Kalidad sa Pagsasalita: Ang Wastong Pagdiriin ay Nagsasangkot ng Damdamin (be p. 150 ¶1-2)
Blg. 1: Introduksiyon sa Eclesiastes (si p. 112-13 ¶1-8)
Blg. 2: Eclesiastes 5:1-15
Blg. 3: Paano Naitago Mula sa Marurunong at Matatalino ang mga Katotohanan sa Bibliya? (Mat. 11:25)
Blg. 4: Ang mga Babae ba’y Dapat Maging mga Ministro? (rs p. 48 ¶2-3)
Nob. 20 Pagbasa sa Bibliya: Eclesiastes 7-12 Awit 37
Kalidad sa Pagsasalita: Idiin ang Wastong mga Salita (be p. 150 ¶3–p. 151 ¶2)
Blg. 1: Eclesiastes—Bakit Kapaki-pakinabang (si p. 114 ¶15-19)
Blg. 2: Eclesiastes 9:1-12
Blg. 3: Bakit sa Ibang Pagkakataon ay Naglalagay ng Lambong sa Ulo ang mga Babaing Kristiyano? (rs p. 49 ¶1-2)
Blg. 4: Ano ang Masama sa Paninibugho?
Nob. 27 Pagbasa sa Bibliya: Awit ni Solomon 1-8 Awit 11
Kalidad sa Pagsasalita: Mga Paraan ng Pagdiriin (be p. 151 ¶3–p. 152 ¶5)
Blg. 1: Introduksiyon sa Awit ni Solomon at Bakit Kapaki-pakinabang (si p. 115-17 ¶1-4, 16-18)
Blg. 2: Awit ni Solomon 7:1–8:4
Blg. 3: Bakit Dapat Maging Masinop, Malinis, at Mahinhin sa Kanilang Pananamit ang mga Kristiyano?
Blg. 4: Wasto ba Para sa mga Babae na Gumamit ng Kosmetiko o Alahas? (rs p. 50 ¶1–p. 51 ¶1)
Dis. 4 Pagbasa sa Bibliya: Isaias 1-5 Awit 90
Kalidad sa Pagsasalita: Wastong Ikinapit ang Kasulatan (be p. 153 ¶1–p. 154 ¶3)
Blg. 1: Introduksiyon sa Isaias (si p. 118-19 ¶1-8)
Blg. 2: Isaias 3:1-15
Blg. 3: Ang Sanlibutan ba’y Lilipulin ng Apoy? (rs p. 387 ¶1-2)
Blg. 4: l Kung Bakit Dapat Maging “Mabagal sa Pagkapoot” ang mga Kristiyano (Sant. 1:19)
Dis. 11 Pagbasa sa Bibliya: Isaias 6-10 Awit 204
Kalidad sa Pagsasalita: Gawing Malinaw ang Pagkakapit ng Kasulatan (be p. 154 ¶4–p. 155 ¶4)
Blg. 1: Paggawa ng Isang Balangkas (be p. 39-42)
Blg. 2: Isaias 10:1-14
Blg. 3: Bakit Napakahalagang Magpatawad?
Blg. 4: Sino ang Namamahala sa Sanlibutang Ito—ang Diyos o si Satanas? (rs p. 388 ¶1-4)
Dis. 18 Pagbasa sa Bibliya: Isaias 11-16 Awit 47
Kalidad sa Pagsasalita: Mangatuwiran Mula sa Kasulatan (be p. 155 ¶5–p. 156 ¶5)
Blg. 1: Mga Kabataan—Magpatulong Kayo sa Inyong mga Magulang na Bantayan ang Inyong Puso (w04 10/15 p. 20 ¶1–p. 22 ¶3)
Blg. 2: Isaias 11:1-12
Blg. 3: Ano ang Pangmalas ng Tunay na mga Kristiyano sa Sanlibutan at sa mga Taong Bahagi Nito? (rs p. 389 ¶1–p. 390 ¶2)
Blg. 4: Hindi Makikibahagi sa Digmaan ng Armagedon ang Tunay na mga Kristiyano
Dis. 25 Pagbasa sa Bibliya: Isaias 17-23 Awit 53
Kalidad sa Pagsasalita: Nilinaw ang Praktikal na Kahalagahan (be p. 157 ¶1–p. 158 ¶1)
Oral na Repaso
[Talababa]
a Iatas lamang sa mga kapatid na lalaki.
b Iatas lamang sa mga kapatid na lalaki.
c Iatas lamang sa mga kapatid na lalaki.
d Iatas lamang sa mga kapatid na lalaki.
e Iatas lamang sa mga kapatid na lalaki.
f Iatas lamang sa mga kapatid na lalaki.
g Iatas lamang sa mga kapatid na lalaki.
h Pumili ng ilang susing mga punto mula sa iniatas na materyal na pinakaangkop sa pangangailangan ng inyong teritoryo.
i Pumili ng ilang susing mga punto mula sa iniatas na materyal na pinakaangkop sa pangangailangan ng inyong teritoryo.
j Iatas lamang sa mga kapatid na lalaki.
k Iatas lamang sa mga kapatid na lalaki.
l Iatas lamang sa mga kapatid na lalaki.