Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 11/05 p. 2
  • Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2005
  • Subtitulo
  • Linggo ng Nobyembre 14
  • Linggo ng Nobyembre 21
  • Linggo ng Nobyembre 28
  • Linggo ng Disyembre 5
Ating Ministeryo sa Kaharian—2005
km 11/05 p. 2

Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod

Linggo ng Nobyembre 14

Awit 220

10 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Gamitin ang mga mungkahi sa pahina 8 (kung angkop sa inyong teritoryo) upang itanghal kung paano ihaharap ang Nobyembre 15 ng Bantayan at Nobyembre 22 ng Gumising! Maaaring gumamit ng iba pang makatotohanang mga presentasyon. Sa bawat pagtatanghal, ipakita ang ibang paraan ng pagharap sa pagtutol na “Hindi ako interesado sa relihiyon.”—Tingnan ang aklat na Nangangatuwiran, p. 16-17.

15 min: Mga Kontribusyon na Kalugud-lugod sa Diyos. Pahayag ng isang matanda salig sa Bantayan, Nobyembre 1, 2005, pahina 26-30.

20 min: “Ihayag ang Kaluwalhatian ni Jehova.”a Kapag isinasaalang-alang ang parapo 4, anyayahan ang mga tagapakinig na maglahad ng maiikling karanasan na nagpapakita kung paanong ang mainam na paggawi ay makapagbubukas ng daan para makapagpatotoo.

Awit 24 at pansarang panalangin.

Linggo ng Nobyembre 21

Awit 40

10 min: Lokal na mga patalastas.

20 min: Gawin Mong Iyong Diyos si Jehova. Pahayag ng isang matanda salig sa Bantayan, Abril 1, 2005, pahina 25-8. Gumawa ng praktikal na pagkakapit sa mga aral na makukuha natin sa mga halimbawa nina Abraham, David, at Elias.

15 min: “Magpakita ng Personal na Interes—Sa Pamamagitan ng Pagiging Mapagmasid.”b Ilakip ang pagtatanghal ng isang mamamahayag na nakapansin sa isang bagay na nagsisiwalat kung saan interesado ang may-bahay at naibagay niya ang kaniyang mga komento alinsunod dito.

Awit 67 at pansarang panalangin.

Linggo ng Nobyembre 28

Awit 7

12 min: Lokal na mga patalastas. Basahin ang ulat ng kuwenta at pasasalamat ng tanggapang pansangay sa donasyong ipinadala. Paalalahanan ang mga mamamahayag na ibigay ang kanilang mga ulat ng paglilingkod sa larangan para sa Nobyembre. Gamit ang mga mungkahi sa pahina 8 (kung angkop sa inyong teritoryo), itanghal kung paano ihaharap ang Disyembre 1 ng Bantayan at Disyembre 8 ng Gumising! Maaaring gumamit ng iba pang makatotohanang mga presentasyon. Banggitin din ang kaayusan sa donasyon.

15 min: Pahayag ng isang matanda na may pakikibahagi ng mga tagapakinig sa mga punto sa “Tanong” sa pahina 7. Pasalamatan ang kongregasyon sa kanilang boluntaryong pagsuporta sa tagapangasiwa ng sirkito sa panahon ng kaniyang mga pagdalaw. Baka nais ng matanda na gaganap sa bahaging ito na repasuhin ang mga punto mula sa Organisado Upang Gawin ang Kalooban ni Jehova, pahina 46, parapo 2, at pahina 49, parapo 2, kung may oras pa.

18 min: Paghaharap ng Mabuting Balita sa Disyembre. Pahayag at pakikipagtalakayan sa mga tagapakinig. Sa limang-minutong pambungad na pahayag, repasuhin sa maikli ang sumusunod na punto mula sa “Kung Paano Gagamitin ang mga Halimbawang Presentasyon,” sa pahina 8 ng Ating Ministeryo sa Kaharian ng Enero 2005: (1) Karaniwan nang magiging mas mabisa ang ating mga presentasyon kung sasabihin natin ito sa ating sariling pananalita. (2) Kailangan tayong gumawa ng mabuting pagpapasiya at iangkop ang ating presentasyon batay sa kung ano ang katanggap-tanggap sa ating lugar. (3) Kailangan nating isaalang-alang ang kalagayan at ang paraan ng pag-iisip ng mga tao sa ating teritoryo. (4) Dapat nating basahing mabuti ang kabanatang nais nating itampok at hanapin ang mga puntong makapupukaw ng interes. (5) Hindi lamang ang mga paraan ng paglapit na nakabalangkas sa mga halimbawang presentasyon ang maaari nating gamitin. Pagkatapos ay talakayin kung paano ikakapit ang mga puntong ito kapag inihaharap ang alok na literatura para sa Disyembre. Maaari mong gamitin ang halimbawang mga presentasyon sa insert ng Ating Ministeryo sa Kaharian ng Enero 2005 o iba pang mga presentasyon na mabisa sa inyong lugar. Itanghal ang isa o dalawang presentasyon.

Awit 123 at pansarang panalangin.

Linggo ng Disyembre 5

Awit 38

10 min: Lokal na mga patalastas.

15 min: Lokal na mga pangangailangan.

20 min: “Kung Ano ang Naisasakatuparan ng Ating Ministeryo.”c Kapag isinasaalang-alang ang parapo 5, ilakip ang mga komento ng Bantayan, Pebrero 15, 2004, pahina 32.

Awit 26 at pansarang panalangin.

[Mga Talababa]

a Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.

b Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.

c Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na pakikipagtalakayan.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share