Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 1/07 p. 2
  • Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2007
  • Subtitulo
  • Linggo ng Enero 8
  • Linggo ng Enero 15
  • Linggo ng Enero 22
  • Linggo ng Enero 29
  • Linggo ng Pebrero 5
Ating Ministeryo sa Kaharian—2007
km 1/07 p. 2

Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod

Linggo ng Enero 8

Awit 12

10 min: Lokal na mga patalastas. Pasiglahin ang lahat na panoorin ang video na No Blood—Medicine Meets the Challenge bilang paghahanda sa pagtalakay na gaganapin sa Pulong sa Paglilingkod sa linggo ng Enero 22. Gamit ang mga mungkahi sa pahina 8 o iba pang presentasyong angkop sa inyong teritoryo, itanghal kung paano iaalok ang Enero 15 ng Bantayan at ang Enero ng Gumising!

15 min: Makinabang sa Pagsusuri sa Kasulatan Araw-araw. Pahayag at pakikipagtalakayan sa mga tagapakinig batay sa paunang salita ng Pagsusuri sa Kasulatan Araw-araw—2007. Talakayin ang pangangailangang gumugol ang lahat ng ilang minuto bawat araw upang isaalang-alang ang teksto at komento sa Kasulatan. Isaayos nang patiuna na magkomento ang isa o dalawang mamamahayag tungkol sa kanilang rutin sa pagsasaalang-alang ng teksto at kung paano sila nakinabang dito. Magtapos sa isang maikling pagtalakay ng taunang teksto para sa 2007.

20 min: Ipaabot sa Lahat ang Mabuting Balita. Pahayag at pakikipagtalakayan sa mga tagapakinig batay sa Organisado Upang Gawin ang Kalooban ni Jehova, pahina 92 hanggang sa subtitulo sa pahina 102.

Awit 165 at pansarang panalangin.

Linggo ng Enero 15

Awit 93

10 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian.

15 min: Mayroon Bang Pumipigil sa Iyo? Pahayag ng isang elder salig sa Ang Bantayan, Abril 1, 2002, pahina 13-15.

20 min: “Hindi Ako Interesado.”a Kapag tinatalakay ang parapo 4, tanungin ang mga tagapakinig kung ano ang mga ikinababahala ng mga tao sa inyong teritoryo. Magkaroon ng dalawang maikling pagtatanghal na nagpapakita kung paano sasagutin ang pagtutol na “Hindi ako interesado.”—Tingnan ang aklat na Nangangatuwiran, p. 16.

Awit 135 at pansarang panalangin.

Linggo ng Enero 22

Awit 224

10 min: Lokal na mga patalastas. Basahin ang ulat ng kuwenta at ang pasasalamat ng tanggapang pansangay sa donasyong ipinadala. Gamit ang mungkahi sa pahina 8 o iba pang presentasyong angkop sa inyong teritoryo, itanghal kung paano iaalok ang Pebrero 1 ng Bantayan at ang Pebrero ng Gumising!

10 min: Lokal na mga pangangailangan.

25 min: “Ang Pinakamataas na Kalidad ng Paggamot—Ano Iyon?” Gagampanan ng isang elder. Simulan kaagad ang pagtalakay sa video na No Blood sa mga tagapakinig gamit ang mga tanong na nasa artikulo. Magtapos sa pagbasa ng huling parapo at pasiglahin ang lahat na repasuhing mabuti ang binanggit na mga artikulo ng Bantayan.

Awit 188 at pansarang panalangin.

Linggo ng Enero 29

Awit 55

7 min: Lokal na mga patalastas. Ipaalaala sa mga mamamahayag na ibigay ang kanilang ulat ng paglilingkod sa larangan para sa Enero. Banggitin ang alok na literatura sa Pebrero, at magtanghal ng isang presentasyon.

15 min: “Handa Ka ba sa Likas na Kalamidad?”b Gagampanan ng isang elder. Ilakip ang mga komento mula sa artikulong “Paano Kaya Kami Makatutulong?” sa Ating Ministeryo sa Kaharian, Oktubre 2006, pahina 1.

23 min: “Ano ang Aking Pananaw Tungkol sa Blood Fractions at sa Paggamot na Ginagamitan ng Sarili Kong Dugo?”c Tanong-sagot na talakayan at isang pagtatanghal. Dapat maingat na sundin ng elder na gaganap ng bahaging ito ang balangkas na ipinadala ng tanggapang pansangay sa lupon ng matatanda.

Awit 137 at pansarang panalangin.

Linggo ng Pebrero 5

Awit 3

10 min: Lokal na mga patalastas.

15 min: Saksi ni Jehova Ako! Pahayag at pakikipagtalakayan sa mga tagapakinig. Atubili ang ilang kabataan na magpakilala bilang Saksi ni Jehova dahil nangangamba silang baka tuyain sila ng kanilang mga kaedad. Pero may mabubuting dahilan para ipakilala kung sino ka. Malamang na igalang ng iyong mga guro ang mga paniniwala mo kung alam nila ang tungkol dito at hindi ka pilitin na makibahagi sa anumang bagay na di-angkop. Magdadalawang-isip ang mga kabataan na isama ka sa kanilang masasamang gawain. Mas madaling mauunawaan ng iba ang mga desisyon mo tungkol sa mga bagay na tulad ng pakikipag-date o pagsali sa mga palaro sa paaralan at sa ibang ekstrakurikular na gawain. Hindi ka rin gaanong mangangambang magpatotoo sa paaralan o makatagpo ng isang kaklase habang nangangaral sa teritoryo. (g02 3/22 p. 12) Anyayahan ang mga mamamahayag na magkomento kung paano sila nakinabang sa pagpapakilala ng kanilang sarili sa paaralan bilang isang Saksi ni Jehova. Maaaring patiunang mag-atas ng isa o dalawang kapatid na magkokomento.

20 min: “Pag-ibig—Susi sa Mabungang Ministeryo.”d Ilakip ang mga komento sa Bantayan ng Pebrero 1, 2003, pahina 23, parapo 16-17.

Awit 83 at pansarang panalangin.

[Mga talababa]

a Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na talakayan.

b Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na talakayan.

c Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na talakayan.

d Limitahan ang pambungad na mga komento nang di-lalampas sa isang minuto, at sundan ng tanong-sagot na talakayan.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share