Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
Ang Bantayan Disyembre 1
“Tuwing Disyembre, marami pong naglalagay ng Belen para gayahin ang ulat na ito ng Bibliya. [Basahin ang Mateo 2:1, 11.] Napansin ba ninyo ang pagkakaiba ng ulat sa Bibliya at ng karaniwang nakikita sa Belen? [Hayaang sumagot.] Tinatalakay ng artikulong ito kung ano talaga ang nangyari.” Ipakita ang artikulo sa pahina 31.
Gumising! Disyembre
“Gusto ko po sanang malaman ang opinyon ninyo tungkol sa sinabing ito ni Jesus. [Basahin ang Mateo 5:3.] Yamang napakaraming relihiyon, mahalaga pa bang pag-isipan kung paano natin sinasapatan ang ating espirituwal na pangangailangan? [Hayaang sumagot.] Ipinakikita po ng artikulong ito kung paano magkakaroon ng tunay na kasiyahan sa espirituwal.” Itampok ang artikulo sa pahina 12.
Ang Bantayan Enero 1
“Nagkakasalungatan ang opinyon ng mga relihiyon tungkol sa pag-inom ng alak. Ano po kaya ang pangmalas ng Diyos sa bagay na ito? [Hayaang sumagot.] Bagaman iniulat sa Bibliya na minsa’y ginawang alak ni Jesus ang tubig, mababasa rin po natin ito. [Basahin ang Kawikaan 23:20a.] Ipinakikita po ng magasing ito ang tamang pangmalas ng Bibliya tungkol sa pag-inom ng alak.”
Gumising! Enero
“Dahil sa hirap ng buhay, maraming tao ang sagad sa trabaho at pagód na pagód. Ganoon din ba kayo? [Hayaang sumagot.] Pansinin po natin ang makatuwirang payong ito. [Basahin ang Eclesiastes 4:6.] Mababasa sa magasing ito kung paano tayo magiging timbang sa trabaho, pamilya, at pagrerelaks. May mga mungkahi rin po dito para sa mga naghahanap ng trabaho.”