Pagdiriwang ng Memoryal—Biyernes, Abril 3, 2015
NOONG Sabado, Marso 7, 2015, sinimulan ng mga kongregasyon sa buong mundo ang apat-na-linggong kampanya para mag-imbita ng pinakamaraming tao hangga’t posible sa pag-alaala natin sa kamatayan ni Jesu-Kristo at mapakinggan ang pahayag tungkol sa kahalagahan ng kamatayan niya at kung paano tayo makikinabang dito. Milyon-milyong imbitasyon ang naipamahagi nang personal at sa pamamagitan ng telepono at mga liham. Ang resulta? Noong Biyernes, Abril 3, masayang-masayang tinanggap ng mga Saksi ni Jehova ang 19,862,783 dumalo sa sagradong okasyong ito. Ginagawa ngayon ang lahat para tulungan ang mga dumalo na patuloy na sumama sa bayan ni Jehova, sambahin ang tunay na Diyos, at madama ang kaniyang magiliw na pagmamahal at saganang pagpapala.—Mik. 4:2.